Lmao

653 11 2
                                    

Kaway kaway sa mga na friend zoned na dyan! Lalo na sa mahilig mang friend zoned! Hahaha. Real talk. Masakit ma friend zoned. Masakit tanggapin na hanggang friends lang kayo na hindi pwepwedeng humigit pa dun. Ang kulit nyo din naman kasi! Pag tropa tropa lang. Pero syempre hindi natin maiwasang mahulog at umasa. Kasi nga ang lahat ay nagmula sa pagiging magkaibigan. Pero hindi lahat pwedeng i-push okay? May mga bagay na hanggang dun lang. Ang hirap din po kayang mang friend zoned! Sino bang tao ang gustong saktan ang kaibigan mo. No way high way! Ayaw mo syempre. Bat ko ba to pinaglalaban? Wala lang. Hahaha. Eh naranasan nyo na bang ma brokenhearted pero wala namang kayo? Awde. Hahaha. May kaibigan ako na ganun, more like brother and sister ang turingan namin . He is bisexual. May gusto sya sa isang ka tropa din namin. Kasama nya lagi. Nag o-overnight sya lagi sa bahay nila. Laging nililibre at nagpapalit sila ng damit, phone, etc. But ang bottom line ay yung taong yun ay STRAIGHT. At meron syang long time crush na gustong ligawan. Syempre mahal na nya yung boy, hindi nya maiwasang magselos o masaktan. Natural naman yun pag may nararamdaman ang isang tao. Hindi sya nagcoconfess btw nung feelings nya kasi nga baka layuan sya eh straight nga yung tao. Medyo nakakastress lang din kasi iba sya masaktan. Yung tipong lagi syang nakangiti, nakatawa o nakikipagdaldalan. Pero pag magisa nalang sya o kaming dalawa na lang dun lumalabas yung pagiging emotional nya. Hindi ko naman magawang magalit dun sa isa kasi wala naman syang kasalanan. Hindi ko rin naman magawang magalit sa kanya kasi nagmahal lang naman sya. But for fuck sake! Its not healthy for him. Nagiging suicidal sya dahil dun na sana daw mamatay nalang daw sya kasi sobrang sakit. As his best friend, hindi ko maiwasang mag alala. Hindi pa naman ako yung tipo ng tao na sweet, clingy o mabulaklak magsalita kaya yung way ko para i comfort sya e sa pamamagitan ng pagmumura or pagsabi ng totoo. Harsh na kung harsh pero atleast I'm being true to myself. At everytime naman na ginaganon ko sya e magrereply o iimik sya ng 'the best ka talaga'. Oh diba baliw! Hahaha. Alam naman nun na kahit minumura ko sya lagi e mahal ko sya at hindi ko sya iiwan. Eww. Lol. Kaya if ever na may ganto kayong friend. Wag nyo syang pababayaan. Talk to him/her and wag nyong hahayaang maramdaman nya na magisa lang sya. Kahit gaano pa ka bubbly ang isang tao. May tinatago pa rin yang problema. Kulitin nyo lang ng kulitin. At least by doing that nafefeel nya na may nakakapansin pa pala sa kanya. Kaya treasure your friends and be there for them always.

Keme lang - Author J

DangerousWhere stories live. Discover now