Ikalabing dalawang Bahagi

8 0 0
                                    

"Goooooooodmooooorrrnnniiingg!!!!" naalimpungatan ako dahil sa pambubulabog na iyon. Napilitan akong bumangon para batukan kung sino man ang gumawa non. Malamang ay si Erily!

Akma kong babatuhin ng unan si Erily ng ma- realize ko kung sino itong nasa loob ng kwarto ko. Isang dilag na nakasuot ng white V- neck shirt at faded maong shorts. Prenteng nakaupo sa sofa ng kwarto ko.

"K- key?!"

"Uh- huh!" at kumindat pa sya.

"What the hell are you doing here?!"

"Hello?! It's saturday. It was supposed to be our first date!" iritable nyang sagot. "Mukhang wala ka namang plano umalis e, uwi na ko."

Christmas break na ngayon. Madami na ang nangyri. Wala na masyadong nang gugulo sa amin ni Key. Minsan nag- aaway kami. No, madalas pala. Ang tigas naman kasi talaga ng ulo ng babaeng ito eh.

Tumayo sya at lumabas na ng kwarto ko. Hinabol ko sya pababa at iniharap sakin. Ang haba ng nguso.

"Sorry na."

"Sorry mo mukha mo."

"Sige na. Sorry na. Ikaw din, manlilibre pa naman sana ko ng Kerrimo." tinalikuran ko sya pero natawa ako ng hilahin nya ko pabalik. Hindi ako nagpatinag kaya tumakbo sya sa harapan ko at nagpause daglian din syang namula.

"Sige na! Kung wala ka lang nito" itinuro nya kung abs ko "hindi kita mapapatawad!"

"Hahahahahahahahahahaha! Hooo! Hahahahahahahahahahaha!" halos mamatay na ako sa kakatawa dahil sinundot sundot nya pa yung abs ko. "Kaya ka ba namumula?"

Iniwas nya ang tingin nya sakin at tinalikuran ako. Ngayon ko lang sya nakitang ganon. Weakness nya siguro itong abs ko. Hahaha!

"Maligo ka na! A- ang baho mo! Bantot!" tinaboy taboy nya ako pero hinapit ko sya sa bewang dahilan para mapayakap sya sakin.

Hinawi ko ang buhok nya at isinabit iyon sa kanyang tainga. I can smell the fresh mint scent of her. Halata sa mukha nya na hindi nya alam ang gagawin at kabadong kabado sya. "Paliguan mo ko?" I said in a husky voice. Pero nagulat ako ng biglang nag- iba ang ekpresyon nya.

PAK!

Natumba ako sa sahig at hinimas yung mukha kong sinapak nya!

"P*ta! Ang sakit!!!!!"

"Dale mo! Gago!"

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na agad ako. Grabe. Lakas makasapak ng babaeng yun! Buti nalang hindi nag- pasa yung mukha ko.

"Ang tagal mo naman. Inaantok na ako." bungad nya ng makalabas ako ng kwarto ngunit sinamaan ko lang sya ng tingin.

"Hahahaha!" mapang- asar nyang tawa at aminado akong naasar talaga ako! Napansin nya ata iyon kaya tumigil sya.

"Galit na yung hubby ko." tumayo sya at sinuklayan pa ako. Bumabawi yata. Lihim akong natuwa pero nanatiling ganun pa din ang ekspresyon ko.

Tumigil sya sa kanyang ginagawa at tumitig sakin ng nakangiti.

"Kahit araw- araw ata kitang sapakin, ang gwapo mo pa din." ngumiti sya ng matamis at inabot ang aking mga labi.

"Oops! Porn!"

Napatingin kami sa nagsalita.

"Marco?" nakabihis sya ng baby polo shirt at maong shorts. Naka sneakers din sya kagaya ni Key. Waring may lakad.

"Who's that bubwit?" tanong ni Key.

"Kapitbahay namin."

"Daddy Frank who's that bubwit too?" napasinghap si Key at waring nagtitimpi sa bata.

"Wait. D- daddy?!" nagugulumihanang tanong ni Key.

"She's my girlfriend."

"I thought Camille is your girlfriend?" Marco asked.

"Ex- girlfriend to be correct" iritang sabi ni Key.

Naglakad papunta samin si Marco at waring sunusuri si Key.

"What?" tanong ni Key sa bata.

"You are not sexy." balewalang sabi ni Marco. "Not even pretty."

Inis na inis si Key. Natawa ako ng bahagya.

"Nakahanap ka na ng katapat mo." bulong ko sa kanya ngunit hindi nya ako pinansin.

"How old are you young man?!" Key asked.

"Four." walang ganang sagot ng bata.

"Wth? Four?!" hindi makapaniwalang sambit ni Key.

"Watch your words Miss." animoy matandang paalala ni Marco.

Sasagot pa sana si Key pero inawat ko na.

"Anong-!"

"Hep. Enough! What are you doing here Marco?" tanong ko.

Hindi nya ako sinagot at may iniabot sa aking papel.

"Not again!"

"What's that?" inagaw ni Key sa akin ang papel at binasa iyon.

"What are you?! Babysitter?! For one week?!"

"I'm not a baby!" sigaw ni Marco.

"Yes you are!" asar ni Key.

Hinila ko si Key papuntang kusina para sabihan.

"No choice. Kailangan ko syang alagaan eh. Kawawa naman. Wala syang parents namatay sa car accident. Tita nya lang nag- aalaga sa kanya which is bestfriend ni mama. Habaan mo nlang pasensya mo. Lagi syang iniiwan dito kapag christmas vacation."

"Whatever." napatigil kami at sabay na napatingin sa bata. "How about our date?"

"Isama natin sya." tugon ko.

"Hell no!" bulalas ni Key.

"Hell yes!" sagot ni Marco at kumindat pa. Gulat na gulat si Key at napa- face palm nalang.



Mall











Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 08, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Say it, I'm yoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon