CHAPTER NINE:
I looked intently at the wall clock. Grabeh an aga ko naming nagising, it’s still 5:30AM. Sabagay, I didn’t have much sleep ng dahil sa engot na si Tyler.
Ang hirap naman talagang matulog ng mahimbing sa sofa.
I dialed Michelle’s phone number.
“Come on, pick up”.
“H-hello sino etetch?” sabi ni Mich sa kabilang linya.
“Mich! Pumunta ka ngayon din dito sa bahay nila Tyler. ASAP! Kaltas ang sahod mo if you’re late. 20minutes lang ibibigay ko sa iyo”, sabi ko.
I hurriedly went upstairs and took a warm shower, natutulog ng mahimbing ang engot.
Wow! Himbing ng tulog ah. Sarap buhay!
Nakakainis talaga itong lalaking to. Hindi ko maintindihan, sometimes he’s really caring, sometimes naman nagiging devil.
Hmmmpf! Kung hindi lang kita mahal!
Nagbihis na ako at pumunta sa may gate. Mich was already there cheerfully waving at me.
“Oh, on time talaga ako ha? No kaltas sweldo and ebre-thing!” sabi niya.
“Opo”, napatawa nalang ako kay Mich.
“Saan ba punta natin ha? Ang aga pa oh, natutulog pa si Manong Araw”, sabay nguso sa ulap.
“Everywhere basta di ko makita pagmumukha ni Tyler”.
“Ansabe! L.Q kayo ngayon day?” tanong niya na may nakakalokong smile.
Binigyan ko nalang si Michelle ng fake smile, “Halika na nga!”
Nagpunta nalang kami sa café na pinagtatrabahoan ni Michelle since open 24hours ito. No d’ Nil Café. Pumasok na kami at umupo ako sa may glass window. Mas maganda kasing kumain at uminom ng coffee habang nakamasid sa labas.
“Leanne okay lang ba iwanan kita kumain mag-isa? Magla-log-in nalang ako ngayon kasi nung nakalipas na araw hindi ako nakapagtrabaho”.
“Sige okay lang. Para narin makita ko on how you work at a café”, I said and winked at her.
“Ay, tenk you so much madam Leanne”, napatalon si Mich at sabay hug sa akin. “Sige dahil dyan, libre ang paborito mong fruit parfait tapos ilalagay ko sa super extra eksaherada na lalagyan”.
“Talaga? Baka malugi ang café ng dahil sa iyo ha?” sabi ko sabay ngiti ako.
“Wag kang mag-alala. Mayaman yung may ari nitong café tapos ubod ng gwapo pa”, pabulong niyang sabi.
Pagka-alis ni Mich ay nagmoment muna akong mag-isa. Well, ganyan talaga ako mahilig magmoment. LOL. Iniisip ko parin yung initials na nakacarve na punong-kahoy. Sino kaya si L? Maganda ba siya? Mayaman at matalino? Sexy at sossy?
“Hoy Leanne kanina ko pa tinatawag pangalan mo di mo ako pinapansin, kalerkey ka girl”, sabi ni Mich while shaking my shoulder.
“Umm… Sorry, I was thinking”, I replied tapos kinuha ko ang fruit parfait sa tray na bitbit then I swallowed mouthfuls of it.
BINABASA MO ANG
My Amnesia Girl
RomanceThis book is a work of fiction. Names, characters, some places and incidents are products of the author’s imagination and are used fictitiously. Any resemblance to actual events, places, or persons, living or dead, is entirely coincidental. All righ...