Matapos ang ilang araw nang pag.aayos nila sa bahay natapos din ang mag.ina. Sa ngayon ay nasa isang paaralan sila at naghihintay sa kung sino mn ng pwedeng kausapin para makapag.enrol. Hindi naman sa naging ignorante ang dalawa sadyang maraming tao talaga ngayon sa Busan. Enrollment na kasi.
Queen's pov
"Ma.,bakit po ang daming estudyante ngayon? Wala pa namang pasok ah. Tsaka parang ako lang ang may kasamang nanay." Nagtataka kong tanong sa mama kong halos matanggal na ang leeg sa kakatingin sa loob nang isang office.
"Huwag ka munang maingay anak. Hinihintay ko ang boss kong lumabas. Sya yung mag.eenroll sayo dito. Kaya kita sinama para makita mo at malibot ang paaralan. Iiwan din naman kita eh. Huwag mo nama akong ipagtabuyan agad." Eh??? Maemote na sagot ni mama. Pero sa totoo lang ganyan talaga sya. Minsan nga nakakairita.
"Ma naman...huwag ka OA. Nagtatanong lang ako. Hindi naman po kasi ako sanay na ikaw ang sumasama sakin eh. Ang pinagtataka ko rin eh king bakit tinitingnan tayo nang mga estudyante dito. Para tuloy akong matutunaw." Sinabi ko sa kanya ang mga naoobserbahan kong mga tao.
"Paano ka ba naman hindi pagtitinginan eh naka mask ka. Nagjacket with hood at jeans ka pa na parang walang belt. Bakit ba yan ang suot mo ngayon?" Tss...hindi nya nga pala ako laging nakikita nung nasa pilipinas pa kami. Kaya naninibago sya sa damit ko.
"Ma, masanay ka nang makita ang kagwapuhan ko." Nagsmile naman ako kahit hindi nya nakikita.
Hindi naman sa pangit tingnan ang mga damit ko eh. Sadyang nakakaintriga lang kasi kung bakit ganito ang suot ko. May ibang hindi lang ako pinapansin pero madalas talaga ay nakakatitigan ko pa. Mga ilang minuto ang lumipas at lumabas na ang hinihintay ni mama.
"Hello Queen. Ako si Mr. Park. Chris Park. Sa akin nagtatrabaho ang mama mo." Nakasmile sya sakin at halata kong may bahid nang pagtataka sa expression nya.
"Hi po Mr. Park. Pwede nyo po akong tawaging Dean. Salamat po sa pagtulong nyo sa mama ko." Bago ako nagsalita ay dahan dahan kong tinanggal yung mask ko. Ang bastos naman tingnan kung hindi ko gagawin yun. Nagsmile ako at ganun din sya. Nagshake hands kami.
"Kain na muna tayo dun sa labas, nang makapag.usap tayo nang maayos." Tumango lang ako at binalik yung mask.
Yung totoo malamig talaga dito kaya magiging career ko na ang pagsuot nang ganito araw.araw. Hindi ako sanay sa malalamig na lugar. Well, hindi talaga ako lumalabas ng bahay kung hindi kailangan.
"Nandito na tayo. Kakain nalang tayo nang lunch habang nag.uusap tayo. Oorder muna ako."
Umupo kami sa table na tinuro nya. Hindi ko alam ang pangalan nito hindi ko maintindihan ang sulat eh. Maya.maya pa ay dumating na sya at may isang waiter pa na may dala rin na tray. Kagrabeng gulay naman ang papakain nila samin. Nagsimula na syang magsalita.
"Mrs. Choi ang paaralang papasukan ni Dean ay isa sa sikat na paaralan dito sa south korea. Kailangan lang ay sumunod sya kung anong rules and regulations ng school. Nandito at basahin nyo nalang. Ang scholarship na binigay sayo ay full. Maganda ang record ng bata, kailangan mo lang maging active sa school at huwag umabsent." Mahaba ang sinabi nya pero gets ko naman.
"Opo sir. Lagi ko po syang papaalalahanan." Hindi naman matanda ang kausap ni mama pero kung maka opo sya wagas.
"Bukas na po ang pasok nyo sa trabaho mrs. Choi may allowance pong binigay ang school para kay Dean. Kayo nalang po ang bahala sa mga gagamitin nya." Inabot nya kay mama ang sobre na halatang may lamang pera.
Hindi ako masyadong umiimik tumatango lang ako tuwing nababaling ang tingin nila sakin. Lumipas ang ilang oras at natapos nadin ang aming pag.uusap. umalis na sya dahil may aasikasuhin raw at kami naman ni mama ay nagplanong bibili nang school supplies.
Umalis na sila at pumunta sa isang store kung saan sila bibili nang mga gagamitin ni Dean sa pag.aaral. Medyo na amaze din sya dahil ang laki pala nang value nung perang ibinigay sa kanila ni Mr. Park. may mga sobra pang pera at napagpasyahan ni Dean na bumuli nang ibat.ibang kulay nang jacket na may hood. natapos din sila at umuwi para makapagpahinga. magttrabaho nadin ang mama nya bukas at sya nalang ma.isa ang mag aasikaso nang lahat.
A/N- Ahem... pasensya na kung hindi mahahaba ang chapters na ginagawa ko. nagaslow kasi yung phone lalo na't issave ko muna... thank you for consideration guys.
BINABASA MO ANG
HE's A SHE
Fiksi PenggemarIsang simpleng pamilya lang kinalakihan nya. Hindi naman din siya binigyan ng kalaro ng kanyang mama at papa. Sya si Queen Dean Choi. Unica ija ng kanyang mga magulang. Ang akala ng mag.asawa ay lalake ang biyayang matatanggap nila dahil ito talaga...