4

37 4 0
                                    

Saturday ngayon and I'm heading to school for basketball practice. After kong ma- park ang gwapo kong BMW, naglakad na ako papunta sa gym. Masyado pang maaga kaya wala pa masyadong studyante. Usually yung iba, karamihan ay babae wala naman talagang klase. Gusto lang nila manood ng practice. Habang naglalakad ako e napansin ko ang isang babaeng nakatayo sa may entrance ng gym.

"C- camille?"

Napatingin sya sa akin at nagtangkang lumapit. May inis akong nararamdaman pero sigurado akong wala na yung galit. Hindi ko din alam kung bakit bigla nalang akong nagkaganito. Ibig bang sabihin napatawad ko na sya? Naiinis lang ako kasi may boyfriend na sya. Pero bakit pa sya lapit ng lapit sakin?

"I- I'm here t- to say .. sorry." pagkasabi nya nun ay bigla syang napatungo.

Siguro nga ay panahon na para magpatawad. Two years and ten months naging kami. Simula pa nung high school kami na ang magkasama. Saksi si Cold sa pagmamahalan naming dalawa. Hindi naman ibig sabihin na sa loob ng dalawang taon na iyon ay wala kaming pinag- aawayan. Madami na ding beses na mag hihiwalay kami dahil sa mga babaeng nagkakandarapa sakin. Mas lalo ko pa syang minahal nung naging selfish sya sa iba basta ako ang pinag uusapan. Ngunit sa isang iglap ay bumitaw sya kaagad. At sa mismong monthsary pa namin. Lahat ng balak ko sa araw na iyon, lahat ng efforts at preparation ko para i- surprise sya ay biglang nasayang. Pakiramdam ko ay itinapon nya ako ng basta- basta. It's been a year since we broke up. At ngayon nya lang ulit ako sinubukang kausapin. Oo, hinabol ko sya. Lumuhod ako sa harapan nya bumalik lang sya. Pero ngayon ko lang ay napag- tanto na ang laking tanga ko na pala.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan sya sa kamay.

"It's okay." nginitian ko sya. "Salamat na din at iniwan mo ako." Napatingin sya sa akin na waring nagtataka. "Kasi, hindi ko makikilala si deafy girl kung tayo pa rin hanggang ngayon" nag uunahang tumulo ang tubig mula sa kanyang mga mata.

Hindi ko alam kung bakit ko iyon nasabi. Pakiramdam ko ay ang saya- saya ko kapag si deafy girl na ang pinag- uusapan. Ang gaan ng loob ko pag sya ang kausap ko kahit na parang ewan kaming dalawa. Minsan away minsan naman magkasundo kami. Hindi ko maintindihan. Gusto ko na ba sya talaga? Napailing ako.

"T- thanks Francis" at niyakap nya ako.

"Shhh. Stop crying." humiwalay sya sakin. "Manonood ka ba ng practice?"

Ngumiti sya. "Kung pwede?" at sabay kaming natawa.

Naglalakad na kami ng biglang may tumama sa ulo ko.

"B- bola? Are you okay? OMG" di makapaniwalang sambit ni Camille.

"F*ck!" ang sakit nun ha!

Napalingon ako para malaman kung sino ang may kagagawan.

"K-Key?" ani Camille.

T- teka, anong ginagawa nya dito? Nakasuot lang sya ng maong shorts at naka- culture shirt syang white sleeveless na may color black na tube sya sa loob. Naka- pony tail din sya at may suot na floral cap. Naka- black shades din sya na animoy tutok na tutok sa kanya ang araw. Naka- rubber shoes din syang color black na Nike. Hanep. Ang porma nga nyang tingnan! Makalaglag panga ang babaeng ito!

Lumapit sya sa akin at napansin ko namang may hawak syang bote ng tubig.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. Napatingin sya sa braso ko at di ko namalayang nakaakbay ako kay Camille. Bigla syang nagbawi ng tingin at humarap sa akin.

Say it, I'm yoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon