Habang palabas ng kanilang eskwelahan ang anim na magkakaibigan para pumunta sa lugar kung saan i-se-celebrate ni Apollo ang kanyang kaarawan ay may isang dalaga naman na halos apat na oras nang naka-upo sa batuhan at nakatingin sa malawak na kulay kristal na ilog habang papalubog ang araw. Habang nakatingin siya sa kulay kahel at mapulang kalangitan kung saan may mga mangilan-ngilan na mga ibon na nag liliparan ay naalala naman nito ang masaya at naka-ngiting mukha ng kanyang bunsong kapatid na si Dwight.
Si Dwight ay ang bunsong kapatid ni Astraea na walong taong gulang na namatay dalawang buwan na ang nakakalipas. Namatay ang kapatid niya dahil sa pagkalunod sa lugar kung nasaan siya ngayon.
Habang hawak-hawak ni Astraea ang isang laruang sasakyan at isang puting rosas sa mga kamay niya at naka-tingin sa ilog ay may anim na pares naman ng mga mata ang nakatingin sa kanya sa hindi kalayuan.
"Si Astraea, ba iyon?" tanong ni Khaos sa mga kasama niya nang makababa sila sa kani-kanilang motor.
"Oo, tara na!" saad naman ni Zeus at nauna nang maglakad papunta sa direksiyon ni Astraea. Hindi pa nakakatatlong hakbang si Zeus ay hinigit na siya pabalik ni Triton kaya naman naka-kunot ang noo nitong napalingon kay Triton.
"Ito ba iyong planong sinasabi mo?" bulong na tanong sa kanya ni Triton pero makikita mo sa mga mata nito ang inis. Sa isip ni Triton ay sana pala hindi na nila pinagkatiwalaan pa si Zeus sa plano niya dahil lahat ng planong ginagawa nito ay panget ang kinalabasan.
Agad namang binawi ni Zeus ang kamay niyang hawak ni Triton at tumayo ito ng maayos at tinignan ang mga kaibigan nito. "Pumayag naman kayo sa plano kong ito ah?" galit na saad nito. "Gusto ko lang naman tulungang magka-ayos sina Apollo at Astraea kaya, huwag niyo nga akong tignan ng ganyan na para bang may ginawa akong masama."
Napabuntong hininga naman si Khaos sa sinabi ni Zeus. "Zeus," saad nito at humakbang palapit sa kinatatayuan ng kaibigan. "alam naman natin kung gaano kalaki ang galit ni Astraea kay Apollo at sa atin. Hindi ito iyong nasa isip namin na plano mo. Ang alam namin, pag-uusapin mo sila ng maayos sa isang disenteng lugar. Hindi iyong ganito na pagtatagpuin mo sila sa lugar kung saan namatay ang kapatid ni Astraea." mahinahong komento ni Khaos.
Nahuling nakarating naman si Apollo sa lugar kung saan gusto niyang ipagdiwang ang kanyang kaarawan kaya, naman pagdating niya doon ay nadatnan niya ang lima niyang mga kaibigan na nagbabangayan.
"Anong problema?" tanong nito nang malapitan niya ang lima niyang kaibigan. "nag-a-away-away ba kayo? Birthday ko na nga lang, mag-a-away-away pa kayo." saad nito at nagsimula na sa itong maglakad papunta sa ilog na nasa likuran nila nang pigilan siya ni Achilles.
"Apollo, sandali!" sigaw nito at pumunta siya sa harapan ni Apollo para pigilan ito. "mas mabuti siguro kung sa bahay niyo na lang tayo mag-celebrate ng birthday mo?" pinagpapawisan na saad ni Achilles at napa-palingon sa likod nito kung nasaan si Astraea na pilit niyang tinatag para hindi makita ni Apollo.
Kumunot naman ang noo ni Apollo sa sinabi ng kaibigan. "Okay ka lang ba?" natatawang saad ni Apollo at hinawakan niya ang noo nito na nagsisimula nang pagpawisan ng malamig dahil sa sobrang kaba.
"O-oo, okay lang ako! Tara na—" hihilain na sana ni Achilles si Apollo palayo sa lugar na iyon nang mapatigil si Apollo at napatingin sa isang dalagang nakatayo malapit sa ilog.
"Astraea?" saad nito habang nakatingin siya sa nakatalikod na rebulto ng dalaga.
"Huh? Astraea? Wala si Astraea dito! Halika na, sa bahay niyo na lang tayo mag-celebrate ng birthday mo!" hila ulit sa kanya ni Achilles pero hindi ito nagpatinag at tinanggal nito ang pagkakahawak sa kanya ni Achilles at naglakad ito papunta sa direksiyon ng dalaga kaya naman wala nang nagawa pa si Achilles kundi pabayaan na lamang siya.
BINABASA MO ANG
Apollo Zapata [COMPLETED]
FanficSperm Gang Series #1 Kaya mo bang patawarin ang taong mahal mo kung alam mong siya ang pumatay sa kapatid mo? Started:03/16/19 Ended:12/31/19