Chapter 8

115 14 2
                                    

Chapter 8

Iniwan ko muna si Ayhann sa room..

At lumabas na ako para puntahan si Nikki..

Haaay! Lord, please po sana wala ding teacher sila Nikki para makapag-usap po talaga kami..

Medyo malapit na ako sa room nila Nikki.

Kinakabahan ako kasi baka may teacher sila at baka ma-fail ako sa balak ko.

Habang papalapit ako ng papalapit sa room nila, naririnig ko yung ingay ng mga estudyante sa loob. Hmm.. Bakit kaya??

Kaya naglakad na ako sa tapat ng room nila at sinilip ko kung may teacher..

Lord!! The best ka talaga! ^______^

Hihi. yey!! Wala silang teacher..

Pumunta na ako sa pintuan ng room nila, at kumatok. Maya-maya binuksan din nila.

Grabe lang! Ganito na ba talaga pag graduating student? Parang nakawala sa hawla yung mga estudyante?! Gosh. Kaimbyerna.

Tss. Pag sinuswerte ka nga naman oh! ^______^ Si Nikki pa yung nagbukas ng pinto.

"HI Nikki. :)" sabi ko. Nagulat ata siya. Pero nginitian naman din niya ako agad.

"Oh hi Shana. :) Ano kailangan mo? Bakit ka napadpad dito?" tanong niya. Medyo kinabahan ako bigla.

"Ah eh Nikki, may teacher ba kayo ngayon??"

"Wala si Sir eh. May emergency kasi na nangyari." Thank you po talaga Lord! ^_____^

"Nikki. Pwede ba kitang makausap?" tanong ko.

"Sure sure. Labas na lang tayo. Magulo dito eh." Tumango naman ako sa sinabi niya. At dumiretso kami sa may hagdanan at dun kami nag-usap.

------------

"So Shana, ano ba ang pag-uusapan natin?" kinakabahan ako. :(

"Ah kasi..."

"Hmm, ano yun? Sige na sabihin mo na. :)" Dahil sa ngiti niya, nawala yung kaba ko. Ano bang meron sa ngiti nya?

"Nikki.. May problema ba kayo ni Ayhann? Sorry kung nangingielam ako ha? Parang di ko kasi kayang makitang umiiyak si Ayhann eh. Kasi magkaibigan na kami. Ayokong nasasaktan yung kaibigan ko.." sabi ko sa kanya habang nakatulala ako sa sahig.

Nagulat ako nung bigla akong niyakap ni Nikki.. At....

Umiiyak siya. :( Hala? Ano bang meron? Ano bang nangyari.. Nakakalungkot naman.. Hays!

"Shana!! :'(" Umiiyak pa din siya, kaya niyakap ko na rin siya habang tinatapik ko ung likod niya.

"Nikki, ano bang nangyari? Handa akong makinig.." sabi ko sa kanya. Humiwalay naman siya sa yakap at pinunasan niya yung luha niya.

Nagsimula na siyang magsalita.. At pinakinggan ko na yung sinasabi niya..

"Kasi Shana.. Ayaw kasi talaga ng papa ko na makipagboyfriend ako... Matagal na kasi kaming magkakilala ni Ayhann.. Since elementary palang. Hanggang sa nahulog kami sa isa't isa. Kaya last month sinagot ko na siya, kasi natatakot ako na baka mapunta pa siya sa iba kasi baka mapagod siya na kakahintay sakin. Alam mo. Lagi kaming magkasama. Churchmates kasi kami. Alam mo ang hirap nga ng kalagayan namin eh. Kasi sympre laging bantay sarado sakin si papa. Kaya ayun ang hirap itago ng nararamdaman namin. May mga times na gustong gusto ko maglambingan at kulitan kami, pero di namin magawa kasi yung papa ko laging nakabantay... Nahihirapan na ako Shana. Kaya pinili ko na layuan na lang siya. Mahirap kalabanin yung magulang eh.. At kung kami naman talaga, kami talaga hanggang sa huli. Di ba? At masiado pa naman kaming bata para makipagrelasyon.."

Habang sinasabi ni Nikki yun, umiiyak siya. Sa bawat salita na binibigkas niya, mararamdaman mo talaga yung sakit na nararamdaman 

"Kaya ba Nikki ganon yung reaksyon mo kaninang umaga??" tanong ko. Alam ko di niya kailangan ng mga advice ko, ang kailangan niya ngayon ay kaibigan. Kaibigan na makikinig sa mga problema niya..

"Oo Shana.. Ang hirap. Ang hirap niyang iwasan. Sa tuwing nakikita ko siya, parang gusto ko siyang yakapin.. Namimiss ko na siya. Di ko na kaya Shana. Pero kailangan ko na talagang lumayo.." Haaay. Nahihirapan ako sa sitwasyon nila. 

Wala akong masabi sa kanya.. Di ko alam yung sasabihin ko. Kaya niyakap ko na lang siya, para gumaan naman kahit papano yung pakiramdam niya.. Niyakap din naman niya ako pabalik.

Habang magkayakap kami.. Bigla siyang nagsalita..

"Shana.."

"Yes?"

"Pwedeng favor??" Ano kaya yun?

"Sige lang.. :)"

"Pwede mo bang alagaan si Ayhann?"

"HA?!"

"I mean, di ba sabi mo magbestfriends na kayo, kaya gusto ko sayo ko ipagkakatiwala si Ayhann. Malaki ang tiwala ko sayo Shana, alam kong aalagaan mo ng mabuti si Ayhann. Please Shana..."

Bumitaw ako sa pagkakayakap namin at hinarap ko siya. "Hmm sige Nikki. Gagawin ko.."

Haayy! tama kaya tong gagawin ko?? Magagawa ko kaya yung gusto niya??

"Thank you Shana! :) Sorry kung nadamay ka pa ha?" sabi niya.

"Okay lang Nikki. Magkaibigan naman tayo eh. :) Nga pala, sana kausapin mo siya Nikki. Sana ipaliwanag mo sakanya lahat."

"Sige Shana.. Gagawin ko yan. Salamat talaga!"

Tapos pagkatapos nun, bumalik na ulit siya sa room nila.. Kaya bumalik na rin ako sa room namin ...

A/N: Medyo madrama tong chapter na to =))))) HAHAHA. Relate ba kayo? Naranasan niyo na din bang humadlang yung pamilya niyo sa pagmamahalan niyo?? Hirap ng ganyan noh? Hahaha. So, votes and comments puhlease?! ^_______^

~ sandiee

"

A Mutual Understanding with a Philanderer (Ongoing Series)Where stories live. Discover now