chapter 10- Not my PRACTICE plan

8 0 0
                                    

May mga pagkakataon talaga na ayaw sumunod nang tadhana sa gusto mo. Isa sa mga tadhanang ito ay ang makakasama ni Dean ang mga kaibigan nya sa isang practice. AT magiging dahilan ito sa pagiging malapit niya sa BTS.

Habang pauwi ako nasalubong ko ang sasakyan na ginagamit nang BTS. Hindi ko ito pinansin at mas binilisan ko ang pagtakbo pauwi. Nakapasok ako sa bahay nang pawis na pawis at hingal. Gusto ko na kasing kumain at ayaw kong magpractice ngayon sa P.E namin lalo na't sabi nilang kasama na ang iba pang myembro nang BTS. Hindi naman sa hindi ko sila kayang sabayan, at hindi naman sa nagmamayabang pero kaya ko namang sayawin at madali ko lang makuha ang steps na ginagawa nila. Ang hindi ko lang kaya ay pinapasayaw kami isa-isa pagkatapos nang group practice. Iniisip ko kasi na baka madisgrasya ako at malaman nila ang tinatago kong sikreto.

Dean's pov

"pfft... buti naman at hindi ako sinundan nang mga mokong na yun. Baka hindi lang nila ako nakita."

Kinakausap ko ang sarili ko tutal ako lang naman sa bahay at ang music ko lang sa earphone ang karamay ko. Sinasabi ko yan habang papunta sa dining area at kakain na sana nang mga ilang minuto pa ang lumipas ay nakarinig ako nang katok. Sinuot ko muna ang mask ko at inayos ang hood ko. Tinanggal ko pa naman ang tali ng buhok ko. Inilagay ko nalang sa ilalim nang damit ko yung mahaba kong buhok para hindi mapansin.

"tss...panira....  SANDALI LANG."

Pagkabukas ko nang pinto ay parang humiwalay ang kaluluha ko sa katawan ko. Hindi ako makapagsalita at hindi rin kumikilos ang katawan ko. Nakikita ko silang nakangiti at natutunaw ako sa ngiti nilang yun...

"Oi. kasali to sa klase mo Dean. Bakit hindi ka sumali?" - Jin

"Matalino siguro yan kaya walang pake sa P.E" - Suga

"Ah.. Ahm.. Hindi naman sa ganun. hahaha... umuwi lang ako para kumain at magbihis."

Hay naku... bakit ko ba sinabi yun.. :'(  ayaw ko pa naman talaga silang makasama sa practice eh..

"Sabay ka na lang samin hyung." - Jungkook

Huhuhu... ANYAREE... :'( ayaw ko nga eh...

"Ganito nalang... Mauna na kayong pumunta dun sa studio at susunod nalang ako :) ."

Nice idea Dean... sabi ko sa sarili ko.

"Ikaw lang ba mag.isa dito hyung?" - Namjoon

Eehh... pumasok sya bigla sa pinto at hinawi pa ang braso ko. Nasandal ako sa pinto medyo masakit yung ginawa nya.

"Hoi... sandali lang. Kayo naman oh... may practice pa diba. Umalis na kayo."

"Ang linis naman dito. May yaya ka ba.?" - Suga

" Eh? Wala. Ito na kasi ang libangan ko dito pag wala akong magawa."

Bakit ba ang daming tanong ng mga to. :3

"Mauna na kasi kayo... hoy Jin huwag ka pumunta jan sa taas."

Ano bang kalokohan tong ginagawa nila. Nakita kong papunta si Jimin sa kusina hinayaan ko lang muna sya hinila ko pababa si Jin at naupo kasama nung lima patakbo akong pumunta sa kusina at nakita ko sya sa tabi nang pagkain ko.

"Bakit hindi pa ubos to?" - Jimin

   "Ahh.. eh.. naglakad lang ako pauwi kaya hindi ko pa natapos yan. Pumunta ka muna dun sa sala nandun yung mga kasama mo."

    Hawak nya ang tali ko sa buhok... what the...

  "Kanino to Dean? Sa Girlfriend mo?" - Jimin

"Ha? Wala akong girlfriend. Ilang buwan pa nga lang ako dito eh."

  "Akin na lang yan..huwag mo na isipin to."

Kinuha ko at tinapon ang tali sa basurahan na hindi malayo kay Jimin. Hindi ko naman inasahan na nasa likod ko sya at naapakan ko ang paa nya.

"Aie! Sorry!!!"

"Kaamoy nang TALING yun ang hood mo." - Jimin

"ha? Eh?. Hindi no. Baliw to."

  Umalis ako at sumunod naman sya sakin. Para namang tumakbo yung puso ko sa kaba. Ano ba naman kasi tong si Jimin. Parang pinagdududahan na ako. Kailangan ko syang iwasan. In.On ko muna yung T.V at  umalis.

"Tatapusin ko lang ang pagkain at magbibihis. Sandali lang ako."

  Tss... anong kamalasan ba kasi to.

Mga isang oras din ang hinintay nila bago ako natapos. Wala pa naman talaga sa plano ko ang sumali sa practice. Ayokong makasama sila sa P.E... baka malaman nila ang sikreto ko. Hay nako... my gosh.. as in... Panira.

Nasa studio na kami at nagsisimula na silang sumayaw. Nakita ko nang sumayaw si Jimin at naAmaze ako pati narin kay Jungkook at V. Napabilib din ako kay Jin dahil kahit inaasar syang hindi marunong sumayaw ay nakakasabay parin talaga sya ganun din si Namjoon. Hindi ako masyadong nagsasalita dahil kinakabahan ako lutang ang isip ko. Sumasayaw ako pero hindi ko inaayos para hindi nila ako isali sa magiging back.up nila sa concert.

"Hyung? Umayos ka jan. Gusto ka naming makasama sa stage performance namin." - J-hope  

"Napansin ko lang ha. .parang wala kang gana sa pagsayaw." - Suga 

"Masakit kasi ang katawan ko hyung". 

  "Gusto mo na bang umuwi Dean. Ihahatid nalang kita." - J-hope

"Seryoso ka?"

  "Hindi" - J-hope

   "Baliw"

   Tumayo ako upang uminom nang tubig. Bigla naman akong hinarang ni V at Jungkook. May hawak na tubig si Jungkook at parang may pinaplano ang mga ito. Nararamdaman ko na naman ang kaba. Mabilis ang pagtibok nang puso ko na parang may hindi magandang mangyayari. Hinablot ni V ang hood ko.

   "Hoy gago to!"

  "Aie!! Akala ko kalbo sya. May cap pala ang ulo nya." - V

    "Hahahaha... tinawag kang gago hyung. Upakan natin to?" - Jin  

"Subukan mong lumapit sakin at papatayin kita."

  Seryoso kong sabi sa kanya. Naiba ang aura ko dahil sa ginawa ni V. Buti nalang at nag cap ako. Kung hindi eh makikita nila ang mahaba kong buhok. Lumabas na ako sa studio para makainum nang tubig. Nauuhaw na ako sa haba nang praktis. Mag 9pm na pero hindi parin tapos. Wala na akong planong bumalik pa sa loob. Dahan dahan akong naglakad palayo sa building kung nasaan ang studio. Nabigla naman ako dahil hinila ng isang lalake ang tubig ko. Hindi pa nga ako nakakainum eh. Tumakbo sya at ako naman sinundan ko lang sya nang tingin. Uuwi na ako. Tatakas ako sa praktis upang hindi ako makasali sa live concert nila. Nakarating ako sa bahay at hindi naman nila ako.sinundan. Alam kong narinig nila ako at baka natatakot na ang mga iyon sa akin.

Wala na syang ibang maisip. Umuwi sya na parang multo. Tulala sya dahil sa nangyari. Hindi naiintindihan ang nararamdaman nya. Isa lang ang alam nya. May NAGUGUSTUHAN NA SYANG MYEBRO NANG BTS.

A/N - Hello everyone... okay lang po sakin kung mag vote at magcomment kayo. Hahahaha... Lovelots<3 wait sa next chapter. :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 02, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HE's A SHETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon