6

54 2 0
                                    

Kinabukasan agad kong hinanap si Key. Nakita ko sya sa cafeteria pero hindi na sya nakaupo doon sa pwesto ko. Lalapitan ko sana sya kaso umalis naman sya agad. Halatang iniiwasan nya ako. Naiinis ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin para kausapin ako ni Key.

Nung sumunod na araw ay ganoon din ang ginagawa nya. Iniiwasan nya pa din ako. Pinuntahan ko sya sa bahay nila but to my surprise pinakawalan nya yung aso nyang Siberian Husky! Napaka- brutal talaga nitong babaeng ito.

Ngayon, kung hindi pa nya ako kakausapin, ipapa- kidnap ko nalang sya! Kinausap ko si Cold at ito ang plano namin. Muli kong inalala ang nakalagay sa sulat nya. Gusto nyang iparamdam ko sa kanya yung pagmamahal ko. Ngayon na siguro ang panahon para umpisahan ko ang panliligaw ko sa kanya. Napangiti ako sa hawak kong bulaklak. Gusto nyang bigyan ko sya ng bulaklak hindi plastic, hindi papel at hindi nalalanta. Noong una nahirapan talaga ako. Pero ngayon, natagpuan ko na kung ano ang gusto nya.

"Hoy Cold! Sigurado ka ba dito?" tanong ko sa kanya habang inaayos yung polo ko.

"Oo naman! Ako pa! Basta yung tinuro ko ayo ha! Hindi ka namin pababayaan." aniya habang inaayos yung gitara nya.

"Oo nga. Andito naman kami." ayon ni Mark.

"Basta, pag nagka- ayos na kayo ise- celebrate natin yan!" sabi naman ni Paulo.

"Oo ba. Ipagdasal nyo na sana magka- ayos kami." kinakabahan ako. Hindi ko alam kung magwwork ba ito. Nanginginig ang mga kamay ko. Pinagpapawisan ako ng malamig.

Dumadami na ang tao. Hinihintay naming lumabas at dumaan si Key sa gate. Kanina pa kami dito. First time ko itong gagawin sa tanang buhay ko. Hindi ko alam kung mag- wowork ba ito. Madami akong kasabwat kasama yung ka- team ko sa basketball.

"Anjan na sya!" excited na sabi ni Cold.

Bigla akong nataranta. Baka mamaya makalimutan ko yung lyrics!

Hinintay namin na mapansin nya kami bago kami magsimula.

"One, Two" countdown ko. At sinimulan ng kumanta.

(A/N: Pa- click nalang po yung video for the song. Hihi)

Gumaganda ang paligid

Kung bawat tao ay puno ng pag- ibig

Napapawi ang pighati

Masilayan lang ang iyong ngiti

Oh, kay gandang isipin

Ang isang mundong puno ng pag- ibig

Aalis na sana sya pero hindi sya makadaan dahil sa sobrang dami ng nanonood.

Nagkatinginan kami at nginitian ko sya. Sya naman umirap. Wala na syang nagawa kung hindi ang mag- stay doon. Salamat sa mga fans ko.

"Oh my! Ang ganda pala talaga ng boses ni Francis!"

"Ang swerte ni deafy girl!"

"Oo nga! Kainggit!"

Oh oh oh oh ..

Parang isang bulaklak

Na kay ganda

Na inabot mo

Sa iyong sinisinta

Kinuha ko yung bulaklak at inalis ko ung mic sa stand. Bumaba ako sa stage at aktong lalapit sa kanya.

Say it, I'm yoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon