Alexis's POV
Its another day yeah! Maganda ang gising ko dahil maganda din ang naging gabi ko. Yiee! So much for that. Bumabalik nanaman kasi yung pagdadoubt ko sa sarili ko. Kinikilig kasi ako sa mga gesture nya. The way na kausapin nya ko, the way na mag smirk sya, the way na ngumiti sya sakin, the way na hawakan nya ang mukha ko at punasan ang mga luha ko and heck kahit nga the way ng pagupo at pagdekwatro nya ay pumapasok sa sistema ko. Am I into her? O naninibago lang ako sa kinikilos nya kaya nagkakaganito ako? Napabuntong hininga nalang ako at tumayo na para gawin ang aking morning rituals. Its already 9 in the morning na din kasi. After nun ay bumaba na ako at kumain. May lakad nga pala kami nila Louise, napagusapan namin kahapon. Sasama kaya si Nathalie? My gosh! Nathalie nanaman. Kinuha ko nalang yung phone ko and I texted them kung san magkikita kita. Nagreply naman agad si Shey na dadaanan nalang ako at van nalang daw nila Devonne ang gagamitin. Nag thanks nalang ako for informing me then nanuod nalang ako ng TV. Nawili ata ako sa pinapanuod ko kaya hindi ko namalayan na tanghali na pala, napansin ko lang nung tawagin nako ni manang para kumain. Wala na si mommy paggising ko kaya magisa lang ako na kumakain ngayon. Si manang kasi ay kasabay ng ibang kasama namin dito sa bahay. Ayaw naman nila sumabay kasi nakakahiya daw at may ginagawa pa daw yung iba kaya hihintayin pa nila yun kaya tumango na lang ako. After kong kumain ay naglog-in muna ako sa mga social accounts ko. Nagbasa basa lang ako pero maya maya ay na bored na din ako kaya naglog out na din ako. Puro Aldub lang naman nababasa ko e, di naman ako relate lol.Chivalry is dead ringtone.
Hello? Sabi ko kay Louise. Siya kasi yung tumawag.
Hey ves! Prepare ka na. Exactly 1 pm ka namin dadaanan. Sagot naman nya sakin kaya nag okay na lang ako at pinatay ang tawag.
After one hour.
Ready na ako. Hinihintay ko na lang sila Louise. On the way na daw sila.Beep! Beep!
Sila na yun for sure kaya lumabas na ako. Nagpaalam na din ako kina manang na lalabas ako syempre sinabi ko din kay mommy through text. May biglaan kasing meeting sa isa naming branch kaya umalis ng maaga si mommy. Baka one week din na wala si mommy dahil magmo-monitor na din daw sya doon. Pagkalabas ko ay andun na nga ang mga baliw. Mga loka loka talaga. Hahaha! Eh pano ba naman mga nakapose. Pati si Jenna na laging seryoso nakapose pero halatang napipilitan. Feel na feel naman nina Devonne, Jasmine, Louise at lalo na si Arjay yung mga pose nila. Napahagalpak naman ako pagtingin ko kay Shey kasi halata sa mukha nya na hindi alam ang gagawin at ang awkward pa ng pose nya. Lmao.
Hoy! Bawal po mamalimos dito. Natatawang sabi ko sa kanila.
Napasimangot at napairap naman sakin yung apat na feel na feel yung kanilang pose kanina. Napapoker face naman si Jenna habang napakamot naman si Shey sa batok nya sabay pout. Hahaha!
Tara na nga. Sabi ko sabay pasok sa van, dun ako sa pinakalast umupo para ako lang magisa. Like a boss. Lmao. Sumunod naman sila. Si Devonne ay nasa katabi ng driver nakaupo. Si Louise at Jasmine ay nasa first line. Nasa pangalawa naman yung magpinsan at si Jenna. At syempre ako na nasa likod magisa.
San na nga pala tayo guys? Tanong ni Jenna habang nakatingin sa phone nya. Sumagot naman si Devonne na may dadaanan pa daw sabay tingin sakin ng nakakaloko. Napataas naman ang kilay ko. Tumawa lang naman sya. Baliw sabi ko nalang sa sarili ko.
After 30 minutes ay tumigil din yung sasakyan. Napatingin naman ako sa labas. Napakunot ang noo ko dahil parang familiar yung place. Maya maya ay biglang lumabas si Nathalie! Napatampal ako sa noo ko kasi dito nga pala yung condo unit ni Nathalie, by the way penthouse po yung kanya. Rick kid talaga. Bumaba naman si Devonne para salubungin ang best friend nya. Napatayo naman si Arjay na umimik in a very dramatic way ng Himala. Hahaha! Pagdating nung mag best friend ay binati nila si Nathalie. And for the first time in forever ay nag greet back sya. Wow! Napaiwas naman ako nung nagtama yung mga paningin namin. Pagtingin ko naman kay Devonne ay nakangisi sya sakin. Kelan pa yan natutong ngumisi?! Masermunan nga si Jasmine at baka kung ano ano na ang tinuturo nya kay Devonne at naiimpluwensyahan na ata sa favorite expression nya na pangngisi. Napabalik ang tingin ko sa kanila ng sabihin ni Devonne na umupo na daw si Nathalie para makaalis na. And I was like hindi ba sila magtatabi sa unahan? Pero syempre tinanong ko lang yun sa sarili ko. Baka mamaya ay biglang mag san goku si Nathalie mahirap na, nakakatakot pa naman yun magalit pero ang hot at ang ganda pa din nya. Wait what?! Namalayan ko nalang na may katabi na ako at walang iba kundi si Nathalie! Gosh. Kalma Alex. Kalma lang. Maya maya pa ay lumingon sa akin si Nathalie at lumapit. Di ako makakilos, naramdaman ko nalang yung hininga nya sa may leeg ko. Hi bulong nya sakin. Oh. My. God. Napanganga nalang ako at nagsitayuan pa ata lahat ng mga balahibo ko. I'm gonna die. I'm gonna die. And Nathalie will be the death of me.
--
AN: Lmao.Good day!

YOU ARE READING
Dangerous
RandomShe's cold hearted, aloof and not nice to everybody. She's independent and doesn't like to be boss around. She likes her own space and tend to shut people out afraid that someone will break the walls she always put around her. She maybe rude and a c...