SWMGB 12 >>>> Mahal kita

62.5K 1.3K 78
                                    

"Andrea, teka lang" Habol ko sa kanya papasok ng bahay, alam ko nakita niya. Nakita niya kasi hindi naman siya iiyak ng ganun kung wala siyang nakita.  Napahilamos ako sa mukha ko at napasabunot sa buhok

"Andrea..." Tawag ko ulit sa kanya pero hindi niya parin ako pinapansin naglakad lang siya papasok ng kwarto niya pero bago pa siya makapasok hinawakan ko na agad yung balikat niya tapos niyakap siya ng mahigpit sa likod.

"I'm sorry.. Please let me explain" Bulong ko sa kanya, narinig ko siyang humikbi kaya lalong napahigpit ang yakap ko

"No need, I heard everything.." Sabi niya habang humihikbi   "Pero masakit kasing makita na-- na hinalikan mo siya"

"Andrea.. stop crying please" 

"M--MJ, okay sana kung siya ang naginitiate na halikan ka, pero hindi eh. Ikaw yung unang humalik"   May hinanakit sa tono ng boses niya, may naramdaman akong tumulong luha sa kamay kong nakayakap sa kanya

"I'm sorry, dala na din siguro ng awa at--"

"No, ayos lang yun. Nagseselos lang siguro ako" Putol niya sakin. Napangiti naman ako sa sinabi niya kasi alam ko kung gaano kahirap sa isang babae na aminin na nagseselos siya. Iniangat niya din ang mga kamay niya para punasan ang mga luha niya

"Kelan ka babalik ng Pilipinas?" Tanong ko, bigla naman siyang natigilan. Hindi pa rin kami naalis sa ganung posisyon

Sleeping With My Gay BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon