CHAPTER SIX:
Papunta na kami sa school pero hindi parin ako pinapansin ni Tyler. Talagang galit siya sa akin kasi pinatulog ko siya sa sofa.
“Tyler, sorry na. Tabi na tayong matutulog mamaya promise. Wag ka ng magalit sakin please?” sabi ko sa kanya.
Krooo… Krooo… Kroo…. (-.-)
Hindi parin siya kumikibo ang engot.
Bahala ka nga sa buhay mo! Nakakainis! I crossed my arms na parang bata at nagmasid nalang sa may bintana.
“Leanne and Tyler, remember that people at school only knows that you are engaged not married. Dapat walang makaalam ng marriage niyo at sa pagkaka-amnesia ni Leanne. Understood?” sabi ni Mr. Lopez.
“Opo Dad”.
Pagkababa namin sa kotse, inihatid na ako ni Tyler sa classroom. Eh kasi nga may amnesia ako. Sa super laki ng university baka hindi ako maka-attend ng buong klase sa kakahanap lang ng classroom ko. *charooot
Sa hallway palang nagtitilian na ang mga babae. Hindi kaya mabutas ang eardrum ni Tyler sa kakatili at kakasigaw nila? Yung ibang mga babae super nakakairita ang mga titig sa akin, ang iba naman parang kakainin na yata ako. Sarap nilang belatan. Bleeeeh! Inggit lang kayo. Nyahahahaha…
Ganito pala ang feeling to be with Tyler James Lopez. I feel ecstatic! Nyehehehe *-*
“Sige una na ako”, sabi niya.
“Teka Tyler…”
Umalis na kaagad si Tyler. Yung mga babae kasi parang mga asong ulol, sunod ng sunod sa kanya. *sad face
“Galit talaga siya sa akin” sabi ko sa sarili ko habang paupo sa upuan ko sa may bintana.
“Sinong galit sa iyo?”
“Ha?......”
*PAK! (ang taray ng sound effect noh?)
Ayun lilingon sana ako kung saan nanggaling ang boses na nagtanong sa akin kaso nagkasalubong mga ulo namin. “Aray!”
“Nako! hehe. Sorry ah, nauntog ka tuloy. Ako nga pala si Lindon”, sabi niya sabay himas sa ulo ko.
Wow! Ang cute niya. Para siyang K-Pop artist. Jolly rin, magkakasundo kami nito. J ^____^
(Pic po ni Lindon nasa multimedia sa may right side) Cute niya noh?
“Naku okay lang yun. Ako nga pala si…”
“Leanne diba?” tanong niya.
“Wow ang galing! Para ka namang si Madam Auring. Manghuhula ka ba?” I jokingly asked.
“Naku hindi. Kilala kita kasi classmates tayo nung 4th year highschool. Ako yung transfer student from Korea, di mo ba naalala?”
Ah! Kaya pala parang K-Pop Artist ang mukha niya.
“Di ko na maalala eh. Sorry. May pagka-intrapersonal kasi ako noon eh”.
Is it just me or parang nakita ko ang mukha ni Lindon na naging sad. - L
“Ganun ba. Okay lang yun. Hehe Sabagay naman eh, nagstop ako for 2 years”
“Ah, talaga. Bakit naman?” sabi ko. Parang nacucurious ata ako dito kay Lindon ah.
“Hehe.. secret muna yun. ”, sabi niya sabay kamot sa ulo.
Ay nagpapacute pa itong engot na ito. Well, effective naman. *nyehehe
Pagkatapos ng 3rd period (free period namin) nagsnacks muna kami ni Lindon kasi sabi niya manglilibre siya. Sabi nga ni Lady Gaga, “Once you kill a cow, you gotta make a burger”. Nyehehe…
Ah, wag niyo nang itanong kung anong connection nung quote sa panglilibre ni Lindon dahil hindi ko rin alam. Pumasok lang kasi sa utak ko ang mga katagang yun. Haha
“Oh eto na!” sabi niya habang dala-dala ang dalawang fruit shake at French fries.
“Thank you”, sabi ko. “Alam mo Lindon ngayon lang kita nakita sa classroom”.
“Eh, kasi parati ka lang nakatingin sa bintana kaya di mo ako nakikita”, his face looked focused at me.
O//////////////////////////O
“Ah… hahaha… a-ano kasi…” I felt my cheeks fired up. Namumula na yata talaga kasi ngumiti si Lindon.
“Ang cute mo naman. Hehe”, sabi niya.
Ayeeeeeeeee! Ako naman kinikilig na rin. Pero kay Tyler parin ako noh. Mahal ko yata yun! Hehe... At tsaka sorry po ah, eh kayo kaya nasa kalagayan ko ngayon. Intindihin niyo nalang sitwasyon ko. Muahahaha *peace tayo friend :D
Any minute now baka pumutok na ang pisngi ko sa pamumula. Nakakahiya naman kay Lindon, “Kumain na nga tayo”, wika ko sa kanya.
“Wow! Enjoy na enjoy kayo ah!”
Muntik na akong mabulunan ng marinig ko ang boses ni Tyler.
“Uie, Ikaw si Tyler diba? Magkakilala pala kayo ni Leanne?” tanong ni Lindon.
Oh no! Spell AWKWARD! KROOO KROOOO KROOOO!
“Ahh, ano kasi Lindon…kasi…” ano ba to. Bakit ba napunta si Tyler dito? Akala ko ba galit siya sa akin, eh bakit niya ako pinuntahan dito?
“Leanne halika na, may pupuntahan tayo”, sabi ni Tyler and then he grabbed my hand and drag me out of the canteen.
“Uie teka lang Tyler, saan mo dadalhin si Leanne?” sigaw ni Lindon.
“None of your f#cking business”.
Bleeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeppp!… Patay tayo sa MTRCB niyan hubby. No bad words please…
Aww… Nagseselos yata ang hubby ko eh. Kakakilig! *evil smile
“Uie t-teka Tyler, saan mo ba ako dadalhin?” madadapa na yata ako sa bilis ng lakad namin.
Hindi niya ako pinansin, parang walang narinig ang engot. Tahimik parin siya. Grabeh nakakatakot naman ang mukha ni hubby. Super serious talaga. Huhuhu :“(( galit nga talaga siya sa akin ng todong todo.
“Tyler magsalita ka naman oh please. Tinatakot mo naman ako eh”, sabi ko sa kanya.
Binitawan na niya ang pagkakahawak sa kamay ko ng nasa may parking lot na kami sa tapat na kami ng kotse niya.
“Get in”, sabi niya. Authoritative ang boses niya ngayon. Huhu, katakot naming magalit itong si Tyler. Kaya hindi na ako nagsalita at pumasok nalang ako sa kotse niya.
“Sorry”, yun nalang ang nasabi ko. Ewan ko ba if it was really my fault.
Ini-start na niya ang engine ng kotse, “Yung seat belt mo”.
Wew! Caring ng hubby ko kahit galit. Hehehe..
========================
Ayan! Marami po talagang salamat sa mga nagvote at nagcomment. Just leave a comment sa mga gusto magpa-dedic. Sana maka-10votes ako sa chapter na'to. Sige na? :) Thanks much! = Ella
BINABASA MO ANG
My Amnesia Girl
RomanceThis book is a work of fiction. Names, characters, some places and incidents are products of the author’s imagination and are used fictitiously. Any resemblance to actual events, places, or persons, living or dead, is entirely coincidental. All righ...