SWMGB 17 >>>> Sweet revenge

57.3K 978 23
  • Dedicated kay Wafemz
                                    

A/N:

Okay, kakapalan ko na po ang mukha ko haha. Sinong gustong magbasa ng one-shot story diyan? Click niyo po yung external link, first one shot story ko hahahaha, hindi ko po kayo pinipilit basahin medyo lang. Dejoke. :)

Sa mga nagpapaUD agad-agad pagkabasa ng kakapost ko lang na chapter, Kalma kalma din  po. Mahina ang kalaban, nasabi ko naman po na busy ako sa school diba? :) Oh ayan na po, nagUD ako kahit mid-term exams namin :))))

Okay, eto na po ang UD sana magustuhan niyo. :)))

 -------------------------------------------------------------------------------------------

"Pasalamat ka talaga at mahal kita" 

"Thank you" Sabi niya habang naghuhugas ng kamay.  Aba't!

"Nang-aasar ka ba talaga?!" Singhal ko, lakas makaubos ng pasensya

"Hindi kita inaasar, gutom na ko kumain na tayo" Sabi niya pagkatapos ay naghanda na siya ng mga plato. Sinerve ko na din yung niluto ko kani-kanina lang. 

"Bakit ganito?" Nakangisi niyang tanong

 "Tanong mo sa kamanyakan mo" Iritadong sabi ko, nawalan na ako ng gana kaya napagpasyahan kong bumalik na lang sa kwarto pero bago pa man ako makapasok sa loob nahigit na ni MJ yung kamay ko sabay yakap sa akin ng mahigpit

"Sorry" Bulong niya sakin sabay halik sa noo ko. Wala na pag ganitong nilalambing na ako ni MJ, agad nawawala ang inis ko. Ewan anong gayuma ang pinainom sakin ng lalaking ito at mawindang-windang ako sa presensya niya. 

"Kain na tayo" bulong niya ulit, tumango naman ako kaya hinila na niya ako pabalik sa kusina

Sleeping With My Gay BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon