I'm Back

54 6 0
                                    

Demon (Chie or Desdemona) POV

Pasakay na ako ng aking private jet papuntang Pilipinas. Tiningnan ko ang oras. 4 AM. Siguro mga 5 ako makakalanding. Umupo na ako sa window seat at tumingin sa bintana. All these years, may kakambal pala akong lalake. Ano kaya ang itsura niya? Alam ba niyang ampon siya? Kung oo, galit ba siya kina mommy? At bakit sa CU siya pinag-aaral? Ang alam ko, para lang iyon sa mga mayayaman.

Sa dami ng tanong na nasa utak ko, di ko namalayan na nakatulog na ako.

*After 10 hours*

Nagising ako dahil nagdedemanda na ang tiyan ko ng pagkain. Kaya tinawag ko si May.

"May, dalhan mo ako ng barbeque, liempo, rice, iced tea, ice cream, at cake."sabi ko na walang emosyon.

"Masusunod, Cole"at agad na lumayas.

Pagkatapos ng mga tatlong minuto, nakahanda na ang pagkain ko. Minadali ko na ang pagkain dahil icoconfirm ko pa ang fake info ko.

*burp*

Hay. Ansarap. I took out my laptop and tiningnan ang infos ko.

Name: Shivani Collins

Age: 19

Parents: unknown

Address: unknown

Good. Name lang at age ang hindi unknown. Walang sinuman ang makaka-hack ng totoong info ko dahil mahigpit ang security at gumawa ako ng mga trap incase. Mahirap na maging kuntento. Sabi nga sa sulat, magingat daw ako. Tumingin ako sa taas at napabuntong hininga. Tumingin ulit ako sa laptop at tiningnan na ang itsura ng university. Matagal ko nang hindi kinamusta ang kalagayan ng mga schools namin.

Hmm.. Okay naman siya. Mukhang mas pinaganda pa ng principal na toh ang aming university. Sana lang hindi ako mapapasabak sa gulo. Iba na ako ngayon. Dati, di ko pinapansin ang mga nang-aaway sakin pero ngayon? Baka yun na ang huling araw nila sa mundong toh.

*After 2 hours*

"We now reached our destination"

Hay, salamat. Nainip na ako dito eh. Kaagad akong umalis sa upuan. Binitbit ko na ang bag ko. Pagkalabas ko sa eroplano, inamoy ko ang simoy ng hangin at napangisi.

"I'm back" At lumarga na ako sa may waiting area ng airport. Wala namang nakapansin sakin dahil naka-hoodie ako at shades.

Hinanap ko ang sasakyan na gagamitin ko pauwi. Lumingon lingon ako at finally, nakita ko na ang mahiwagang ferrari ko. Tumakbo na ako using my unnatural speed at agad na sumakay. Pinadala ko na kasi ang mga cars at big bikes dito eh.

Inandar ko ang kotse at tumungong mansyon. Nasa may gate na ako ng mansyon. Pero bago ako pinapasok iniscan muna kami for confimation. Pinarada ko na ang sasakyan sa main entrance. Mga butlers ko na bahala magpark nun. Pagpasok ko ng pintuan, lahat ng maids at butlers sa mansyon nakahelera na sa dalawang gilid ng pintuan. At sabay sabi nila..

"Welcome Young Mistress" Tinignan ko ang mga mukha nila na bakas ang tuwa. Tch. Sorry na lang kung madisappoint sila sa bagong ako. Tumango na lang ako at pumunta sa kwarto ko.

Ipinikit ko ang aking mga mata at hindi maiwasang mag-alala kay Rhie. Nakakain na kaya yun? Pagod na ba siya? Hay... Di ako sanay na wala si Rhie.. Matawagan nga.. Pero.. Diba nga cold ako? Di yun makakaya ng pride ko.

Napa-iling na lang ako at may naalala.. Ay oo nga pala, start ng school bukas. Tiningnan ko ang itsura ko sa salamin at napagdesisyonan na baguhin ang hairstyle ko. Kinuha ko ang wallet, phone at car keys ko at lumarga na sa MOA.

Nag-big bike na lang ako papuntang MOA. Pinark ko na ang baby ko sa usual na parking ko (A/N: Refer to the first chappie.). Dirediretso ako pumuntang salon at ipina-ayos ang buhok ko.

*After 1 hour*

Sa wakas, natapos na ang ritual para sa maganda kong buhok. Tiningnan ko mabuti ang itsura ko sa salamin nila. Hmm.. Ngayon, ang dati kong brown hair ay black na with red highlights. Same parin ang length. Mahaba parin at may bangs. Pero aaminin ko, mas maganda ang style ko ngayon kesa dati. Now, para disguise na disguise ako, kahit labag sa kalooban ka, ay kailangan ko ng salamin at contacts... bagong contacts.. Kung hindi ko nasabi sainyo sa simula pa lang ay kasalanan na yun ni Author.

(A/N: At dinamay mo pa talaga ako huh!)

Bakit? Sino ba nagsusulat ng storyang to?

(A/N: Ehehehe.. Oo nga noh? *awkward smile*)

Tss.. Stupid.. Anyways, back to the story.. Kaya ako magpapalit ng contacts dahil luma na ito at para matakpan ang dalawa kong mata na magkaiba ang kulay. Yung sa left, color gold. Sa right, color red. Unique, right? Ito pa. Sabi nila pagnagagalit ako o gusto kong pumatay, mas lumilitaw ang mata kong pula. Di lang ako sure kung kailan lumiliwanag ang mata kong ginto.

Pumunta na ako sa isang shop na lagi kong pinupuntahan kapag magpapalit ako ng contacts. Kilala rin naman ako dito at mapagkakatiwalaan ko ang mga tauhan dito.

Nung pumasok na ako sa shop agad na sumalubong sakin ang manager.

"Welcome, Miss Cole. Ano po ang kailangan niyo?"Tch. Idiot. Malamang contacts alangan namang sapatos bilhin ko noh? Ansarap pugutan ng ulo. Tumingin lang ako sakanya ng malamig.

"Contacts." Agad naman niyang pinaalis ang mga customers dun. At ilinagay sa may harapan ng shop na 'closed'. Tapos, tumingin sakin na may kabadong ngiti.

"Ano pong kulay ngayon?" Hmm.. Oo nga noh? Siguro black naman. Yung super itim para di mahalata ang pagkaka-iba ng kulay.

"Patingin nang pinakaitim niyo." ikli kong saad. At mas mabilis pa kay flash na kinuha ng isang staff yun. Nung inabot niya sakin, sinukat ko muna at tinignan sarili ko sa salamin.

Its fine.. Pero parang may kulang...

"Tignan ko ang pinakalatest niyong salamin." at kinuha naman niya yun.

"Ito po. Padala nga pala po ito ni Miss Mary (Rhie/Belladonna). Gawa po ito sa pinakarare at matibay na metal. Nakikita nito ang personal profiles na mga tao at mayroong x-ray vision. Autumatic din po itong nagiging shades pagna-sense niya na nagliliwanag ang iyong mata. May pahabol din pong sulat si Miss Mary." Tinignan kong mabuti ang salamin. Hindi ko maipagkait na gawa nga ito ni Rhie. Napangiti na lang ako sa loob pero hindi ko ito ipinakita sa labas.

Tumingin na lang ako sa manager na halatang pinagpapawisan na at kinuha ang sulat. Tinago ko yung sulat sa bulsa ko at isinuot na ang salamin. Pagkatapos ng isa pang tingin sa mirror, inilabas ko ang pera ko na P100,000.

"Keep the change." At tuluyan na akong lumabas sa shop. Dumiretso ako sa big bike ko at inandar na ito.

Dahil sa gutom ko kalagitnaan ng daan, nag-hanap ako ng restaurant. Pero ang ending ay nawala ako dahil di ko na alam kung saan na ako. Lingon ako ng lingon nang may makita akong kanto na may ilaw. Madilim na kasi dito. Buti na lang may x-ray vision tong glasses na to. Pero nung palapit ako nang palapit, maynaririnig na akong nagbabak-bakan....

.......................................

.

.

.

(A/N: O? Sino kaya ang nagbabak-bakan na yun??)



Behind Their Masks: Desdemona and BelladonnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon