Chapter 5

176 12 1
                                    

Chapter 5

Habang papalabas kami ng school, nagsalita si Ayhann. "Uy Shana. taga saan ka nga pala??"

"Taga Bloomridge Subdivision ako eh." sabi ko.

"Oh talaga? Mayayaman ung nakatira dun ha." sabi niya. Anong mayaman? Niloloko mo ba ako? E ang dami nga naming utang. Lalo na sa credit card kung alam mo lang (-.-)

"Hindi kami mayaman ha. May kaya lang kami. Hehehe! ikaw saan ka ba nakatira??"

"Sa may Ridgewood Village ako. Medyo malapit sainyo, walking distance lang ^_____^" Ah. Punta nga ako sa kanila minsan. Hahaha!

Habang naglalakad naman kami. Bigla niya akong iniwan! Aba loko to ahh. Ano kayang problema nun!? -___-

Kaya naglakad nalang ako mag-isa papalabas ng school namin.

Habang naglalakad ako, tinawag ako ni Ayhann.

"Uy Shana!! Wait lang!" Kaya napalingon naman ako sa kanya.

Nakita ko siya sa may maliit na cafe shop sa school namin. Para siyang Starbucks.

May kasama siyang babae. Hindi ko makita yung mukha nung babae kasi nakatalikod...

Eto siguro yung girlfriend niya.

Hindi masiadong mahaba yung buhok nung babae tapos maypagwavy na ewan. Tapos hanggang balikat lang siya ni Ayhann. Tapos may pagkamorena siya. Pero di naman siya nognog. XD

Medyo malayo ako sa kanila kaya naglakad ako papalapit sa kanila. Humarap na yung babae. Kaso nga lang di ko maaninag yung mukha niya. Kasi malabo ung paningin ko pag malayo.

Mukhang maganda naman siya. Tska yung pangangatawan niya okay. Hindi siya payat. Di rin siya mataba. At di rin naman sya sexy. Sakto lang talaga.

Habang papalapit ako ng papalapit sa kanila....

May narealize ako.....

Maganda lang pala si ate pag nakatalikod at pag malayo =)))) Hipon pala si ateng!!! Wuhahaha. Sana di yan ung girlfriend ni Ayhann. Masiadong sinuswerte yang babae na yan pag nagkataon. Hahahaha!!

Nung nakalapit na ako sakanila, nagsalita na si Ayhann, "Uy Shana. Eto pala si Nikki." sabi niya sakin. Hmm. Nikki?? Parang familiar sakin yung name na yun ahh. Saan ko ba nakita yun? Hmmm.

Tapos tumingin naman siya kay Nikki tas sabi niya "Baby. Si Shana. Classmate ko." Tapos ngumiti sakin yung babae. Parang nakita ko na siya nito lang. Pero di ko matandaan kung saan. May pagkaboplogs din ako eh ano.

Wait!? Anudaw! Baby????!!!! So you mean....

"Shana. Siya pala yung girlfriend ko! Ang ganda niya no? ^____^" Fvck. Hahahahahaha!!!!!! Ngayon ko lang napatunayan na 'Love is blind' nga talaga :)))))))

Ay wait. yung ngiti ng babae na yan! Nakikilala ko!!

Yun! Siya pala yun!!!

Yung babaeng nagbigay sakin ng upuan kaninang umaga.. Oh~

At ung name na Nikki, yun yung nasa love letter ni Ayhann.

"Ah. Siya pala yan. Oo ang ganda nga niya." Shana kelan kapa natutong magsinungaling!? -.- Hays! Yaan na nga. Minsan lang naman eh. Hahaha.

"Hi Shana. Remember me?" Tapos nginitian niya ako.

"Oo naman. Kundi dahil sayo edi sobra sana akong napagod kanina. Haha!" Thank you na lang sa kanya. Haha!

"Baby magkakilala na kayo?" Medyo nagulat ata si Ayhann.

"Hindi naman baby. Kanina lang kami nagkita" sabi ni Nikki.

"Ayhann siya yung nagbigay nung upuan sakin kanina." sabi ko.

"Ah kaya naman pala eh. Haha! Tara? Uwi na tayo?" sabi ni Ayhann.

"Aw baby. Sorry di ako makakasabay sa uwi mo ngaun. Kasi may urgent meeting kami ng Math Club eh. Ihatid mo na lang si Shana sa kanila." sabi ni Nikki. Wow!! Ngaun lang ata ako nakakita ng babaeng hahayaan ung boyfriend niya na ihatid yung ibang babae sa bahay nila.

Wow lang talaga!! Ayun siguro yung nagustuhan ni Ayhann sa kanya. Masiado kasi siyang understanding na tao. At mukhang malaki yung tiwala niya kay Ayhann.

"Ah sige baby. Text mo na lang ako pag nakauwi kana ha? Love you!" sabi ni Ayhann ng sobrang lapad ng ngiti. Sarap tanggalin nung ngipin eh. Hahaha!

"Osige baby. Take care of Shana ha?? Loveyou too!!" Tapos nagbeso siya sakin at pinat ung balikat ni Ayhann. Para lang silang magbestfriend. Wala na atang makakapaghiwalay sa kanila. Parang ang perfect na ng relationship nila.

Tapos after nun umalis na kami ng school. Nagulat lang ako nung binuhat niya yung bag ko. Kaloka!!

"Uy wag mo ng bitbitin yung bag ko. Magaan lang naman eh. At kaya ko naman. At baka magselos pa si Nikki eh. Ihahatid mo na nga ako tapos bitbitin mo pa ung bag ko. Nakakahiya na." sabi ko sa kanya. Nakakahiya naman kasi talaga eh. At kailangan kong mag ingat. Kasi may girlfriend siya.

"Sure ka? Hmm sige. ^___^" sabi niya. "Anong selos? Hahaha! Shana di uso samin ni Nikki yun. Lalong lalo na sa kanya! Hahaha. Sobrang laki ng tiwala sa kin ng babaeng yun. Kaya mahal na mahal ko yun eh." sabi niya ulit habang nakatingin sya sa daan at naglalakad. Habang sinasabi nya yun, nakangiti siya. Mukhang inlove nga talaga sya dun kay Nikki.

"Parang ang perfect naman ng relationship niyo. Sana magkaroon din ako tulad nyan." sabi ko. Bigla na lang lumabas sa bibig ko yun. Nadala siguro ako sa kainggitan! T.T

"Perfect? Walang perfect na relationship Shana. Nag-aaway din kami minsan ni Nikki. Pero iniintindi namin yung each side kaya ganito kami. Understanding Shana. Yun ang sikreto." tapos nginitian niya lang ako.

Ah. Ganun pala yun. Itatatak ko sa utak ko yun.

Masiado ng mahaba yung napagkwentuhan namin. Puro nga tungkol sa kanila ni Nikki eh.

Haynako! Pag inlove talaga, walang ibang bukambibig kundi yung mga mahal nila. Kaya oo na lang ako ng oo kanina kay Ayhann eh.

Nung nasa harap na kami ng bahay namin. Nagsalita na ako. "Uy Ayhann. Eto na yung bahay namin. Salamat sa paghatid ha?Ingat ka sa pag uwi mo! :)'

"Sige thank you ulit sa pagtulong ha?? Ano nga pala celphone number mo at facebook?? Iadd kita! :)" Kaya kumuha ako ng papel at ballpen para isulat dun ung number ko at email address.

"Thank you Shana. Chat or text tayo ha?" Wow. Hahaha! first time na may nag-aya sakin. XD

"Okay! ^____^ Bye. " Tapos nagwave siya sakin at umalis na.

A/N: Wahaha. Mahaba ba o hindi?? Kasi sa cp lang ako nagtype. Di ko tuloy alam kung mahaba na ba o hindi ung tinype ko. Tss.  

Yung mga dati kong readers, hahakutin ko na ulit kayo ^_____^

~ sandiee

A Mutual Understanding with a Philanderer (Ongoing Series)Where stories live. Discover now