APOLLO ZAPATA IX

199 38 32
                                    

Pagpasok ni Apollo sa eskwelahan ay agad niyang tinungo ang Faculty Room kung saan nandoon ang kanyang guro.

Ngayong araw kasi ay magpapaalam siya sa guro niyana aalis na siya sa paaralan. Habang tinatahak niya ang daan patungo sa Faculty Room ay may isang tao ang hindi niya inaasahang makita at makasalubong.

"Hey, long time no see!" masayang bati nito sa kanya at saka ito lumapit sa kanatatayuan niya.

Hindi siya makapaniwala sa nakikita niya ngayon.

"Hades?" kunot noong tanong niti sa lalaking kaharap.

Tumango ito at saka siya nito nginitian.

"No other than, Zapata. Na-miss mo ba ako?" tanong nito at tiningnan sa mata ang binata. ". . . my dear ex-bestfriend?"

Parang nalunok ni Apollo ang sariling dila nang marinig niya ang huling binitawang salita ni Hades.

"Tol, akala ko ba okay na tayo?" tanong niya kay Hades.

"Yup. Pero hindi ibug sabihin no'n ay hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa mong pagtataksil sa akin. Kayo ni Astraea." mahina ngunit may halong sakit ang bawat binnitawan nitong mga salita.

"Hades. . ."

Hindi natuloy ni Apollo ang sasabihin niya nang tapikin siya nito sa balikat kaya napahinto ito sa kung ano man ang sasabihin niya.

"I have to go, hahanapin ko pa iyong klase ko." Ngumiti ito ng tipid sa kanya. "See you around."

Sa muling pagkakataon ay nilingon ni Apollo ang lalaking papalayo sa kanya.

'Hades Fernandes'

"Bakit biglaan yata ang pag-alis mo, Mr. Zapata?" hindi makapaniwalang tanong ng kanyang guro nang sabihin niya rito na aalis na siya at lilipat siya ng eskwelahan.

Napakamot naman siya sa batok niya bago siya sumagot.

"Ano po kasi ma'am, gusto po ng parents ko na sumunod na ako sa kanilan sa Singapore kaya naman po nagpapaalam ako ngayon sa inyo." Wika niya kahit ang totoo ay wala naman talagang sinabi ng kanyang mga magulang na sumunod siya sa bansang Singapore.

Tumango lang naman ang guro niya.

"E, kailan naman ang alis mo papuntang Singapore?" tanong nito habang inaayos ang mga kakailanganing papeles ni Apollo.

"The day after tomorrow."

Nabitawan naman ng teacher niya ang hawak nitong papel at napatingin sa kanya.

"Agad-agad, Mr. Zapata?" natatawang tanong nito.

Tumango lang naman siya bilang sagot.

"Okay, then. . ." tiningnan siya nito at iniabot ang papel na naglalaman ng mga grades at letter niya bago umalis sa eskwelahan. ". . . good luck sa next journey mo. Huwag mo kaming kakalimutan ah?" mangiyak-ngiyak na saad nito at saka tumayo sa kina-uupuan nito para yakapin siya.

"Mag-aral ka ng mabuti doon, hijo." Tinapik nito ang likod niya nang yumakap din sa kanya ang binate.

Habang magkayakap sila ay pinunasan niya ang isang butil ng luha na bumagsak sa pisngi niya. Umiiyak siya hindi dahil aalis na siya kundi, umiiyak siya dahil naging malapit ang guro niya sa kanya na para bang pangalawang ina na niya ito. Siya ang laging nagpapayo sa kanya kung may problema siya.

"Tahnk you, teacher Lanie." Abot tainga ang ngiti niya nang maghiwalay sila mula sa pagkakayakap ng kanyang guro bago siya lumabas ng Faculty Room.

Pagpasok niya sa klase ay agad siyang sinalubong ni Achilles at tinanong siya nito.

"Aalis ka raw?"

"Paano mo nalaman?" kunot noong tanong niya pabalik sa kaibigan.

"I-kinuwento sa amin ni Triton kung bakit ka aalis." Wika ni Zeus habang naglalakad papunta sa direksiyon nila ni Achilles.

Dumako naman ang tingin niya sa matalik na kaibigan niyang si Triton na naka-upo na sa kanyang upuan at matalim niya itong tiningnan.

'Sorry.' He mouthed.

"Seryoso ka ba talaga na aalis ka ng Pilipinas?" ngayon naman ay si Hector ang nagsalita.

"Oo."

Nagkatinginan naman ang mga kaibigan niya at nagkibit-balikat ang mga ito.

"Hindi ka na ba namin talaga mapipigilan pa sap ag-alis mo?" tanong naman sa kanya ni Khaos.

Umiling lang ito at saka niya itinaas ang hawak na envelope kung saan nandoon ang mga importanteng papeles na kakailanganin niya papuntang Singapore.

"Nakuha ko na iyong mga grades ko kaya tuloy na talaga ang pag-alis ko papuntang Singapore." Ani nito at saka ngumiti.

Malalim na paghinga ang ginawa ni Triton bago ito nagsalita. "Kailan pala alis mo? Magtatagal ka pa naman siguro rito kahit isang buwan pa."

Habang nag-uusap ang magka-kaibigan, hindi nila alam na may isang pares ng mata ang nakatingin sa kanila at rinig na rinig nito ang usapan nila.

"Sa makalawa na ang alis ko." Sagot ni Apollo sa kaibigan.

"Aalis ka?"

Parang naging poste si Apollo sa kanatatayuan niya nang marinig niya ang boses na iyon.

Si Astraea.

Dahan-dahan na lumingon si Apollo para tingnan siya.

"Astraea. . ." hahawakan sana nito ang kamay ng dalaga pero iniwas niya ito at saka tumalikod sa kanya at lumabas ng klase.

Nilingon naman nito ang mga kaibigan niya.

Tumango ang mga ito na para bang sinasabi nila na sundan niya ang dalaga.

"Sundan mo na siya. And explain to her kung bakit ka aalis." Wika ni Zeus.

Tumango lang naman ito sa mga kaibigan niya bago nito sinundan ang dalaga.

Pagkalabas nito sa classroom ay nakita niya agad si Astraea na tumatakbo papunta sa kung saan kaya naman sinundan niya ito.

"Astraea. . ." mahinang bulong nito sa pangalan ng dalaga at hinawakan niya ito sa braso kaya napahinto siya sa pagtakbo at napalingon sa kanya.

Nabitawan nito agad ang braso ng dalaga nang makita niya itong umiiyak.

"Bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong nito.

Imbes na sagutin niya ang tanong nito ay tinanong niya rin ang binata.

"Ikaw, bakit ka aalis?" nang tanungin niya ang binate ay nakatingin siya sa mga mata nito.

Agad na umiwas ng tingin si Apollo.

"Answer me, Apollo! Bakit ka aalis?" hindi na napigilan pa ni Astraea ang sarili kaya naman tumaas ang boses niya. "Bakit hindi mo man lang sinabi sa'kin na aalis-"

"Because, I don't want to see you crying just because of me." Putol nito sa sasabihin ng dalaga at saka pinunasan ang basang pisngi ng dalaga.

"A-anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong niya kay Apollo.

"Ayaw kong nakikita kitang umiiyak dahil alam kong ako ang dahilan ng bawat pagpatak ng mga luha mo, Astraea. Alam ko na sa bawat segundong nakikita mo ako alam kong patuloy kitang nasasaktan. Dahil alam kong sa tuwing nakikita mo ako naaalala mo pa rin ang kapatid mo kung saan ako ang may kasalanan. Kaya naman mas mabuting umalis na lamang ako." paliwanag nito sa dalaga.

"Huwag kang umalis." Wika niya at saka tumingin sa mga mata ng binata.

Sa pagkakataon na ito hindi umiwas ng tingin sa kanya si Apollo.

"Tandaan mo, hindi pa kita pinapatawad. Galit pa rin ako sa'yo, Apollo." Habang sinasabi niya iyon ay hindi niya mapigilan na hindi bumagsak ang mga luha niya.

"Subalit. . ." mahinang bulong niya at saka niya pinunasan ang kanyang pisngi bago niya muling tiningnan sa mga mata si Apollo. "hindi ko alam ang aking gagawin pag ika'y lumisan. Ayaw kong umalis ka Apollo. Dito ka lang."

Apollo Zapata [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon