Chapter XVII

732 22 0
                                    

Alexis
Nagbalik kami sa real world ng marinig naming sumigaw si devonne. Grabeeeee. Almost one hour na pala kaming magkayakap? Ang bilis ng oras. Ang bilis talaga ng oras pag kasama ko sya. G! Landeee. Hahaha.

Lumangoy na kami papunta sa kanila. Nagulat pa nga sila kung saan daw kami nanggaling. Akala daw kasi nila ay in-abduct na kami ng alien o kaya kinuha ng shokoy para dalhin sa kanilang kaharian. Harhar funny clapclap. -_-

Dedma nalang kaming dalawa. Wapakels! Hahaha. Tinatamad ako magsalita bat ba. Lmao.

Tinuro ni boss devonne kung saan kaming tent tutulog. Napatingin naman ako kay nathalie. Dugdug. Kinakabahan ako. Baka kung anong gawin sa akin ni nathalie. I'm not prepared! More like baka kung anong kasuklam suklam na gagawin mo sa kanya mahaderang assumerang Alexis sabi ng malandi kong isip. Tse! I'm innocent! I believe in world peace. *bow*

May nag clap sa harap ng maganda kong mukha kaya sinamaan ko ng tingin. Tinaasan lang naman ako ng kilay. Aba! Wala akong laban kaya ngumiti nalang ako. Hoho.

Tulala ka dyan? Ayusin mo na gamit mo! Bulyaw sakin ni madame louise. Nagnod nalang ako sabay alis at baka biglang mag transform katulad ni san goku mahirap na hahaha.

Wow. Ang organize naman ni nath. Naayos na nya agad ang kanyang mga gamit pati na din yung hihigaan namin mamaya. Naramdaman ata nya ang maganda kong presensya kaya napalingon sya sakin. Umiwas din naman sya agad. Hmp. Ganun ba ko kahanga hanga para di nya makayanan ang titigan ako sapagkat nasisilaw sya ng aking kagandahan? Edi wow!

Mala ninja moves nalang akong nag ayos ng mga gamit ko. Yung tipong walang tunog pag gumagalaw ako. Syempre joke lang yun! Walang ganun oy. Hahaha.

Stupid crazy girl

Aba! Lumingon ako sa nagsalita na yun pero sumalabong sa akin ang famous poker face ni nath. Napangiwi nalang ako at napasipol sabay patay malisya. Hahaha.

After so many years ay natapos ko nang ayusin ang mga gamit ko. Tiningnan ko naman si nath na nakahiga na ngayon habang tinatakpan nya ang kanyang mukha gamit ang isa nyang braso. Kinuha ko naman yung phone ko para tingnan ang oras at para palihim na ding picturan ang babaeng walang malay hihi.

Quarter to seven na pala. Napahawak ako sa tiyan ko at kinausap na hindi sya gutom bored lang. Hindi ako baliw! Tinitigan ko nalang ulit ang babaeng nakahiga. Why so sexy? Rawr hahaha.

Stop staring. Sabi nya sabay tanggal ng braso nya sa mukha nya. Nagtama naman ang aming mga mata. Parang magnet na hindi namin matanggal ang tingin sa isat isa. Walang umiiwas o nagiiba ng tingin. Nang may lapastangang sumigaw na kakain na. Yun ang naging cue namin para magbaba ng tingin. Sayang. Andun na yung moment e! Napasimangot nalang ako. Narinig ko nanamang tumunog yung tiyan ko. Hindi ako gutom -_-

Biglang tumayo mula sa pagkakahiga si nath at lumapit sa akin. Hinawakan nya yung wrist ko at itinayo. Nagtataka naman akong tumingin sa kanya.
Lets go. Nagrereklamo na yung alaga mo sa tiyan. Bigkas nya habang nakatingin sa tiyan ko. Shit. -_-

Nagpahila nalang ako hanggang makarating kami sa kanila. Mga mukha naman silang nagulat. Eh? Bakit kaya? Nakatingin lang sila samin at sabay sabay na tumingin pababa ng pababa ng pababa kaya napatingin din ako. Whuutttt? Bat hawak na nya kamay ko? Ang alam ko ay yung wrist ang hinawakan nya paghila sa akin. Bigla akong namula at hinila ang kamay ko mula sa kanya. Ehhhhh. Nakakahiya! Di ako prepared. Take two!

Nakatungo akong lumapit sa kanila. No way highway subway! Ayoko ngang mag angat ng tingin baka masilaw pa sila sa kagandahan ko chos! Mga nahimasmasan na ata sila kaya back to normal ang peg. Pag sinabi kong back to normal ay ito ang pagiging SPG ni arjay jasmine at louise sa pagkain buti nalang kahit anong lalakas kumain ay hindi nataba, si shey na naghahanap ng kanyang peyborit na pipino, si devonne na dinadaldal si jenna na pa cool lang ang peg. So far si jenna ang pinakamatino. Lumingon naman bigla si jenna sakin sabay smirk at taas baba ng kanyang mga kilay. I take back what I've said about her, definitely not matino. -_-

Naramdam ko namang may umupo sa tabi ko. Paglingon ko ay ang lapit ng mukha namin ni nathalie. Nice! Oops. Definitely not me. Hahaha.

Umiwas din naman sya at kumuha na ng pagkain. Napa pout naman ako. Nabigla nalang ako ng nilagyan nya ako ng pagkain sa plato ko. Napa smile naman ako sa kanya kahit naka poker face lang sya na nakatitig sakin. Whatever! I happily eat yung mga nilagay nya. Yum! Yum!

Habang kumakain ay dinaldal na kaming lahat ni devonne at sinabi na din nya na magbobonfire kami. Yieee! Ang saya nun hahaha. Tuloy tuloy lang naman ang subo ko habang nakikinig. Bat ba! Ang sarap kaya ng grilled pork chop, inihaw na isda at marami pang iba. Hahaha.

Tss. Narinig kong sabi ng katabi ko sabay abot ng tissue sa akin. Tinitigan ko lang naman yung tissue at nagtatanong na tumingin sa kanya. Napabuntong hininga naman ito sabay kuha nung tissue at pinunas sa may labi ko. Seryoso lang sya habang pinupunasan nya ako. Nakatitig lang din ako sa kanya.

Yiieee! Whoah! Ehem! Ohhh! Nice! Bwahaha!

Ibat ibang reaksyon na narinig namin kaya bigla kaming napaayos ng upo. Mga nakatingin naman sila ng nakakaloko sa amin. Tumungo nalang ako sabay lamon ulit habang uminom naman ng tubig si nath. Patay malisya mode on. Lmao.

--
AN: Good day!

DangerousWhere stories live. Discover now