I realized something, unting-unti na nawawala ang daily routine natin. Katulad ng "good morning and good night texts", calling me whenever you're available, yung makikitext ka just to inform me that you're busy and tell me you will not be able to talk to me. Parang reporting just like you said.
Ngayon, mukhang ako na lang ang gumagawa nun. Pansin mo kaya? Ever since, you bought a smartphone, everything changed. Hindi na tayo nagpapaload, gagawin lang natin yun kung magkikita tayo. Sa messenger na lang tayo nag-uusap kasi nga mas convenient gamitin. Pero nasasaktan ako kasi nawawalan ka na ng oras sa akin kahit naiintindihan ko naman ang ginagawa mo. Nasasaktan ako dahil hindi ka gumagawa ng paraan para kausapin man lang ako. Just to check on me like you used to do.
I missed that. I really do.
Iba na kasi ang sitwasyon natin ngayon, I resigned from my job because I don't want to be the cause of misunderstanding between you and your uncle. Lalo na ang asawa niya dahil tutol siya sa atin at alam mo yun.
It doesn't matter to me kung anuman ang sinasabi nila. Basta, ang importante sa akin ay ang atensyon na binibigay mo at ang oras na dapat nakalaan para sa akin. I know I sound so selfish but that's what I wanted.
Oras at atensyon mo lang, ayos na sa akin. Kahit konti lang kaso wala akong natatanggap mula sa'yo. Masakit kaya sa akin yung ganitong sitwasyon, ayaw ko na magreklamo dahil wala naman patutunguhan yun eh. Mas masasaktan lang ako dahil wala ka naman masyadong sinasabi.
This time, dapat alam ko ang worth ko as a woman. At ngayong alam ko na yung worth ko kaso parang nakakalimutan ko. Hindi ko na dapat ginagawa ang ginawa ko dati sa mga past relationships ko.
I'm a woman. I deserve to be treated like a queen. But obviously, I wasn't.