APOLLO ZAPATA IV

258 45 62
                                    

Naka-upo ngayon ang anim na magka-kaibigan sa batuhan malapit sa ilog matapos ang nangyaring sagutan nila Apollo at Astraea kanina. Nang matapos sabihin lahat ni Astraea ang hinanakit nito kay Apollo ay tuluyan na itong umalis ng walang paalam. Habang naka-upo silang anim sa batuhan at nakatingin sa tubig ng ilog kung saan nag-re-reflect ang papalubog na araw ay wala ni isa sa kanila ang gustong magsalita at nagpapakiramdaman na lamang.

Si Apollo naman ay nakatingin sa hawak nitong laruang sasakyan at kulay puting rosas na nahulog ni Astraea kaninang tinulak siya ni Zeus. Napabuntong hininga na lamang siya at dahan-dahan nitong nilagay sa tubig ang mga ito para itangay ng agos. Habang nakatingin siya sa laruan at bulaklak na tinatangay ng agos ay napalingon naman siya sa mga kaibigan nito nang isa sa kanila ang nagsalita.

"Sorry," nakayukong saad nito. Ayaw niyang tignan ang kaibigan kasi nahihiya siya sa gulong ginawa nito kanina. "akala ko kasi magkaka-ayos kayo ni Astraea pag nagkita kayo dito at magka-usap pero, nagkamali pala ako. Sorry, Apollo." nang sabihin iyon ni Zeus ay inangat nito ang ulo niya para tignan sa mata ang kaibigan.

Napangiti naman si Apollo ng matipid at saka ginulo ang buhok ng kaibigan."Ano ka ba, bakit ka nag-so-sorry?" natatawang saad nito at saka niya inakbayan si Zeus. "sa totoo nga nagpapasalamat ako sa ginawa mo ngayon dahil, matagal ko na rin talagang gustong maka-usap siya." komento nito at saka tumingin sa ilog.

"Pero, hindi pa rin kayo nagka-ayos." dagdag uli ni Zeus.

Marahas na bumuntong hininga naman ito. Habang nakatingin siya sa ilog ay nakatingin lang din sa kanya ang mga kaibigan nito. Makikita mo sa mga mata nila ang halo-halong emosyon. Sa lahat ng emosyon, ang nangingibabaw ngayon ay ang lungkot at awa nila para sa kaibigan.

"Apollo," nilingon naman ni Apollo si Achilles na may malaking ngiti sa labi kahit na nasasaktan na siya sa mga oras na ito at sa nangyari kanina. "Bakit ano ba talagang nangyari sa kapatid ni Astraea? Pinatay mo ba talaga siya?" may halong takot sa boses nito nang tanungin niya ang kaibigan.

"Oo, nga Apollo!" dumako naman ang mga mata ni Apollo nang sumunod na nagsalita si Khaos. "magka-kaibigan tayo rito o! Maglilihiman pa ba tayo? What are friends for ika nga nila 'di ba?"

Napapatango naman si Hector sa sinabi ni Khaos. "Oo nga, Zapata. Ano ba talaga kasing nangyari two months ago? Ang alam lang namin pinatay mo ang kapatid ni Astraea pero, sa mga sinabi sa amin ni Triton kanina iba iyong nalalaman namin sa totoong nangyari two months ago." May inis sa boses ni Hector habang sinabi niya ang mga katagang iyon. Si Hector kasi, isa siyang uri ng tao na ayaw na ayaw niyang may naglilihim sa kanya ng sikreto at higit sa lahat nagsisinungaling.

Napatingin naman si Triton kay Apollo nang huminga ito ng malalim at saka pinakatitigan nito isa-isa ang mga kaibigan nito at siya na kanina pa nakatingin sa kanya. Ngumiti lang ng tipid si Apollo sa kanya at nagsimulang mag-kwento sa mga kaibigan nito kung ano ba talaga ang nangyari two months ago.

"Kuya, Apollo tara sa river!" masayang sambit ni Dwight kay Apollo habang magka-hawak kamay silang naglalakad pabalik sa bahay nila Astraea dahil dinala nito si Dwight kanina sa bahay nila para ibigay ng mga magulang nito ang regalo para sa bata.

Huminto naman sa paglalakad si Apollo at saka ito lumuhod sa harap ni Dwight. Hawak nito ngayon ang regalong binigay ng kanyang mga magulang na isang set ng laruang sasakyan.

"Dwight," hawak nito sa magkabilang balikat ng bata. "Hindi ba ang sabi ng ate mo kanina bumalik din tayo agad sa bahay niyo dahil magsisimula na iyong party mo?" naka-ngiting saad nito sa bata. Ngayong araw kasi ay ipagdiriwang ni Dwight ang kanyang ika-walong kaarawan kaya naman binigyan siya ng regalo ng mga magulang ni Apollo.

Nag-pout naman si Dwight sa harap ni Apollo. "Sige, na kuya Apollo, please?" ani nito at nagpa-awa effect pa sa kuya Apollo nito dahilan para um-oo siya. Hindi niya talaga matiis ang kapatid ni Astraea.

Apollo Zapata [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon