A/N muna bago basahin ang last chapter. Hihi.
Gusto ko lang pong magpasalamat sa mga readers, mapa'maingay man o mapa'silent yan. Salamat sa matiyagang paghihintay sa mga updates, sa pagko-comment at pagvovote. :))
Inuulit ko po. Wala na pong book 3 kasi po may gagawin akong bagong story (Gagawin pa lang).
*Pasintabi po muna sa mga Medical expert dyan, pagbigyan niyo po muna ako please. Hihi
Sa mga silent readers dyan, VOTE AND COMMENT na! Paramdam din diba? Last chapter naman na to. Hahaha.
Oh siya, sige na. Basahin mo na 'tong chapter na 'to. Wag ka nang magpatumpik-tumpik pa!
------------------------------------------------------------------------------------------------------
MJ’s POV
“Thank you” sabi ko pagkakuha ko ng mga roses na binili ko. Lumabas na ako sa flower shop at agad nang sumakay sa kotse para dumiretso sa hospital.
Nakasanayan ko na din na bumibili ng bulaklak para sa kanya tuwing Sunday, pinark ko ang sasakyan tapos ay pumasok na ako sa loob. Bawat empleyado ng hospital na to mapa-nurse at doctor ay kilala na ako, sa araw-araw ba naman na pumupunta ako dito sa loob ng dalawang buwan. Ultimo nga ibang pasyente ay kakilala at kakwentuhan ko na din. Halos dito na nga ako tumira eh.Masaya akong pumasok sa private room niya at binati yung nurse na nagchecheck sa kanya
“Still sleeping?” Nakapout kong tanong dun sa nurse, napangiti naman ito sa sinabi ko.
“Yes sir. As usual” Sagot naman nito, napangiti na lang ako ng mapait. Araw-araw kong hinihiling na sana pagdating ko sa room na ito eh agad niya kong sasalubungin ng ngiti. pinalitan ko na lang yung mga bulaklak na nakalagay sa vase ng mga rosas na binili ko kanina habang tinuloy nung nurse yung pagchecheck sa kung ano-anong nakakabit na aparato sa kanya.
Pagka-alis ng nurse ay agad naman akong umupo sa tabi niya at hinawakan ang pisngi niya.
“Gising na kasi” Bulong ko matapos ko siyang halikan sa noo. Sabi ng doctor niya dapat daw lagi ko siyang kinakausap kasi naririnig naman niya ako kahit nga tulog siya.
“I love you, ikaw lang” Nakangiti kong bulong ulit sa kanya, umayos ako ng upo tsaka binuksan yung TV at nanuod.
Sabi ni Lance hindi siya makapaniwalang nakakayanan ko ang boredom kakabantay sa kanya pero ewan ko ba, ni hindi naman ako naiinip dito at masaya akong nasa tabi niya lang.
Araw-araw akong ganito, pagkagaling ko sa office, diretso na agad dito para bantayan siya. Araw-araw ko din siyang kinakausap at kinukwentuhan sa mga nangyayari sakin, araw-araw ko din siyang sinasabihan na gumising na siya at kung gaano ko siya kamahal. Lahat gagawin ko, lahat titiisin ko wag lang siyang mawala sa akin.
Nung isang araw dumalaw dito sila mama at papa kahapon naman yung mga college friends niya, dun ko nga lang nalaman na kaklase niya yung isang nurse na lalaki na nagbabantay sa kanya at take note ex niya pa. kaya pala unang kita ko pa lang sa kanya eh wala na kong tiwala.
“Ang tagal mo namang gumising,dalawang buwan na akong nagkakamay—idilat mo na yang mga mata mo please?” sabi ko tapos ay hinalikan ang mga mata niya. Masyado ko na siyang namimiss. Gusto ko na siyang makausap muli, gusto ko ng marinig ulit ang boses niya. Dalawang buwan, dalawang buwan na akong naghihintay, nag-aabang sa kanya.
Dalawang buwan na siyang coma...
Hindi ko alam pero biglang tumulo ang mga luha ko,siguro kasi ako ang dahilan kaya ganito ang lagay niya ngayon.
