Chapter 11

190 11 3
                                    

Chapter 11

Ayhann's POV

Nilibot ko na ung buong school para hanapin si Shana.. Kaya tinext ko na lang siya..

To: Shin'yuu

Shana.. Where are you?

Hindi pa din nagrereply sa'kin si Shana. Haay! Asan na kaya yun??

Nilibot ko ulit ang buong school namin..

And there! I saw my bestfriend..

Sleeping under a tree..

Nilapitan ko si Shana..

Pinagmasdan ko siya habang natutulog.

Ngayon ko lang narealize na ang ganda at cute cute niya pala..

Pero bakit ganon? Parang walang nagkakagusto sa kanya.

Pero kung sakali mang magkagusto siya sa iba o pag may nagmahal na sa kanya, I swear to myself na aalagaan ko siya at poprotektahan para di masaktan.

Ayaw kong maranasan niya yung sakit na nararamdaman ko ngayon.

Masiado siyang precious para masaktan.

Yung mga katulad niya, yan yung mga tipong di dapat saktan..

Malapit ng magsarado yung school namin kaya ginising ko na ang tulog mantika kong bestfriend.

"Hey.."Inalog alog ko siya pero di pa din nagigising ang loka. "Shana. Wake up."

Gumising naman siya at mukhang nagulat.

"Uy. Hi Ayhann. Hehehe! :) Kamusta?"

"Bakit ka natutulog dyan? Tara uwi na tayo?" Sa tuwing nakikita ko si Shana, nawawala lahat ng sakit na nararamdaman ko. Napakakomportable ko talaga sa babaeng to.

"Napagod kasi ako dun sa assignment eh. Ang hirap! Nagawa mo na ba yun?"

"Yap! Kanina pa nung nagtuturo si ma'am, ginagawa ko na. Tara Shana, ihatid na kita sa inyo. Gusto mo kain muna tayo? Para naman makabawi ako sa pagpapahintay sayo. Tapos kwentuhan na din kita habang kumakain tayo. :)"

"Osige sige! :) Tara na, HAHAHA! Alam mo naman na di ko tatanggihan pag usapang pagkain eh ^____^" Napatawa naman niya ako. Astig talaga ng babaeng to!

"HAHAHA! Ikaw talaga :) tara na lakad na tayo. Akin na yang bag mo."

"Wag na kaya ko naman." Sus, kaya daw! Eh mukhang hirap na hirap na siya. Ang liit liit naman kasi ng batang to.

"Ang kulit mo!" Tapos hinablot ko yung bag niya na backpack na color pink na ang daming nakalaylay. Tss. Girly :)

Hindi na siya nakaangal kaya hinayaan na rin niya ako.

Shana's POV

Andito kami ngayon ni Ayhann sa McDO. Na naman! HAHAHA!

Bakit ganyan si Ayhann..

Ano kayang nangyari kanina? Hmm..

Umorder na kami ng Chicken fillet, French fries, sundae, at coke float.

Nagtalo pa nga kami ni Ayhann sa may counter kasi naguunahan kami magbayad.

Umepal pa nga sa'min yung babae sa cashier eh.. Sabi ba naman..

"Ang sweet niyo naman po ng girlfiiend mo.. Ate hayaan niyo na po siya na siya yung magbayad, kasi siya naman yung lalaki :)"

Tapos nagulat naman ako sa sinabi nito kaya sumagot ako.

"Naku ate! Masiado akong maganda para sa kanya. HAHAHA! Bestfriends lang po kami." Tapos inakbayan ko si Ayhann. Napangiti naman siya habang kumukuha ng pera sa wallet niya.

Well, as usual di naman magpapatalo tong lalaki na to eh! Siya na naman ang gumastos.

Baka mamulubi naman sa'kin to! XD

Nakaorder na kami at umupo na kami.

Bale umupo kami ni Ayhann sa second floor sa may tabi ng bintana. Tapos magkaharap kami.

Ang tahimik namin kaya nagsalita na din siya.

"Shana.. Alam mo ba break na kami.." Expected ko naman na na mangyayari yan eh. "Nakipagbreak siya sa'kin kasi ayaw na niya sakin kasi di na daw niya ako mahal." WHAT?!!!!

"HUH?! Sinabi niya yun?!" Grabe! Bakit ganon si Nikki?! Nakakainis siya!

"Oo sinabi niya yun. Grabe Shana.. Bakit ganito ang sakit-sakit. Parang ayaw ko na magmahal ng seryoso. Dahil sa kanya..."

Sa sobrang kainisan ko sumubo ako ng mga 10 na french fries! Nakakainis kasi eh!

"Uy Shana, dahan dahan lang baka mabulunan ka!"

"Sorry ha. Pero sure ka na di ka na daw niya mahal?!"

"Oo nga ang kulit mo rin noh. HAHAHA!"

Inubos ko na agad yung kinakain ko! Kasi inis na inis na talaga ako.

Kailangan kong makausap si Nikki!!!

Bukas na bukas din!

Natapos na kaming kumain ng di umiimik. Sorry Ayhann ha? Naiinis lang talaga ako ngayon.

--------------

Nandito na kami sa tapat ng bahay namin ngayon.

"Shana.. Okay ka lang ba?"

"Hindi ako okay ngayon eh. Naiinis ako! Sorry Ayhann ha? Babawi na lang ako sayo nextime!"

"Eh kaso----"

"Sige Ayhann bukas na lang ha! ^______^"

"Shan-----"

"Maraming salamat sa panlilibre mo! :)"

"Kasi Shan----"

"Babye! ^______^ Ingat ka sa pag-uwi mo ha. :)" Tapos pumasok na ako sa bahay at iniwan siya..

A/N: HAHAHA! Ang ikli at may pagkaboring tong chapter na to. Alam ko! =)))) Pero sinasadya ko talaga. HAHAHA! Masiadong mahirap mag-isip pag gutom. XD Bawi ako sa next chapters. HIhihi! So, votes and comments~! ^______^

~ sandiee

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 10, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Mutual Understanding with a Philanderer (Ongoing Series)Where stories live. Discover now