Chapter 9
Nakabalik na ako sa room namin.. Pagkapasok na pagkapasok ko, hinanap agad ng mga mata ko si Ayhann..
Tumingin ako sa bawat sulok ng room namin pero hindi ko parin siya matanaw..
Kaya tinanong ko yung katabi niya sa upuan.. Si Chen.
"Uy Chen. Alam mo ba kung nasaan si Ayhann?" tanong ko sa kanya.
"Si Ayhann?" Tumango na lang ako. Tanga din nitong lalaking to eh. Kakasabi ko nga lang na si Ayhann. Tatanungin na naman ako kung si Ayhann daw. Gosh ha. "Ah napansin ko siya kanina na lumabas eh. Pulang pula nga yung mata niya eh."
"Ah thank you! Saan siya papunta? Sa kaliwa o kanan?"
"Sa kanan. Baka pumunta ng garden Shana. Kanina pa kasi umalis yun eh." mabait din naman pala tong si Chen.
"Salamat Chen. :)" Tapos nginitian niya ako at lumabas na ako ng room. Buti na lang malapit na yung break namin.
Nilibot ko yung school grounds namin. Pero di ko talaga matanaw si Ayhann. Haay nasan na kaya yun?
Pumunta din ako ng garden, medyo madami ng estudynte ang nakatambay don pero wala talaga si Ayhann.
Halos lahat ng lugar sa room namin pinuntahan ko na..
Kaya naisipan ko na baka sa gym siya nagpunta.. Bihira lang kasing may pumunta don kasi nasa tuktok ng school namin yun.
Umakyat na ako sa gym namin.
Grabe naman parang nag Gym na rin ako sa taas ng hagdan na inaakyat ko. Nakakaloka!!
Nung makarating na ako ng pintuan ng gym. Kinakabahan ako na pumasok. Madilim kasi dun eh. Kaya naglakas loob na ako..
Nakahawak na ako sa pintuan ng gym namin..
Medyo kinakabahan talaga ako kaya nagdadalawang isip pa ako kung bubuksan ko na ba o hindi.
Nung nagkaroon na ako ng lakas ng loob para buksan yung pintuan..
Nagulat ako kasi kusa siyang umusod sakin ng di ko hinahawakan!!
Shocks. May super powers ata ako!! XD HAHAHA.
Pero...
Yun naman pala, papalabas na pala si Ayhann sa gym..
Oo nga. Andito nga siya..
"Hi Shin'yuu!! ^______^" Huh?? Weird nitong lalaki na to.
"Hello, okay ka na ba??" tanong ko sa kanya. Weirdo.
"Okay naman talaga ako eh ^_____^ Sino bang nagsabi na di ako okay? :)" Ayhann, ngayon ko lang napagtanto. Ang plastik mo! T.T
"Weh sure ka?? Bakit ka nga pala andyan??"
"Ah natulog ako. Puyat kasi ako eh. Hahaha! Hmm, break na ata natin. Tara kain tayo? :)" tumango na lang ako sa kanya.
Nagulat ako sa kanya kasi bigla niya akong hinawakan sa kamay...
Dug dug.. Dug dug..
Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko????
Ganito ba talaga ang feeling kapag may kaholding hands???
Alam ko sa sarili ko na wala naman akong gusto kay Ayhann.. Pero bakit ganito? Ang gulo naman!
Hanggang sa nakarating na kami sa cafeteria, di niya pa din binibitawan yung kamay ko at hila-hila niya pa din ako.
Medyo naiirita ako, kasi pinagtitinginan kami ng mga hudas barabas na mga chismosa kong kaklase. At pinamumunuan ng kaklase kong kabayo!!!
Ina mong kabayo ka!! Makakatikim ka sa'kin pagdating ng araw!!!
YOU ARE READING
A Mutual Understanding with a Philanderer (Ongoing Series)
Teen FictionMutual understanding? Ano ba yon? Bakit ba ang daming naiipit sa sitwasyon na to? Madami ding nasasaktan at umaasa.. May iilan lang din naman nagiging masaya at nagkakatuluyan sa huli. Pero bakit napaka-komplikado pag napasok mo 'tong mundong to? Ak...