Chapter 3 (≧◡≦)
Shana's POV
"Nga pala, bakit mo pala ako ginising?" Sabi ko sa kanya habang papalabas kami ng hell room.
"Eh kasi break na natin eh. Eh nagsilabasan na yung mga classmates natin. Eh nakita kita na natutulog, kaya ayun. Nilapitan kita kaso may napansin lang ako. Hehehehe!" sabi niya. Ano kaya napansin nitong chinito na to?
"Ah, ano naman yung napansin mo??" tanong ko sa kanya, Nacurious kasi ako bigla eh.
"Napansin ko lang na tumutulo yung laway mo, hahaha! Nakakahiya naman siguro lalo kung nakita pa yan ng iba nating kaklase kaya ayun! ^_____^" Gosh!!!! Shana!!! TT_TT Bat kasi nacurious ka pa eh.. Nakakahiya talaga! Grabe namula ata ako sa sinabi niya.
"Ha! Hehehehe. Sorry. Ang sarap kasi matulog eh. At puyat ako. Hehehe! Nakakahiya.." Grabe. Parang ayaw ko na siya makita! Hiyang hiya na ako sa kanya. TT_TT
"Okay lang yun noh. HAHAHAHA!" Ano ba tong chinito na to. Wala ng ibang ginawa kundi tumawa. Kaya nangumiti na lang ako sa kanya..
First time ko to. Yung may makausap ng matagal sa school. Yung hindi pinaguusapan yung mga about sa group works. Kasi kaya lang naman may nakakausap ako dati dahil lang sa mga school activities eh. Pero kung about sa buhay? Wala.. Ni isa.. Si Ayhann lang talaga..
Thank you Lord! ^_______^ Sana maging magkaibigan pa kami lalo...
"Ahmm, Shana... Pwede mo ba ako tulungan??" Napatingin naman ako sa kanya.
"Ah sige try ko kung kaya ko. Hahaha! Ano ba yun?" sabi ko.
"Eh kasi 1st first monthsary namin ng girlfriend ko bukas. June 5. Gusto ko sana siyang bigyan ng letter. Kaso di ko alam yung isusulat ko eh. Matutulungan mo ba ako??"
Nung sinabi niya sakin na may girlfriend siya.. Parang nalungkot ako.. Hindi dahil sa may girlfriend na siya. Pero dahil baka mawalan pa ako ng kaibigan. Mahirap magkaroon ng kaibigan na lalake lalo na kung may girlfriend na. Kasi madaming limitasyon. Dapat sa bawat kilos at sinasabi mo, dapat mag-ingat ka. Kasi baka may masaktan o magalit. Pero sana di naman mangyari yun. Minsan na lang ako magkaroon ng kaibigan, mawawala pa ba?
"Uy Shana.. Ok ka lang ba?" Nung kinalabit niya ako, bigla na lang ulit ako natauhan.
YOU ARE READING
A Mutual Understanding with a Philanderer (Ongoing Series)
Novela JuvenilMutual understanding? Ano ba yon? Bakit ba ang daming naiipit sa sitwasyon na to? Madami ding nasasaktan at umaasa.. May iilan lang din naman nagiging masaya at nagkakatuluyan sa huli. Pero bakit napaka-komplikado pag napasok mo 'tong mundong to? Ak...