Demon POV
*KRINGKRING*
*BOOGSH*
Napabangon na ako at tinitigan muna ang ceiling ko sa kwarto. Right. First day nga pala. Tumayo na ako at naligo.
*After 15 minutes*
Pagkatapos kong naligo, tinignan ko nang mabuti ang uniform nila at isinuot na. Nakatitig lang ako sa sarili ko sa salamin. Nakabutton-up shirt ako na may nakapatong na red vest at yung skirt ko. Okay sana ang skirt ko di lang masyadong maiksi. My skirt is a simple, red, checkered, and it kinda looks like a jumper skirt. Above the knees ng 3 inches. Napa-iling na lang ako nang maalala ko kung sino ang namahala sa school na to. Nagana na naman ang pagka-otaku ni Rhie. Nahalata ko naman ang kaparehas ng uniform na to sa mga anime na pinapanood ko. Sinuot ko na ang contacts at glasses ko. Nagtago na rin ako ng daggers at isang baril sa loob ng vest ko. Incase.
Kinuha ko na ang bag ko at car keys. Ang gamit kong sasakyan ay ang pinakasimple kong kotse. Si Baby Louise o ang Honda City ko. Nang pinaandar ko na ang kotse, nagdrive na lang ako sa isang kanto na malapit sa school at naglakad na lang papunta sa CU. Delikado kasi ang Baby Louise ko.
Nang nasa may gate ako, linapitan ako ng isang guard.
"Miss, naliligaw ka ata."Tanga. Kitang nakasuot ako ng uniform eh. Di ata ako kilala. Siguro baguhan to. Pinakita ko na lang ang ID ko. Bahagya pa siyang nagulat.
"Ay, sorry po. Sige, pasok na po kayo."At yun nga. Nung pumasok na ako sa may entrance, sinalubong ako ng mga mapanuksong tingin.
'Transferee?'
'Another nerd?'
'b**ch'
'akala ko ba pang-mayaman tong school na to? Bat may mga nerd?!'
'yuck'
Isa rin tong mga tanga eh. Bubulong na nga lang, rinig na rinig pa. Nako, kung pwede lang, pinugutan ko na ang mga to ng ulo eh. Yumuko na lang ako at nagtanong sa isang mukhang matinong estudyante dito. Tumingin siya sakin at parang nahiya at natakot. Inobserbahan ko muna at naconclude na isa siyang nerd.
"B-bakit po?"Natuwa ako sa mukha niya dahil ang cute ng reaction niya. Pero namaintain ang poker face ko.
"Asan ang Principal's Office??"tanong ko na walang emosyon. Nahalata ko naman na para bang linamig siya sa boses ko.
"A-ah. S-samahan ko n-na lang p-po kayo." Pautal niyang sabi. Tumingin lang ako sa kanya at tumango.
Sinimulan na naming maglakad sa hallway at lumiko ng dalawang beses. Konti na lang pala ang mga tao dito. Siguro malapit na mag-start ang klase. Tahimik lang kami naglalakad hanggang sa wakas, nakarating na kami sa harapan ng isang magarang pintuan na may sign na 'Principal's Office'. Kumatok na siya doon at naghintay kami na ilang segundo para mabuksan ng secretary ng principal. Nung tinignan niya ako bigla ba siyang nagulat pero mabilis nito nabawi ang facial expression niya. Kilala niya kasi ako eh. Pero tiniganan niya muna ang katabi kong nerd.
"O, Sky. Kasama mo pala ang transferee? Lika, pasok kayo." Casual niyang sabi kahit alam kong kinakabahan na siya. Pero, teka. Sky??
"Ah, salamat po."At pinapasok niya nga kami. Nakita ko ang principal na naka-upo sa may desk niya. Mukhang gumagawa siya ng mga papeles dahil di niya muna kami napansin hanggang sa nag-'ehem' ang secretary. Napa-angat siya ng tingin at napangiti.
"So, you're the transferee? I see that you have met one of our students here."sabi niya. Tumango lang ako.
"Mr. Carrington, this is our tranferee, Ms. Shivani Collins. Ms. Collins, this is Mr. Sky Nathan Carrington." Nakatingin lang ako sa principal dahil alam kong may sasabihin pa siya. Tiningnan niya si Sky ata yung pangalan.
BINABASA MO ANG
Behind Their Masks: Desdemona and Belladonna
ActionThis is a story of two best friends who are very different from each other. One who is strong on the outside but weak on the inside. And one who is weak on the outside but strong on the inside.But what will happen if one of them died?? Discover more...