Wala lang sa isip ni Queen na mga lalake ang kasama nya. Lutang ang isip nya ngayon dahil sa nabasa nyang text galing sa mama nya. Napansin naman nang magkabarkada ang katahimikan ng kaibigan nila.
Bakit naman ang tagal nung inorder ni Namjoon hyung. Nakakainip eh...kukuha nalang ako nang tubig. Kapagod naman kasi yung laro kanina.
Suga's pov
"Dean? Bakit iba ang picture nung nasa phone dun sa bag mo?" Hindi ko na napigilang magtanong. Ang tahimik kasi nila. Nakakapanibago.
"Hyung...pinakialaman mo ang gamit na hindi sayo?! Hindi ikaw si Suga!!! Ay ikaw nga pala talaga...hahaha." - Jungkook nakakagago talaga tong gagong to...
"Tumigil ka nga maknae. Bulgaran ba naman eh may bisita tayo." - Jin. yan...napagsabihan tuloy... hahaha thanks hyung.
"Nandito ang bag mo hyung." - Jimin sabay turo sa tabi nya. Nabakla ata tong Chim na to. Gusto makatabi si Dean eh.
"Okay." - Dean. Aie...tipid nang sagot.
"Wala ka bang napapansin sa amin Dean? Wala ka bang nakikila sa amin?." - Jhope. May gusto atang ipaalam tong si Jhope hyung. Kaso parang walang alam sa mundo tong si Dean.
"Ha? Yung totoo nagtataka ako kung bakit ang daming posters dito nang mga lalake. Nakamake.up pa lahat. Hindi ba to mga bakla? Pero parang kamukha ninyo to mga tol." - Dean What??? Ano daw...!!!
Natahimik naman ang lahat sa sinabi nito. Kaya pala ang tahimik nagmamasid pala sya. Pero nakakainsulto din sa feeling ang sinabi nya. Nabalot ulit nang katahimikan ang dorm. Nagtutulakan naman si V,Jhope,Jungkook at Namjoon kung sino ang magpapaliwanag sa mga nakita ni Dean. Nahihiya kasi sila dahil natawag kaming bakla.
Kairita talaga pag ganito. Gusto ko nalang matulog kesa magpaliwanag.
"Kami ang BTS Dean. Isa kami sa mga idol dito sa Korea. Hindi ko inaasahan na hindi mo kami kilala. Hindi ko naman din iniexpect kasi nga lalake ka madalas kasi babae yung mas nakakarecognize sa amin." - Jimin wow naman ang galing nang timing nitong si hyung... ni walang reaksyon yung kausap nya eh.
"Hindi ko alam kung ano yang sinasabi mo Jimin kakalipat lang namin nung isang buwan. Sa pilipinas talaga ako nakatira. Pasensya na kung hindi ko kayo kilala. Pero kung idol nga kayo eh bakit nandito kayo sa isang dorm nakatira. Diba dapat sa isang malaking bahay at may mga kasamang kasambahay.?" - Dean. Ang galing pala nang mga idol sa pilipinas. May mga utusan at malaki ang bahay. Kaso hindi naman ganun dito sa korea. Kaya naming alagaan ang sarili namin.
"Kilala kami dito sa korea hyung at may mga taga ibang bansa din na iniidolo rin kami. Huwag ka mag alala iimbitahin ka namin pag may schedule kami para mas makilala mo pa kami." - Jhope galing din ng suggestion ni hopie
hyung.Hindi ko alam kung anong nasa utak ngayon ni Dean. Tinitingnan ko sya at parang hindi maalis sa mata nya ang pagtataka. Kahit mata lang ang nakikita sa mukha nya ay masasabi mo nang may taglay itong kagwapuhan kaya hindi nakakailang ang kaibiganin sya. Aie sorry sa term. Well... yung totoo gusto ko nang ipatanggal sa kanya ang mask nya. Hindi ba sya naiinitan sa mga ito. Nagjacket pa talaga sya at hindi nya binababa ang hood nya. . .nakakapagtaka tuloy. Mga ilang minuto pa at dumating na ang order ni Namjoon hyung. Ang tagal naman. Sobra. Hahaha..hayaan nyo na ako..ganito talaga ako.
"Kakain na..." - Jungkook sigh...si maknae talaga..
Nagsimula na kaming kumain parang walang bisita dito kung makasubo tong mga loko. Hindi kasi sila naiilang kay Dean dahil hindi naman kami kilala nito. Agaw pansin lang dahil hindi pa nya ginagalaw ang pagkain para sa kanya. Hindi naman mapigilan sa pagtatanong tong si maknae.
"Bakit hindi ka pa kumakain hyung?" - Jungkook
"Dadalhin ko nalang yan sa bahay." - Dean.
"Bakit ayaw mong tanggalin yang mask mo?" - Jin.
"Ah. Eh.. may ubo ako ngayon." - Dean.
"Kilala kita. Sa Busan ka nag.aaral dba? Ako yung si Kim Taeyung." - V
Yung totoo hindi ako makareact dahil sa mga pinagsasabi nitong mga hyung ko. Wala ngang alam si Dean eh ipagpipilitan pa? Tsaka ano bang problema nila sa itsura nito eh bagay naman sa kanya.
Sa mga oras na naging tahimik si Dean nakita kong nakatingin lang si Jimin sa kanya. Habang abala ang iba kong kasama sa pagkain wala lang imik si Dean sa tabi ni Jimin. Hindi nya sinasabi ang dahilan nang kanyang katahimikan. Dahil ang totoo malungkot sya at kinakabahan.
Malungkot dahil hindi natuloy ang uwi nang mama nya at kinakabahan sa mangyayari sa kanyang pakikipagkaibigan sa isang sikat na grupong BTS. Matapos ang pagkain nila ay napagdesisyunan na ni Dean ang umuwi. Dala ang kanyang bag ay inihatid sya nang mga ito hanggang sa labas. Si Jin naman ay nagpresentang samahan ang kaibigan para narin makapagpatunaw raw sa nakain nya. May plano talaga itong kakaiba.
A/N- Abangan ang planong iniisip ni Jin... hahahaha... happy ako at wala itong ending... thank you so much readers<3
BINABASA MO ANG
HE's A SHE
FanfictionIsang simpleng pamilya lang kinalakihan nya. Hindi naman din siya binigyan ng kalaro ng kanyang mama at papa. Sya si Queen Dean Choi. Unica ija ng kanyang mga magulang. Ang akala ng mag.asawa ay lalake ang biyayang matatanggap nila dahil ito talaga...