Maaga akong pumasok...masaya ako at nakasulat ako ng panibagong artikulo para sa nalalapit na pag tatanghal ng ARTICLE sa aming pamantasan...agad ko itong ibabalita kay Cleo...
Nang makita ko siya...hmmm parang kakaiba siya...may sakit ba siya? Lalu siyang namutla...matamplay ang dating niya madalang siyang ngumiti at tumingin sa iba...may problema ba siya???
"Cleo...ayos ka lang ba?"
"Oo..."
"Ah....sumulat nga pala akong ng artikulo para sa performance niyo next week..."
"Ah salamat...."---Pumasok na siya sa loob ng silid aralan
Hmmm di talaga ako sanay na makitang napaka tamlay niya...bakit kaya??? nung huli kaming nagkita hindi naman siya ganito...anong ngyayari kay Cleo??? kakaiba toh ◕__◕
Hanggang sa matapos ang buong klase ay hindi niya ko iniimik...ang tahimik niya...hindi yata ito si Cleo??? nang lunch naman sabi niya saakin di daw siya makakasabay at marami silang gagawin sa grupo...wirdo siya hanggang sa mga sumunod na araw...
"Bhez!! nag away ba kayo ni Cleo???"
"Hindi naman noh...nagulat ako bigla nalang siyang nag iba..."
"Hmm...baka naman nag tatampo sayo??"
"Hala??? eh wala naman akong maalala na maling nagawa sa kanya..."
"Nako bhez!! meron yan...di ka niya pinapansin..."
"Ano ka ba lahat di niya pinapansin...."
"Bakit kaya???"
"Hindi ko nga din alam...natatakot akong kausapin siya...parang may mali eh...pero susubukan ko"
Sa mga oras na yun marami ng nagtataka tungkol sa kakaibang kinikilos niya...parang siryosong siryoso siya na hindi maintindihan??? pala ngiti at masigla ang Cleo na naging kaibigan ko...anung ngyari sa kanya? Nag way ba sila ng mga kagrupo niya??
AFTER NG KLASE ◕___◕
"Cleo...sabay ba tayo??"
"Ikaw na lang...kaya mo naman may paa ka diba?"
"Hmmm teka ano bang problema mo?"
"Wala...nandiyan sila Dea...si Yuan...sa kanila ka na mag pasama mula ngayon gaya ng dati mong ginagawa..."
"Cleo...teka nga ha? Ano ba talagang problemah!?"
"Kung meron man...wag ka na makialam..."
"Pero??"
"Wag mo nga akong pakialamanan...layuan mo ko...iwan mo kong mag isa..."---Nagulat ako sa hiyaw niya
"C-cleo???"
"Umalis ka na..."---tumalikod siya saakin
Umalis ako...umalis ako ng puno ng pagtataka...si Cleo??? sinigawan ako??? galit ba siya saakin??? hindi niya ko ginaganito...nakakagulat siya...nag bago ka na ba Cleo??? bakit??? Kung kelan nagiging masaya na ko pag kasama ka saka ka biglang nag iba.... ◕___◕
PAG UWI KO SA BAHAY
"Oy muka kang lantang gulay..."---Yuan
"Okay lang ako..."
"May problema ka...anu yun??"
"Si Cleo kasi...biglang...."
"Haysss Cleo nanaman...nitong mga nakakaraan wala na kong ibang narinig sayo kung di Cleo...Cleo...Cleo...Cleo...haysss panay Cleo na lang..."
"Eh...kasi..."
"Kyla umamin ka nga...may gusto ka na ba kay Cleo??? ano na bang meron sa inyo?"
"Ha..."
"Hindi ka mag kakaganyan sa kanya kung talagang hanggang magkaibigan lamang kayo.."
"Ah...Yuan...pasensiya nah...inaantok at pagod na ako...good night"--Sinara ko na ang kwarto ko
Sa mga oras na yun...di ko alam pero may bumabagsak na mga luha saaking mga mata...may nadadama akong kirot...bakit??? nasasaktan ba ako??? Mahal ko na nga ba si Cleo?? Pero...bakit ngayon pa kung kailan nag bago siyang bigla??? iba na ang kinikilos nitong mga nakakaraang araw...iba na siya.....
KINABUKASAN ◕__◕
Naglakas loob pa din ako na harapin siya ...kinakabahan ako pero...gusto ko siyang makausap kung bakit nag kakaganito siya...anong ngyari sa kanya???
"Cleo..."
(Tumabi ako sa kanya sa may upuan malapit sa lobbey ng school hotel pero agad siyang tumayo..)
"Pasensiya na may gagawin pa pala ako..."---Sabay alis
Teka umiiwas ba saakin si Cleo???Hindi ko maintindihan...galit ba siya saakin??? may nagawa ba akong masama?? hindi ko siya makausap ng maayos dahil umiiwas siya saakin...naguguluhan na ako sa mga ngyayari...
Hindi pumasok si Cleo sa ibang subjects namin...madalang ko na siya makausap...nakikita ko siya pagka dadaan ang grupo sa buong Campus dun lang...pero lagi na niyang kasama ang mga ito...hindi niya na ako kinakausap madalas gaya ng dati??? yung palaging masaya...naglaho na lang bigla ang mga ngiti ni Cleo...
"Bhez...layo ng iniisip mo ah....nakikinig ka ba sa mga sinasabi ng prof???"
"Tulala ka nanaman eh..."
"Nako...si Cleo nanaman yan..."
"Wag mo ng isipin ang tungkol dun Kyla...baka madami ang ginagawa sikat diba..."
"Sana nga yun lang ang dahilan..."
Haysss ewan ko...nang nagbago siya ...naging matamlay na din ako...yung bang parang lumulutang na lang ako...nakikisabay sa alon...iba ang pakiramdam ko...magkakasakit ba ko??
Gumagawa akong paraan upang malaman ang tunay na sitwasyon ni Cleo...lagi ko siyang sinusubay bayan...parang hindi na siya ang dating kilala kong Cleo...
"Kyla...."--Cleo
(Nagulat ako...napansin niya na sinusundan ko siya)
"Ah...Cleo...pasensiya na..."
"Kung maarari sana ay layuan mo na ko..."
"Ha??? bakit???"
"Mayabang ako hindi ba?? ayaw mo sa mayabang..."
"Teka..bakit mo sinasabi yan???"
"Ayaw mo saakin...wag mo pilitin....ang totoo ayaw ko din naman sayo...layuan mo na ako..."
Umalis na siya...nagulat ako sa mga salitang binitiwan niya...bakit?? pinapalayo niya na ako?? hindi na ba niya gusto na maging mag kaibigan kami?? bakit Cleo?? anong ngyayari??? Ang gulo...nakakapanibago si Cleo...
Tnx 4 reading pls.Vote ◕‿◕
BINABASA MO ANG
The Sacrifice
عاطفيةLahat tayo umaasang may FOREVER pero ang tanong may FOREVER nga ba talaga? lahat tayo gustong mabuhay ng matagal kasama ang mga taong malalapit saatin...yun nga lang everything will never last...lahat kasi ay may katapusan or yung PERIOD na tinatawa...