2

28 2 0
                                    

Classroom

"You have to introduce yourselves here in front. Okay, start."

Last subject na namin ito ngayong araw.

"Haay, sa wakas! Makakauwi na din!" wika ni Cold habang nagsstretch ng braso nya.

"One hour pa, ungas!"

"Atleast one hour nalang pre!"

"Whatever." bigla akong siniko nitong ungas na si Cold. Tiningnan ko naman sya ng masama.

"Dude, grabe. Nahihiwagaan ako kay deafy girl." Nakahawak sya sa baba nya at waring nag- iisip.

Hinihimas himas nya yung nag iisang hibla ng buhok na naktubo doon.

"What the? Sya pa din ang iniisip mo until now?" di makapaniwala kong sabi.

"Mismo! Hmm. May hawak syang drum sticks diba?" tumango lang ako bilang sagot. "Tapos naka- cap pa sya. Ang astig nya. Tsk. Bagay din pala sa mga babae ang ganung porma. Haha!"

"Baka tomboy sya." binatukan nya ako.

"Ungas! Tomboy agad? Sa tingin mo, marunong sya mag drums?"

"Ano namang alam ng mga babae sa pagda-drums? Eh puro pa-kikay lang naman ya sila." Natawa ako sa naisip ni Cold.

"Grabe konti nalang tol, crush ko na talaga sya! Pero syempre, hanggang crush lang yun. Baka mamaya parehas pala kami ng gusto" tiningnan ko naman sya ng masama.

"Mr. Sivan and Mr. Ness! Want to share your chit chat?!" napaayos naman kami ng upo nitong si Cold.

"N- no ma'am. Sorry Mrs. Abala."

"You guys are not listening. Mr. Sivan ikaw na ang sunod na magpapakilala." tumayo ako at pumunta sa harapan.

"Oh my God! Ang swerte talaga natin classmate natin sya!"

"Oo nga! Kailangan mapansin nya ako!"

"Gaga! Ako ang mapapansin nya at hindi ikaw!"

"No! Ako lang! Sya ang prince charming ko at ako ang prinsesa nya!"

"Class! Quiet!"

Tumayo ako ng maayos at ngumiti sa kanilang lahat.

"Hi. I'm Francis Sivan. Nineteen years of young. Please be nice." Halos himatayin na sila sa kilig nung kumindat ako. Yung iba naman may paghampas pa sa katabi. Napailing nalang ako. Poor girls.

Bago pa man ako umupo, may biglang nagbukas ng pinto dahilan upang mapatingin kaming lahat doon.

Nanlaki ang mata ko ng hindi inaasahan. Classmate ko sya?!

"A- ahm, sorry? Am I late?" mukhang kagagaling nya lang sa track and field.

"Yes!" sarcastic na sabi ni Mrs. Abala

"WTF." bulalas nya at tila hinahabol ang hininga.

"What did you say hija?!" galit na tanong sa kanya ni Mrs. Abala

"I said WTF." balewalang sabi ni deafy girl.

Nanlilisik ang mga mata ni Mrs. Abala. Kulang nalang ay kurutin nya itong si deafy girl dahil sa kanyang pang- gigigil.

Say it, I'm yoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon