Chapter 4:

2.8K 72 1
                                    

Pagkatapos ng insidenting iyon ay hindi nagpakita pa si Joseph sa dalaga na ikinalungkot nito.

"Liziel, may naghahanap sayo!" ang sigaw ng FM.

Excited siyang lumabas kasi ang akala niya ay si Joseph ang naghahanap sa kanya.

"Nagulat pa siya ng isang grupo ng kalalakihan ang naghanap sa kanya.

"Hay! Liziel, dito ka sa tabi ko!" sabay hablot sa kanya ng isang may idad na.

"Dahan dahan lang ho, baka mapilayan ako."

"Napaka arte mo naman!" sabay pisil sa puwet niya na lalo niyang ikina irita. Pero wala siyang magawa dahil bawal makipag away sa mga kustomer.

Nilibang niya ang sarili sa pagsama sama sa mga kustomer niya at nawala na rin sa isip niya ang nakita niyang sulat.

Pati si Joseh ay pilit niyang inaalis sa isip niya. Subalit sadyang nagkaroon na ng parte ang binata sa puso niya na kahit mali dahil sa uri ng kanyang trabaho.

Mula din ng mawala ang matanda ay naging close sila ni Cora, at napa isip siyang tumigil
tumigil sa trabaho niya. Dahil nakikita niya kay Cora, na kaya nitong buhayin ang tatlong anak na hindi nagbibinta ng katawan.

Kaya nangako siya, na huling labas na niya, ito kasama ang lalaki tutal may naipon na siya, kakausapin nalang niya si Cora na magtayo na lang sila ng karinderya.

"Liziel nariyan iyong mga lalaki na ka teybol ninyo noon at kayong grupo parin ang rekwis nila."

"Sige, mamu nakapagpaalam na ako kay mang Douglash na huli ko na itong labas, at pumayag naman siya."

"Mabuti naman at naisip mo yan, tutal nag iisa ka nalang naman sa buhay, wala na iyong lola mong bruha." ang hindi napigilan ng bakla ang bibig.

Kahit papaano nasaktan si Liziel sa tawag ng bakla sa lola niya pero hindi na lamang niya ito pinansin.

"Girls ang niyo naman!" ang galit na wika ng mga lalaki.

"Tayo na mga pare, nakausap ko na si mang Douglash at bayad na kayo hanggang bukas ng gabi kaya puwede na tayong umalis at huwag na kayong umangal."

Nagtaka sila Liziel at g ibang girls, kasi hindi nila alam na magtatagal
ng isang gabi na hindi babalik sa beer house.

Nagulat sila sa kanilang naabutan dahil ang daming kalalakihan na naghihintay sa kanila at tatlong babae lang sila.

"Bumaba na kayo at ng masimulan na ang kasiyahan."

Nagsigawan ang mga kalalakihan na mukhang mga gutom sa laman.

"Liz, natatakot ako." ang bulong ni Sheryl na nanginginig na sa takot.

"Kami din Liz, sana hindi tayo sasaktan." ang sabi nina Bridal at Princess.

"Huwag niyong ipakita na natatakot kayo." ang bulong niya sa tatlong kasama.

"Ang bagal niyo naman!" halos napatalon sila sa sigaw ng lalaki.

Agad silang pumasok sa isang building at natakot sila sa kanilang nakita. Mga babaing nakatali habang nilalapastangan ng mga kalalakhan.

Doon sila lalong nakaramdam ng takot.

Wala kang ibang maririnig kundi mga hiyaw at pagmamakaawa ng mga kababaihan.

"Liziel?!"

"Mang Ruben, anong lugar ito?" ang tanong apat na parang nakakita ng anghel sa mga panahong iyon.

"Bakit kayo napasama dito? Kailangang makaalis kayo ngayon din, bago nila kayo
Tulongan niyo po kami mang Ruben." ang pagmamakaawa ng apat na dalaga.

"Sige, habang abala pa sila sa pot session nila dito kayo sa likod, bilis!"

Nagmamadali silang lumigid sa likod ng gusali at mabuti nalang at hindi sila napansin may nadadaanan silang mga babae na sa tingin nila ay patay na.

"Bilisan niyo, baka may makapansin na nawala kayo. Sino marunong magdrive?"

"Ako po." si Sheryl

"Andito sila bilisan niyo huwag silang pabayaang makatakas."

MAKASALANAN KA MAN (BOOK 3: ISANG DAKOT NA BIGAS) BY: SHENGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon