CHAPTER SEVEN:
Ayan! Happy 400 reads!! Thank you talaga sa lahat ng nagvote at nagcomment at sa pagsupport sa every chapter na ina-update ko. Sana po hindi kayo magsawang magbasa ng My Amnesia Girl. I promise to give you more FUN and exciting na mga eksena :P Lovelots, Ella.
TYLER’s POV:
Nainis talaga ako kay Leanne kagabi, baka akalain niyang may gusto talaga ako sa kanya? Kasalanan ko bang nahypnotize ako kagabi sa mukha niya? I’m a guy, lapitin ng temptasyon. Inuntog ko ang ulo ko sa headboard ng kotse.
“Oh, son. Nag-away ba kayo ni Leanne kagabi?”
“Old hag, wag mo nga painitin ang ulo ko. Speaking of her saan na ba yun? Mali-late na kami ah!”
“Wag ka ngang umupo dito sa front seat, doon kayo sa likod ni Leanne”, dagdag pa ni tanda.
Tumayo ako at pumunta sa likuran. Tamang tama naman at dumating na rin ang “Angry Bird”. Yeah. Tama lang na Angry Bird na ang tawag ko sa kanya. Maganda sana ma-initin naman ang ulo.
“Tyler, sorry na. Tabi na tayong matutulog mamaya promise. Wag ka ng magalit sakin please?” sabi niya.
Pag kumibo ako sa kanya ngayon baka sabihin niyang may gusto talaga ako sa kanya, and that gusto kong makipagtabi sa kanya matulog. Well, no way Angry Bird. Hindi muna kita kikibuan ngayong araw na ito. Hahaha *evil laugh
“Leanne and Tyler, remember that people at school only knows that you are engaged not married. Dapat walang makaalam ng marriage niyo at sa pagkaka-amnesia ni Leanne. Understood?” sabi ni tanda.
“Opo Dad”, sabay naming sabi.
Bago pa ako maka-alis may pahabol pang utos si tanda sa akin na lalong kina-inisan ko.
“Son, ihatid mo na si Leanne sa classroom niya. Baka mawala pa siya, hindi pa yan sanay sa campus”.
Well, the old hag is right. Sa laki ng campus baka nga walang mapasukang class si Leanne. I had no choice but to accompany her to the Fine Arts Building. Hindi naman sa labag sa loob ko na ihatid si Leanne, I just hate those screaming girls.
Pagkahatid ko sa kanya I bid her goodbye.
Grabeh ang tilian ng mga babae kaya dali-dali akong umalis. Hindi ko na nga narinig ang sinabi ni Leanne eh. Ano kayang sinabi niya?
I can’t concentrate sa klase. I was really bothered until the 3rd period of class. Baka i-karate ako ni Leanne o batuhin ako nun kapag di ako pumunta. Pero di ko talaga narinig ang sinabi niya kanina eh. (Tulungan niyo ako readers *puppy eyes)
“Take out tayo Tyler?”
Yun ba ang sinabi niya? It doesn’t make sense. Eh, ano naman pakialam ko kung magalit siya?
“Excuse me sir”, then I went out of the room and dali-daling pumunta sa Fine Arts Building.
What the f#ck has gotten into me? Hindi ko ma-explain kung anong nangyayari sa sarili ko. Siguro I’m just being overprotective kay Leanne, since I know she’s sick. And one wrong move, baka malaman niyang I’m not really her husband. Yeah, maybe that’s the reason.
Napailing nalang ako.
“Hi Tyler, si Leanne bang hinahanap mo?” sabi ng isang babae, sabog sa make-up ang pagmumukha. Di ko nga malaman kung babae ba siya o bading eh. No offense.
“Yeah. Where is she?”
“Well she’s flirting with Lindon de los Reyes sa canteen. Grabeh yang si Leanne ah, kaka-engaged niyo lang nakikipag-date na sa iba”, sabi niya.
Pagkarinig ko ay tumakbo kaagad ako papunta sa canteen. Di na nga ako nakapagpasalamat sa babaeng mukhang clown. Nakita ko si Leanne at isang unggoy nakangiting kumakain.
“Wow! Enjoy na enjoy kayo ah!” sabi ko.
“Uie, Ikaw si Tyler diba? Magkakilala pala kayo ni Leanne?” tanong ng unggoy.
Obvious ba? Fiance ko yang kasama mong kumakain ngayon, unggoy ka!
Natulala ako. Walang lumabas sa bibig ko. Bakit ba ako nagagalit ng ganito?
“Ahh, ano kasi Lindon…kasi…” sabi ni Leanne. Napi-pressure na yata si Leanne. Baka sumama ang pakiramdam niya kapag nagpatuloy pa to.
Ah! Alam ko na. Dadalhin ko siya sa pinupuntahan ko noong bata pa ako. Nakakapagrelax ako doon dati.
“Leanne halika na, may pupuntahan tayo”, sabi ko.
“Uie teka lang Tyler, saan mo dadalhin si Leanne?”
Nakakairita tong unggoy na ito ah. Sumabat ka pa, pektusin kita eh!
“None of your f#cking business”, I replied lazily.
Kelangang hindi mapressure si Leanne. Papatayin ako ni tanda pag nalaman niyang pinabayaan ko si Angry Bird.
Yun nga ba ang dahilan? Sabi ni brain.
“Get in”, sabi ko sa kanya, kainis tong utak na ‘to. Sumasabat pa. WTF!
Anong nangyari sa babaeng to? Hindi maipinta ang mukha oh, parang nakakita ng multo.
“Sorry”.
Hah? Teka, nabasa ba niya ang iniisip ko? Di naman siguro.
“Yung seat belt mo”.
Baka mabunggo ulo niya, makaremember siya ulit. Patay kami ni Dad kapag nangyari yun. I need to be cautious.
(Nasa right side sa may Multimedia yung dress at suit ni Tyler at Leanne noong Senior's Prom nila. Remember yung flashback ni Leanne? When she got rejected by Tyler? Haha Yep2 yan yung suot niya).
BINABASA MO ANG
My Amnesia Girl
RomanceThis book is a work of fiction. Names, characters, some places and incidents are products of the author’s imagination and are used fictitiously. Any resemblance to actual events, places, or persons, living or dead, is entirely coincidental. All righ...