APOLLO ZAPATA I

698 59 104
                                    

Maaliwalas ang kapaligiran at may mga ibong nag liliparan sa bughaw na kalangitan habang naglalakad ang dalawang magkaibigan. Makikita mo sa kanilang labi ang matatamis na ngiti habang sila'y nag-uusap. Naglalakad ang mga ito papasok sa kanilang eskwelahan nang napahiyaw sila sa gulat dahil may isang napakabilis na motor ang dumaan sa tabi nila na halos tumaas ang suot nilang mga palda.

"Ang luwang-luwang na nga ng daan tapos sa tabi ka pa namin talaga dadaan?!" galit na sigaw ng isang babae sa nagmamaneho ng motor na dumaan sa tabi nila.

Hinawakan naman ng kasama niya ang kamay nito para pakalmahin. "Relax, Astraea ang aga-aga nagagalit ka na naman." sabi ng kaibigan nitong si Mya.

"Paanong hindi ako magagalit e, sa tabi natin siya dumaan! Ang luwang kaya ng daan, o!" sigaw nito at tinuro ang daan na pwede namang daanan ng mga naka-motor at sasakyan.

Pinagpatuloy naman nila ang paglalakad nila hanggang sa makarating sila sa kanilang eskwelahan. Nang papasok sila sa gate ay nakita ng kaibigan nitong si Mya ang may ari ng motor na dumaan sa tabi nila kanina.

"Frenny," tawag nito sa kaibigan na nauna nang maglakad. "tignan mo kung sino iyong dumaan sa tabi natin kanina." habol nito kay Astraea.

Tumigil naman sa paglalakad si Astraea at hinarap siya. "Sino iyang hampas lupang muntikan na tayong sagasahan kanina?" naka-taas ang isang kilay nitong nakatingin sa kaibigan niya.

"Iyong boyfriend mo." sagot nito at tinuro ang isang lalaking kakababa lang ng motor at nagmamadaling pumasok sa gate ng eskwelahan.

Nang marinig ni Astraea ang salitang 'boyfriend' ay halos matawa siya. Halos dalawang buwan niya rin kasi na hindi nakita ang 'boyfriend' daw niya na sinasabi ni Mya.

"Boyfriend?" mapakla itong tumawa. "baka EX-BOYFRIEND kamo?" saad nito at inirapan ang kaibigan niya bago siya ulit naglakad papasok sa gate.

"Hindi pa naman kayo nag break 'di ba?" habol sa kanya ng kaibigan niya at nilingkis nito ang kamay niya sa braso ni Astraea. "kasi wala namang naganap na break-up noong mama-"

Hindi natuloy ni Mya ang sasabihin niya nang lingunin siya ni Astraea. Hindi niya nasabi ang gusto niyang sabihin dahil natakot siya sa mga mata ni Astraea na naka-tingin sa kanya. Walang emosyon at napakalamig. Kung naka-mamatay lang siguro ang pagtingin kanina pa siguro siya nakahiga sa sahig ngayon at walang buhay.

"Sorry, frenny hindi ko sinasadya." mahinang tugon ni Mya.

Tumango lang naman si Astraea bago sila tuluyang pumasok sa school gate.

Nang makapasok ang magkaibigan ay halos wala ng mga estudyanteng nagkalat sa paligid dahil malapit na rin na magsimula ang klase. Ang makikita mo na lang ngayon ay ang mga estudyanteng kasabay nilang naglalakad kanina na papasok din sa eskwelahan at iyong guard na nag-iikot-ikot sa bawat classroom.

Nagpaalam ang dalawang magkaibigan sa isa't-isa dahil pupunta na sila sa kani-kanilang klase. Si Mya ay tinungo ang kaliwang bahagi ng Building dahil doon ang classroom ng mga Junior High samantalang si Astraea naman ay nagtungo sa kanang bahagi ng Building dahil isa siyang Senior High.

Habang naglalakad si Astraea sa pasilyo ng paaralan ay may isang kamay ang humawak sa pulsuan nito mula sa kanyang likuran kaya napatigil ito sa paglalakad at hinarap ang kung sino man ang pumigil sa kanya.

Napataas ang isang kilay nito nang isang hindi kilalang lalaki ang pumigil sa kanya.

"S-sorry," nahihiyang tinanggal ng lalaki ang kamay nitong naka-hawak kay Astraea nang mapansin nito na masama ang tingin sa kanya ng dalaga.

"Anong kailangan mo?" masungit na tanong sa kanya ng dalaga at saka ito humalukipkip.

"I'm Nyx." sagot nito at abot tenga ang ngiti nito kay Astraea.

Apollo Zapata [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon