APOLLO ZAPATA VI

224 40 36
                                    

Alas-siyete na ng gabi pero nasa bahay pa rin nila Apollo ang limang Sperm na sina Triton, Achilles, Hector, Khaos at Zeus na umiinom ng alak para ipagdiwang ang kanyang kaarawan.

"Cheers—" naputol ang kasiyahan nila nang tumunog ang cellphone ni Apollo kaya napatingin lahat sila rito.

"Si mama," saad nito at ipinakita ang screen ng cellphone nito sa mga kaibigan bago niya ito sinagot.

"Happy Birthday, Apollo!" masayang bati ng mama nito sa kanya. "How's your birthday?"

Napatingin naman si Apollo sa mga kasama nito sa sala ng kanilang bahay. "Okay naman po. Katulad pa rin ng dati na kasama ko ang grupo para ipagdiwang ang birthday ko." pagkasabi iyon ni Apollo ay sabay-sabay naman ang lima na binati ang mama ni Apollo.

Nagpaalam muna si Apollo sa mga kaibigan nito para kausapin nito ang mama niya. Nang makalabas ng bahay nila si Apollo ay umupo ito sa isang upuan sa may garden nila.

"Kailan po kayo uuwi?" may bahid ng pangungulila sa boses nito nang tanungin niya ang mama nito.

"Sorry, my son but I don't know. Sobrang busy lang talaga namin ngayon ng papa mo kaya, hindi kami maka-uwi-uwi ngayon. Siningit ko nga lang itong pagtawag ko sa'yo para mabati ka." sagot sa kanya ng mama nito.

Napa-buntong hininga naman si Apollo at napa-hilamos sa mukha nito. Parang hindi na siya nasanay sa mga magulang niya. Halos ilang taon na rin niyang hindi nakaka-sama ang mga ito kaya hindi na siya magugulat kung bakit hindi naka-uwi ang mga ito. Two months ago ang huli nilang uwi dito sa Pilipinas. Ang araw kung kailan namatay ang kapatid ni Astraea.

Nasa ibang bansa kasi ang mga magulang nito para sa kanilang family business kaya naman once a year lang na umuuwi ang mga ito pero minsan o madalas halos hindi na sila umuuwi, sa isang beses sa isang taon na pag-uwi nila dito sa Pilipinas ay dahil pa rin sa trabaho o important events na kasama sa business nila ang dahilan ng pag-uwi nila rito.

"Okay." walang emosyon na sagot ni Apollo.

"Anak, alam mo namang napaka-importante itong business na ito para sa amin ng papa mo kaya sana naman maintindihan mo anak." pagpapa-intindi ng mama nito sa kanya.

"I know mom but, anak niyo pa rin naman ako! Responsibilidad niyo ako ni papa! Wala na bang mas importante pa sa trabaho niyo ni papa kaysa sa akin na anak niyo?" Hindi na napigilan pa ni Apollo ang kanyang sarili kaya nasigawan nito ang kanyang ina.

"Apollo, listen to me."

"Sorry, but I have to go. Take care." pagkasabi iyon ni Apollo ay pinatay na nito ang tawag ng kanyang ina at saka ito bumalik sa loob ng kanilang bahay kung nasaan ang mga kaibigan nito.

Nang maka-pasok siya ay napatingin lahat sa kanya ang mga kaibigan nito.

"You okay?" tanong sa kanya ng kaibigan niyang si Triton.

Tumango at nginitian niya lang ito kahit ang totoo ay hindi naman talaga siya okay.

Habang naka-upo ito at naka-harap sa mga kaibigan nito ay hindi nito maalis sa isip niya ang sinabi ng mama niya kaninang tumawag ito sa kanya.

"Anak, alam mo namang napaka-importante itong business na ito para sa amin ng papa mo kaya sana naman maintindihan mo anak."

Napa-iling na lang ito at saka ito uminom ng alak.

"Palagi na lang iyong business nila ang inuuna nila." saad nito at saka nilagok ang alak na nasa harapan nito.

Napatingin naman sa kanya ang mga kaibigan niya nang sambitin niya iyon.

Apollo Zapata [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon