chapter 4- See you Again

8 0 0
                                    

Mga ilang araw din ang nagdaan nang hindi magpakita yung grupo ng lalakeng lumapit kay Dean at nakipag kaibigan sa kanya. Pero patuloy parin ang kanyang pag babasketball bilang habit nya. Hindi man halata sa kanyang naghihintay sya sa kanila ay sadyang ganun nga ang ginagawa nya.

May mga tao talaga na hindi mo aakalaing darating bigla. Yan nalang ang nasabi ko sa sarili ko habang naglalaro dito sa court. Malay ko ba't napadpad ako dito. Meant to happen siguro to...sigh...sa susunod na araw na ang simula nang klase. Hindi na mapapadalas ang punta ko dito. Hindi ko din sila nakikita na." Wala na sigurong pag.asa na makita ko sila ulit."  Teka nga...bakit ba lagi kong kinakausap ang sarili ko. Mga ilang sandali pa ay nakaramdam ako nang kakaiba. Paano ba naman kasi eh 10:30pm na pala...

"Makaalis na nga." Sinadya kong sabihin nang mejo malakas para makahinga ako bahagya.

Bigla namang nagilaw ang isang kotse sa harap ko at nag busina.

"Bakit?! Hindi namn ito road way manong." Reklamo ko dahil sa nakakasilaw ang ilaw.
Mga ilang segundo pa ay may bumaba sa sasakyan. Yung... mga lalake. Ang grupong hihintay ko.

"Hoy. Bakit nandito ka pa? Gabi na pare." - Namjoon

"Bakit para kang timang sa suot mo?" - V

"Don't look at us like you just saw an angel. Para kang bading." - Jin

"Tumigil nga kayo. Close ba kayo ha? Eh baka nga hindi tayo naalala nyan." - Suga

"Sabay ka nalang sa amin hyung. Hindi naman malayo ang dorm namin." - Jungkook

"Sandali lang. ( nakahinga din ako... hindi pala ako umiimik. Nakatulala ako at nakatingin lang sa kanila) Busy ako. Hindi ko maabsorb lahat nang sinasabi nyo. Bakit ganyan ang itsura nyo? Para kayong bakla sa make.up nyo. Hindi ko kayo agad nakilala. May pasok ako bukas. Uwi na ako." Hindi ko alam kung anong pinagsasasabi ko ang alam ko dapat makaalis na ako.

"Hey! Yung bag mo!" - Jimin

Narinig ko syang sumigaw pero wala akong pake. Inimbitahan ba naman ako sa dorm nila eh puro lalake sila. Nagmadali na akong makatakas bago pa man humaba ang usapan namin. Tumakbo ako nang mabilis na akala moy hinahabol ako ng aso.

Pagkarating ko sa bahay ay narealize ko na nandoon sa bag ang cellphone ko.

"Ano ba naman to oh..." yun nalang ang tanging nasabi ko at humiga. Ang wallpaper nun!!! "Aie!! Panira!!!" Si mama at ako yung nandun, kaso wala akong mask dun.

Paano ba to? Huwag naman sanang mag alarm yun dahil pagnagkataon makikita talaga nila ang itsura ko. Malalaman nilang babae ako..ouch.

Hindi mapakali si Dean sa kakaisip nang mga sasabihin nya kung magkita man sila ulit nang mga lalakeng yun. Kinakabahan sya dahil baka hindi na sya kausapin ng mga ito. Ito pa naman ang una nyang naging kaibigan at tinatrato sya nitong isa sa kanila. Isang lalake na ikinagaan nang puso ni Dean.

A/N - hindi ko pa talaga kayang gumawa nang isang formal na story. But thank you for reading guys. Gomawo. <3

HE's A SHETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon