Chapter XVIII

790 25 0
                                    

If you really want to move on and forget about the past. Accept first the reality that you and her/him is done. If hindi mo pa kayang tanggapin then go. Time heals ika nga. Hindi mo alam nakamove on ka na pala. Hindi mo namamalayan na okay ka na pala. Hindi mo pansin na wala ka nang nararamdaman sa kanya. I salute those people na naka survive sa heart break. Why? Because they choose to continue living their life.

Keme lang - Author J

--
Alexis
Nakapalibot na kami ngayon paikot sa bonfire. Gabi na kaya syempre malamig na ang simoy ng hangin lalala. Mabuti nalang at may inimpakeng jacket si manang. Kung hindi jusko! Mangingisay ako nito sa lamig. Hoho.

May hawak hawak din kaming stick na may marshmallows. Typical bonfire thingy feat story telling about paranormal brr hahaha. Ang nagkwekwento ay yung mga nagbabantay dito. Hindi ako masyado nakikinig at baka maparanoid lang ako mamayang pagtulog. Mga abno nanaman sila. Pano ba naman. Mga sumisigaw at nagyayakapan pa hahaha! Pagtingin ko naman kay nath ay naka poker face parin. Tindi nito hahaha! Magkatabi nga pala kami. Pinagkaisahan kasi nila kami kanina. Ito nalang kasi ang available na upuan kaya no choice ako na umupo sa tabi nya. May kinuha kasi ako sa bag ko kaya naiwan ako. Pagdating ko naman ay sa tabi nalang ni nath walang nakaupo kaya yun.

Wahhh! Ayoko pang mategi at kunin ng mga chaka na mumu! Maarteng sigaw ni arjay. Dinaig pa yung mga babae katitili e. Sakit sa ears. -_-

Me too! Wahhh! Second the motion pa ng pinsan nyang may sapak din na si shey. At least mas okay pa yung ganung tono ng boses kesa sa tumatawa sya. Maawa naman! Hahaha. *peace sign*

Maya maya pa ay umalis na din sila kuya. Magpapatrol pa kasi sila sa paligid. Manghang mangha naman ang mga bruha sa katapangan daw nila edi wow -_-

Ano na gagawin natin guys? Any suggestions? Tanong ni boss devonne. Nagtaas naman ng kamay si jenna.

Magkwento tayo about sa sarili natin. Magbibigay muna ng category tapos isa isa ay iimik related to that category. Example ang category ay likes and dislikes sa isang tao. Then sasagot sya about dun sa gusto at hindi nya gusto about sa isang tao. Paikot tayong magkwekwento. Yung pagbibigay naman ng category ay ganun din. Gets? Mahaba nyang paliwanag. Pumalakpak naman kami. Bat ba! Ang haba ng sinabi nya e. Amazing hahaha!

Okay hahaha. Gora! Ikaw na magsimula. Energetic naman na sigaw ni devonne sabay turo kay jenna.

Category no 1 by jenna: Ayaw sa isang tao.

Jenna: Ayoko ng maingay but not technically yung maingay basta! May nakakairita kasing ingay di ba? Like kayo. Maingay kayo pero hindi ako naiinis pero pag ibang tao ang sarap lagyan ng tape. -_-

Louise: Ayoko ng pakitang tao. Like wtf people. Be yourself! *sabay taas pa ng mga kamay*

Jasmine: Ayoko ng pangit. De joke! Hahaha. Ayoko ng mga judgmental.

Arjay: Ayoko ng tipo ng tao na gustong kontrolin ang mga bagay na gagawin ko na dapat lahat ng kanilang sinasabi susundin mo. *seryoso nyang sabi na ikinabigla ng lahat, ngumiti naman ito pagkatapos na parang walang sinabi o nangyari*

Shey: Ayoko ng pabida. Okay na ako kay Jollibee kung saan bida ang saya! Hihihihi. *napa face palm naman silang lahat*

Me: Ayoko ng mga taong dadating sa buhay ko pero iiwan lang din pala ako. *tingin silang lahat sakin, nginitian ko nalang*

Nathalie: I hate traitors. *poker face with matching cold voice nya*

Devonne: I hate fake people and liar. Kaya I have trust issues but with you guys? Feel ko talaga na mapagkakatiwalaan ko kayo and hindi nga ako nagkakamali.

Awww! Kaya lumapit kaming lahat sa kanya at nag group hug. Nakisali din si nath, hinikit ko e. Hahaha. Pero di sya umimik ng awww. Asa pa! Lol.

Nagpatuloy lang yung game keneme namin. Andami naming nalaman sa isat isa like ano ang dream namin, ideal boy/girl, dream house mga ganun. Nakikisali naman si nath but may mga tanong na hindi sya nasagot. Thankful na rin kami syempre kasi at least nakikisama at umiimik na sya di ba? 

Next game na tayo guys! Suggestions? Hyper na tanong ni Devonne.

I have never! Alam nyo ba yun? Sagot ni Jasmine. Nagnod naman kami, napanuod ko na yun e. Hindi ko lang maalala kung saan hahaha.

Paikot din yung pagtatanong ha. Isa isa tayo. Limang daliri gagamitin natin. Kung sino unang maubos may consequences. Truth or dare. Bwahaha. Explain ni Jasmine. Mga nag apir naman sila louise at devonne. Mga kupal talaga -_-

Game! Sabay sabay naming sabi (pwera kay nath hahaha)

Jasmine: never pa akong napaihi dahil sa takot. Hahaha.

Oops. Di ko pa yun nararanasan kaya hindi ako nagbaba ng daliri. Pagtingin ko naman sa kanila ay 'wtf arjay, shey and louise seryoso?!' Napahagalpak nalang ako ng tawa sabay peace sign sa kanila hahaha.

Explain nyo yan. Sabi ni jas habang natawa. Bully talaga. Hihi.

Arjay: Oh lalala. Basta tinakot ako ng mga hampaslupa kong kaklase nung highschool then boom ihi! Si shomba kasi e huhubels. Hindi ito makatarungan!

Sa sinabi nito ay mas napabunghalit kami ng tawa. Hahaha. Si nath nakita kong palihim na ngumiti. Sus pasimple e. Lmao.

Ikaw na baby shey. Sabi ko naman sa katabi kong cute cute na friend.

Shey: Nagkayayaan kaming magpipinsan sa mother side na pumuntang amusement park tapos napagkasunduan na pumasok dun sa horror keneme. Eh ayaw ko naman talaga! Pinilit lang nila ako. So yun tapos pagkapasok namin  may mga monster! Mumu! Basta! Tapos may biglang pugot na ulo na lumitaw sa harapan ko, na-shock ako tapos diko namalayan na napaihi na pala ako.

Naka pout sya habang nagkwekwento kaya di ko napigilang kurutin yung cheeks nya habang natawa. Hahaha.

And last but not the least. Louise hahaha. Anyare girl? Patawa tawang sambit ni devonne. Namumula naman si louise sa kahihiyan hahaha. Itong brutal, sadista at bully kong friend ay naranasan na palang maihi dahil sa takot? Amazing di ba! Hahaha.

Louise: Hmp *sabay irap, nagpeace sign lang naman kami sa kanya* nag ghost hunting kasi kami sa dati naming school nung highschool. Tapos napapunta kami sa may forest park. Syempre ako yung nangunguna. Hindi ko alam na wala na palang nakasunod sakin *pigil kaming napatawa, sinamaan naman kami ng tingin haha* so yun, paglingon ko magisa na pala ako. Eh may bigla akong naramdaman sa may likod ko. Akala ko mumu kaya yun napaihi ako. Pero shit lang! Statue lang pala!

Dun na kami napatawa ng malakas. Hahaha. Hanep na statue akalain mong ito lang pala katapat ng isang amasonang babae! Edi wow lmao.

Pagtingin ko naman sa katabi ko ay nakangiti sya. Napatigil ako sa pagtawa at napatitig sa kanya. Napansin nya ata ang pagtitig ko kaya lumingon sya. Nagtama ang aming mga mata na ikinatigil ng lahat sa paligid namin. Naramdaman ko nalang na may humawak sa kamay ko. Napatingin ako dito at nakita ang aming mga kamay na magkadikit. Wow. Your hands fits in mine like its made just for me. Napakanta pako tuloy hahaha. Napangiti na lang ako. What a beautiful night.

--
AN: I love tori kelly. Mwa!

Good day!

DangerousWhere stories live. Discover now