The last part.
May isang pagkakataon na tumawag ka sa akin, asking how am I? What am I doing? Pwede ba tayong magkita? Something like that at sinagot kita ng okay lang ako, pauwi na at para saan pa sa huling katanungan mo?
Bakit kailangan mo pang tumawag para sabihin lang ang mga bagay na yun? Maayos naman natin pinag-usapan ang break up natin personally para hindi na tayo mag-uusap pa. Kahit na gustuhin mong maging kaibigan ako, imposible na. Ayaw ko na magkaroon pa ng koneksyon sa'yo.
Naikuwento ko ito sa kanya, nagalit siya. Tinanung niya ako, "bakit mo siya tinawagan kung alam mong siya yun?" Hindi ako nakapagsalita. Ang nasabi ko na lang ay para tumigil na siya ng kakatawag. He didn't believe me kasi tumawag ka ulit pero ibang araw naman.
Aish.
Di ko alam pumasok sa utak ko kung bakit ko na naman ginawa yun. Maling-mali db?
Nangako ako sa kanya na ibablock ko na number mo para di ka na ulit makatawag and finally, hindi ka na tumawag. Salamat naman.
Wala na tayong balita sa isa't-isa. Masaya na ako dun. Hindi na dapat pakialaman pa ang bagay na magpapakasakit sa ating dalawa.
You're happy and I'm happy. That's the end.