SWMGB 9 >>>> Not mine

73.5K 1.2K 166
                                    

MJ'POV

"Andrea" Tawag ko sa kanya bago pa siya tuluyang makapasok sa loob ng bahay, tumigil naman siya at tumingin sa akin kaya tumayo naman ako at lumapit sa kanya

"Uwi na tayo" Sabi ko lang tapos hinawakan yung kamay niya at hinila na siya papasok, umalis na din kami pagkatapos naming magpaalam. Buong byahe kaming hindi nagiimikan, kahit nung nakarating na kami sa bahay hindi pa rin niya ako kinakausap.

"Andrea" Tawag ko. Niyakap ko siya sa likod at hinalikan ang buhok niya

"M--MJ nagseselos ako" Her voice broke. Lalo kong hinigpitan ang pagyakap sa kanya, gusto kong magsalita para pagaanin ang loob niya pero hindi ko alam anong dapat kong sabihin. Tinanggal niya ang mga kamay kong nakayakap sa kanya tapos humarap siya sakin

"MJ, yung nangyari satin mali...Isang malaking pagkakamali" I can see pain in her eyes, meron na ding namumuong luha sa mga mata niya. Hinawakan ko ang mukha niya at bago pa tuluyang tumulo ang mga luha niya ay pinunasan ko agad 'yon

"Andrea,hindi yun pagkakamali" bulong ko  tapos binigyan siya ng mabilis na halik

"Andrea ginusto ko ang nangyari, Ikaw ba hindi mo ginusto yung nangyari? Hindi ba ikaw pa nga yung nagpumilit na ga---" 

"Shut up!" Singhal niya at kitang-kita sa mukha niya na nahihiya siya sa sinabi ko, agad naman akong napangiti dahil doon

"Why? Ikaw pa nga yung nasa taas nun---"

"Tigilan mo nga ako" Sobrang pula na ng mukha niya

Sleeping With My Gay BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon