7

59 2 0
                                    





First day ng foundation week ngayon. Lahat kami ay busy sa pag- aasikaso ng kung ano mang naka- assign sa amin. Nagkahiwalay kami ni Key kasi iba yung na- assign sa kanya. Kung hindi ako nagkakamali ay doon sya sa banda.

"Hi Francis" bati ni Camille sakin. Ngumiti sya ng malagkit.

"Uh, h- hi." tugon ko.

"Well, nagkahiwalay pala kayo ni Key. How sad."

"Magkikita naman kami mamaya." naiinis kong sabi. "Ano bang kailangan mo?"

Sumeryoso ang mukha nya. "Look, I'm sorry for what happened last time. Nadala lang ako."

"Okay lang. Sorry din."

"Hindi ko na uulitin." sabi nya sabay alis.

Minsan talaga ang gulo nyang kausap. Hindi mo alam kung nagtataray ba sya o ano. Minsan naman okay sya. Ganun ba talaga ang mga babae? Sila na nga ang nakipag hiwalay, sila pa itong bitter.

"Pre! Ready na ba lahat ng booths?" Cold asked.

"Oo naman, yes!"

"Sana makuha natin yung expected amount ng kikitain ng school natin." halata sa kanyang kabado sya. Tinapik ko sya sa balikat.

"Kaya natin ito! Wag ka ngang kabahan! Parang hindi ka lalaki eh!" pang- aasar ko.

"Gagu! Oh, sya pare may iintindihin pa ako eh. See you around!" tinapik nya ako sa balikat at saka umalis.

Naging maayos naman ang lahat at mukhang wala namang problema. Lunch na at madami na din ang mga tao. Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Key.

To: Key

Hey, lunch?

Sent!

After 2 minutes, ten minutes, fifteen minutes, and twenty minutes, hindi sya nag- rreply. Wala ba syang load? Marahil ay naubusan sya dahil magdamag kaming magkatext kagabi. Inis kong idinial ang number nya. After ng ilang ring ay sumagot na din sya.

"Jesus Christ! Text ako ng text sayo! Hindi ka nag- rreply!"

Narinig ko naman na nag- yawn sya. At ang tagal nya bago magsalita! Wag mo sabihing ..

"Just woke up." halata sa kanya na kagigising nya lang! Wth?!

"Nasaan ka?! Hindi mo ba alam kung anong araw ngayon at kung anong oras na?!"

"The hell Pogs! Don't shout! Y- yeah. Today is monday and it's 12:15 noon" irita nyang sabi at nag- pause. "W- wait." sambit nya at tila natigilan. "ASDFGHJKL! I'm so late!" narinig ko namang nag- panic sya. Naiimagine ko tuloy yung mukha nya. Pulang- pula na siguro iyon!

"Absolutely!"

"Whatever! I'll be there at 1:00 pm!" she endedd the call.

12:55 palang ay natatanaw ko na sya. Naglalakad sya palapit sa akin. Astig talaga ng babaeng ito. Biruin mo?! Nakapambahay na damit! Ang kaibahan nga lang ay nakasapatos sya. She was wearing her irritated face at mahahalata mo talaga syang nagmamadali. Naka- puyod ang kanyang buhok dahilan para mas lalong makita ang kanyang napaka- gandang mukha. Nakasuot din sya ng shades na black na black at nahaharangan naman ng bangs nya. Naka- white loose shirt sya na my owl na naka- print. Naka- maong shorts din sya and to my surprise nakuha nya pang mag headset!

Say it, I'm yoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon