Alexis's POV
We're here na sa next class namin. Kami parin magkasama ni Louise. Si Arjay, Shey kasi ay parehong mass com ang kinuha while Jasmine ay architecture ang course.Well, its our afternoon class na pero no show parin si Jack. Andito na rin yung professor namin. Nagdidiscuss na sya actually nung mga pag-aaralan namin sa subject na ituturo nya. Nagkakilala na rin kami ni Devonne. Ka-line kasi namin sya. Katabi ko pa kaya nakapagpakilala na kami sa isa't isa. Naka 30 minutes na since nagstart yung class ng when all of a sudden ay biglang bumukas yung pinto. Si Jack pala yung pumasok tuloy tuloy nga lang sya na pumasok e, parang wala yung teacher sa harapan. Umupo sya katabi ni Devonne. Yung kalapit nanaman ng bintana. Actually natanong ko nga kanina kay Devonne kung sino nakaupo dun sa upuan na yun, sabi nya irereserve nya for her best friend. Pagtingin ko naman sa mga kaklase ko. Aba! Mga nakanganga pati prof, hindi ata nya akalain na papasok ng first day si Jack kasi napaka-unusual nga daw sabi ni Louise. Well, hanep talaga ang dating ni Jack, napatigil nya ang lahat. Napaubo nalang yung prof keneme then pinapagtuloy yung sinasabi nya kanina. After ng class namin ay bigla nanamang nawala si Jack. Nakakatakot talaga yun, bigla biglang susulpot tapos bigla bigla ding mawawala. I grimace. Brr. So heto kami nila Louise naglalakad papuntang next class namin. Nasabi kong 'nila' right? Kasi nadagdagan kami. Kasama nanamin si Devonne at si Jenna na katabi ni Louise kanina. Pagkadating naman namin sa room ay nagkwekwentuhan lang kami. But nakalagpas na ng 30 minutes pero wala parin yung prof kaya nagdecide nalang kaming lumabas na. Nagugutom na daw si Louise e. Hanep! Naka two rice kaya yun kanina, may fries pa sya at shake na kinain. Grabeng tiyan yun. Hindi halata sa kanya na matakaw sya kasi ang sexy ng figure mga te! Napailing na nga lang ako. This will be a long day I thought.
No one's POV
Magkakasama ang apat na magkakaibigan na naglalalad papuntang parking lot. Mayayaman kasi ang mga lola nyo at mga nakakotse! RK alert. Nakitagpo na rin sila Arjay, Shey at Jasmine dahil tapos na rin daw ang klase nila. While si Devonne ay tinawagan si Nathalie. Pero dine-decline lang yung tawag nya. Ang taray diba! Lmao. So kanya kanya na silang sakay sa kanilang car. Solo sila Devonne, Jenna at Alexis while na sa car ni Louise si Jasmine at magkasama ang magpinsan na si Arjay at Shey. Napagkasunduan nila na sa isang cafe nalang sila pumunta. Para chill chill lang. Mga RK talaga lol. After ng bonding nila ay nagkapalitan pa sila ng phone number bago magsiuwian. Kahit sa ilang oras lang sila na magkakasama ay nag-click agad sila. It feels like magkakakilala na sila dati pa. May connection mga te! So thats what happened bow.Alexis's POV
I'm here na sa bahay. Nakakapagod grabe! Pero worth it naman kasi may mga bago na agad akong friends. Nagkakasundo kami at yung tipo bang walang dull moments? Feel me? Ang saya grabe! Kwentuhan, tawanan at kung ano ano pang kalokohan. Medyo nakilala ko na din yung ugali nila. First ay si Louise, matakaw sya sobra! Hahaha. Medyo sadista din sya at palaasar. Si Arjay naman ay sobrang nakakatawa. Given na ata yun pag mga gay? Kasi yung mga friends ko din na gay ay palatawa e yun bang bigla bigla silang magpa-punchline. Nangalay nga ata panga ko katatawa. Si Shey naman ay over sa cuteness. Yiee! Pero nakakatawa din sya pareho sila ng pinsan nya. Pero may difference din syempre kasi ang nakakatawa kay Shey ay yung pagiging inosente nya sa ibang bagay. Si Jasmine naman ay mahilig ngumisi! Palaasar din sya katulad ni Louise. Partners in crime nga yung dalawa. Si Devonne naman ay mabait, palangiti talaga sya, medyo madaldal din. Si Jenna naman ay yung serious type ng person pero masarap syang kasama. Siya yung pinakamature sa amin. Nakaka-intimidate din yung aura nya like ni Nathalie (di ko na sya tinawag na Jack kasi ewan! Lol) At syempre ako na chill chill lang. Hahaha. So far maganda ang naging outcome ng first day ko kahit medyo na-late ako nung first class ko. Aba! Buwis buhay kaya ang ginawa kong pagtakbo from first floor up to third floor. Di ko na kasi hinintay yung elevator at nasa fifth floor pa. Matatagalan pako kung hihintayin ko pa kaya no choice kundi tumakbo. Hayy, naalala ko nanaman si Nathalie. Gusto ko talaga syang makilala. I dunno kung bakit pero I'm so curious about her. Yung feeling na may nakita kang new specie at gusto mong malaman kung ano yun. Feel me? O kaya siguro nacu-curious ako dahil nakatitigan ko sya? Yung mukha nyang walang expression at yung mga mata nya na blanko kasi ay tumatak sa isipan ko. I want to know kung ano nangyari for her to be like that.--
AN: Hi. Let me know po kung ano yung comments or suggestion nyo sa story ko so far. Thank you!Good day!

YOU ARE READING
Dangerous
AcakShe's cold hearted, aloof and not nice to everybody. She's independent and doesn't like to be boss around. She likes her own space and tend to shut people out afraid that someone will break the walls she always put around her. She maybe rude and a c...