"Ah, thank you. Si Marlon?" Nakangiting tanong sa akin ni Jessica
"Ah andun siya sa likod, tara?" Tumango lang siya tapos pumunta na kami sa likod. Binati naman siya agd ni MJ pagkakita sa kanya at tsaka niyaya siyang kumain.
"Ah Marlon, hindi ka ba busy? Magpapasama sana ako sa'yong magshopping, okay lang ba?" Tanong ni Jessica sa kanya
"Sure, sama ka Andrea?" Baling naman sakin ni MJ
"Oo nga, Shopping tayo" Dagdag naman ni Jessica
"A--ah wag na, dito na lang ako" Sabi ko naman, ayoko kaya maging chaperone. Baka makasagabal lang ako sa kanilang dalawa
"Ay, sayang naman" Nalungkot na sabi ni Jessica
"Sigurado ka?" Tanong naman sakin ni MJ, tumango lang ako. Pagkatapos nun umalis na din sila MJ at Jessica at ako naman niligpit na yung mga pinagkainan namin.
Nag-ayos muna ako sa room ko tapos pati na rin yung kwarto ni MJ, naglaba na din ako at naglinis ng buong bahay.
MJ's POV
Andito kami ni Jessica sa mall na pinuntahan namin ni Andrea dati. Gusto ko sanang isama si Andrea para hindi masyadong nakakailang 'pag kaming dalawa lang ni Jess, pero nageenjoy naman na akong kasama siya ngayon, masayahin siyang tao. Nakwento niya nga sakin na parehas pala kami ng pinasukan na University kaya pala parang namumukaan ko siya nung pinakilala siya nila daddy sa akin.