Chapter 2 (≧◡≦)
"WHAAAAATDA?!!!!!!!" Napasigaw na lang ako pagkapasok ko sa room..
At ang mga kaklaseng kong panget ay gulat na gulat sa pagkapasok ko..
At after nun, back to business na naman ang mga walang hiya!!!!
Paano ba naman kasi ako hindi mapapasigaw sa nakita ko???!!!!!
Eh naubusan ako ng upuan!!!! (-_-)
Yan kasi Shana!! Masiado kang mapagbigay sa kapwa mo. (-_-) Ikaw tuloy tong nawalan!!
Lesson learned! Maging MADAMOT!!! (????)
Grabe lang! Impyerno nga talaga tong classroom na to. (????)
Mga demonyito at demonyita!!!! Di man lang nila ako maalok ng upuan. Haaays!!
Ilang minuto na rin akong nakatayo sa may pintuan habang pinagmamasdan ang impyerno kong classroom..
Hanggang sa pumasok na yung teacher namin na walang ginawa kundi magkwento ng magkwento ng buhay niya!! Para tuloy nanunuod kami ng 'Maalaala mo Kaya', pinagkaiba lang, nakikinig kami sa kanya..
Hmpf! Ang sarap pektusan ng teacher na to eh!! Sayang lang yung tuition fee na binabayad namin dito sa Cambridge Academy!
Pagkapasok ni Ma'am Consolasion, napansin niya atang nakatayo lang ako.
"Hey Miss Clarkson, bakit ka nakatayo dyan? Back to your seat." Sabi niya.
"Eh ma'am, naubusan po ako ng upuan." Sabi ko habang nakalagay yung dalawang kamay ko sa likod ko.
"Well, punta ka na lang sa janitor at humingi ka ng isang upuan."
Tumango na lang ako sa kanya. Aba! Bwiset tong gurang na to! Inutusan pa ako. Sira na talaga ang araw ko!!
Buti na lang habang naglalakad ako sa third floor, nakita ko yung isang estudyante na naglabas ng upuan sa room nila. Kaya tinanong ko siya.
"Uhm, ate. Extrang upuan niyo po ba yan?" sabi ko.
"Oo girl eh. Kailangan mo ba?" sabi niya. Kaya tumango ako sa kanya at nagsmile. Hihihi! Pag sinuswerte ka nga naman oh. Tapos inabot niya sakin yung upuan habang nakangiti.
"Thank you po! ^_____^" sabi ko sakanya with a super big smile! Nginitian niya lang ako. Wow! Ang bait naman ng senior student na yun.
Bumalik na ulit ako sa hell, habang hila-hila ko yung upuan na nakuha ko. Wala akong pake kung pinagtitinginan ako ng bawat estudyante sa bawat room dahil sa ingay na dala ng upuan ko. Wuhahaha! Buti na lang malapit ang room namin dito..
"Ma'am nakakuha na po ako."
"Sige ilagay mo na yan don sa dulo sa may tabi ng bintana!" sabi niya habang tinuturo ung hell part na yun.
"Ano ulit yun ma'am?!" Nagulat naman ako sa sinabi niya at nabwisit!
"Sabi ko, ilagay mo yang upuan mo don! Bingi kaba?" Aba tinaasan pa ako ng boses ni gurang! Epal ka!!
"Narinig ko ma'am yung sinabi nyo! Pero bat niyo naman po ako papaupuin don?! E parang wala na po akong maririnig kapag dun po ako umupo!"
"Anong gusto mo? Ilalagay mo don ang upuan mo at uupo kana? O papalabasin kita sa klase ko?!"
Aish! Shana relax! Wag mong sirain ang araw mo sa gurang na yan!!! Panira lang ng ganda yan. Hayuuup ka po ma'am!!!
Dahil badtrip na din ako at ayaw ko ng makipagtalo sa teacher kong walang konsiderasyon, inilagay ko nalang yung upuan ko sa hell part na yun!!
YOU ARE READING
A Mutual Understanding with a Philanderer (Ongoing Series)
Teen FictionMutual understanding? Ano ba yon? Bakit ba ang daming naiipit sa sitwasyon na to? Madami ding nasasaktan at umaasa.. May iilan lang din naman nagiging masaya at nagkakatuluyan sa huli. Pero bakit napaka-komplikado pag napasok mo 'tong mundong to? Ak...