It's been month since ganito ang nangyayari sakin.. nawawala bigla ang chapter na sinulat ko. Hindi naman sa nakakapagod pero kasi...sayang yung almost thousand words na naitype ko. Sigh* ... hindi ako susuko hangga't hindi ko natatapos ang kwentong ito. Fighting! :)
3rd person's pov - Nakarating sila sa bahay kung saan malapit lang ang paaralang papasukan ni Queen. Malapit din ito sa dagat. Pagkarating nila ay agad namang nag.ayos ang mag.ina. Hindi naman ganun ka dami ang gamit nila dahil plano nang mama nya na dito sa korea nalang sya bibili ng iba pang kailangan nila.
Queen's pov
"Ma, saan ko po ba ilalagay ang mga frames?" Tanong ko kay mama na nagluluto dun sa kusina. Malapit na ang tanghalian at hindi pa ako nakakapag.ayos masyado. May kalakihan kasi ang bahay. Dalawang palapag at tig.isa kami ng kwarto ni mama.
"Halika ka na muna dito sa kusina. Kain muna tayo nang may lakas tayong dalawa. Huwag ka ngang magmadali." Tugon naman nya sakin.
"Eh kasi ma...nacurious ako sa mga nakikita ko dito sa korea. Ang puti nang mga tao tsaka matangkad pa talaga. Gusto ko nga sanang mamasyal mamaya." Sagot ko sa kanya habang papalapit sa kinaroroonan nya.
"Tulungan mo muna akong ayusin ang mga kwarto para hindi tayo mahirapan matulog. Marami pang box ang hindi nabubuksan. Bibili pa tayo bukas ng mga paglalagyan nyan." Sabi nya sakin habang nagsasandok ng ulam at nilalagay sa plato ko.
" Aie? Talaga ma? Lalabas tayo at mamimili? Eeehh... kaexcite. Hahaha..." tuwang.tuwa kong sagot kay mama.
Pagkatapos naming kumain ay naghugas na ako nang pinagkainan namin ni mama. Nauna na syang pumunta sa kwarto nya para ayusin ang mga gamit nya. Pumasok ako sa kwarto nya pagkatapos kong maghugas. Tinulungan ko syang iayos ang cabinet nya. Mga damit at ang para sa banyo nya. Next ang salamin. Sya naman ang tig.abot sakin nang mga dapat ilagay. May ibang parte din na kailangan sabitan. Nagpanday ako sandali para sa paglalagyan nang kurtina. Tapos naman ang para sa shower curtain. Oo...marunong akong magpanday. Madaling bagay... napansin kong tumahimik ang paligid. Nakatulog pala ang aking magandang ina. Inayos ko sya nang bahagya at saka nilagyan nang kumot. Lumabas ako ng walang ingay. Napagod yata masyado si mama, pumunta muna ako sa living room. May malaking sofa sa gitna at dalawa namang maliliit sa gilid. Umidlip muna ako sandali para makaipon ng lakas nararamdaman ko narin kasi ang pagbigat ng mga mata ko. Bago ako tuluyang makatulog naisip ko bigla na napaka swerte ko parin kahit ganito ang buhay ko.
Hindi man masabi ni Queen sa mama nyang nalulungkot sya dahil umalis sila Pililipinas iniisip nalang nya na gagawa sya ng mga bagong alaala. Masasaya at hindi malilimutang mga pangyayari. Simula nang bagong pahina sa buhay nya.
A/N- ito ang unang kwento na gagawin ko. Ilang beses na akong nafail pero hindi ako titigil at tatapusin ko talaga ang kwentong to. Pagtyagaan nyo nalang muna. Thanks for reading guys.
BINABASA MO ANG
HE's A SHE
FanfictionIsang simpleng pamilya lang kinalakihan nya. Hindi naman din siya binigyan ng kalaro ng kanyang mama at papa. Sya si Queen Dean Choi. Unica ija ng kanyang mga magulang. Ang akala ng mag.asawa ay lalake ang biyayang matatanggap nila dahil ito talaga...