3

38 2 0
                                    

Ilang linggo na din ang nakakalipas. Maayos naman ang naging pagpasok ko. Kung ano yung dati, ganun pa din. Naaatat na tuloy akong grumaduate. Hay. Wala namang masyadong nangyayari. Maliban nalang nung hindi ko na madalas nakakasama si Cold. Biruin mo yun? Close na sila ni deafy girl. Silang dalawa ang palaging magkasama. Hindi ko naman masasabing naging madamot sakin si Cold kasi palagi naman nila akong inaaya kung saan man sila pupunta ni deafy girl eh. Umiiwas lang talaga ako. Hindi lang talaga siguro kami magkakasundo ng babaeng yan. Maliban sa mayabang, eh napaka- tigas pa naman ng ulo!

Naalala ko tuloy yung nangyari sa disciplinary office. Suspended sya ng isang araw dahil sa way ng pagsagot nya.

Tinanong sya kung bakit sya nagmura. Syempre, ipagtatanggol nya yung sarili nya. Sabi nya hindi daw sya nagmura. Halos walang gana nyang sagot. Si Mrs. Abala putak ng putak pinangangaralan sya dahil sa behaviour nya. Eh paano ba naman? Habang nakaupo kami sa loob at kinakausap eh, nakataas ang mga paa nya! She's crazy! Tapos ang dalas nya pang mag- yawn! Parang antok na antok sya sa mga sinasabi ni Mrs. Abala. Aminado ako, nakakaantok naman talaga kaso daig nya pa ako eh! Grabe talaga tong babaeng ito. Bago kami umalis sa office nagputak na naman si Mrs. Abala and guess what?! Napamura ulit sya! Anong sabi nya? Ang famous nyang 'WTF!' syempre! Kaya nag stay pa ulit kami dun ng halos kalahating oras. Tinanong sya kung anong meaning ng WTF kahit halata namang bad words yun. Gusto lang talaga syang madiin ni Mrs. Abala. Ngunit sadyang mabilis ang utak nya. Sabi nya, 'Wednesday, Thursday, Friday' yun daw ang schedule nya sa klase ni Mrs. Abala. Hay nako! Di ako makapag- concentrate sa pag- aaral. Di ako makamove on sa trip nung deafy girl na yun! T- teka, bakit ko ba sya iniisip?!

"Pare! Sabay ka na samin ni deafy girl!" inakbayan na ako ni Cold bago pa man ako makaalis.

"Ah, hindi pa kasi ako nagugutom." napatingin naman ako kay deafy girl. Nagulat ako ng bigla syang kumindat! "K- kayo n- nalang!"

"Tara na nga Cold! Bading ata yang bespren mo eh." Nag init ang dugo ko sa narinig.

"I'm not a gay." seryoso kong sabi sa kanya. "Ikaw nga jan. Tomboy." pang- aasar ko sa kanya. Namumula sya sa galit at kulang nalang eh umusok ang mga ilong nya na syang ikinatawa ko ng malakas.

"Whahaha! Tomboy!" sambit ko ng may pagturo pa sa kanya. Akala mo ha-

*tsup*

Nanlaki ang mga mata ko ng dahil sa ginawa nya. Hindi ko inaasahang hahalikan nya ako! Pero sa pisngi lang naman. May halong pagkadismaya, tuwa at pagka- inis ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit pero ramdam na ramdam ko ang pagkabog ng dibdib ko!

"I'm not a lesbian." she said at kumindat na naman!

Humakbang naman sya palayo sakin at humarap kay Cold.

"Tara lets!"

Napatingin naman ako kay Cold. Seryosong seryoso sya pero bigla nalang sya bumuwanglit ng tawa!

"WHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! Hanep! Look at your face pare! HAHAHAHAHAHAHA! I can't believe it! Tiklop ka kay deafy girl!" tawa sya ng tawa ng bigla ko syang sinikmuraan. "Ouch pare!"

"Tawa ka pa!" umalis na ako at pumunta na ng cafeteria. Naramdaman ko namang sumunod sakin si Cold at inakbayan ako. Agad ko namang inalis ang pagkaka- akbay nya.

"Easy pare wag kang pikon! Hahahaha!!" sinamaan ko lang sya ng tingin.

Uupo na sana ako sa pwesto ko ng unahan naman ako ng deafy girl na ito! Nagiging habbit nya na ang pag- upo doon. Minsan pinilit ko syang paalisin pero talagang ayaw nya. Simula daw ng araw na iyon ay sya na ang may karapatang umupo doon. Syempre, ako ba magpapatinag?!

Say it, I'm yoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon