A/N:
Ayan na po, UD na. Hihi.
Sana po magustuhan niyo. :)))))))))))))))))
Nga pala, malapit na to matapos. Mga 5 chapters na lang siguro. Aruuuuuuu.
VOTE AND COMMENT
---------------------------------------------------------------------------------------------------------
Dumiretso ako agad sa bar pagkahatid ko kay Andrea. Gusto ko magpakalasing ngayon, gusto makalimutan kahit papano yung sakit na nararamdaman ko. Ang hirap, ang hirap pa lang hanggang kaibigan lang ang turing sa'yo ng taong mahal mo. Ang sakit lang na nandiyan ka naman palagi sa tabi niya pero iba pa rin talaga ang hinahanap niya.
Napagpasyahan kong maupo sa pinakasulok para na din walang umistorbo sakin, agad ko ding ininom yung binigay na alak sakin ng waiter at humingi pa ng isa. Halos makalimang bote na ako ng biglang may lumapit sakin at umupo sa upuan na nasa harap ko.
"Layuan mo na siya"
"Alam mong hindi pwede dahil iisa lang ang pinagtratrabahuan namin"
"Ilalayo ko siya sa'yo"
"Kung papayag siya, malapit niya kong kaibigan alam mo yun" Nakangisi kong sabi sabay inom ulit ng alak na hawak ko
"Alam ba niyang mahal mo siya?" Natigilan ako sa sinabi niya. Naalis ang mapang-uyam na ngiti ko at napalitan yun ng pagkunot ng noo ko.
"Tingin ko siya na mismo ang lalayo sa'yo pag nalaman niya" Dagdag pa nito. lalong napahigpit ang hawak ko sa bote.
![](https://img.wattpad.com/cover/5952902-288-k757815.jpg)