Finale:

4.2K 84 6
                                    

"Ano ba naman 'yan? Ang bagal niyo! Kanina pa naghihintay ang groom." ang sigaw ni Cora mula sa kabilang linya, habang minamanduhan sina Bridal.

Sinadiya nila na sina Sheryl at Bridal ulit ang sasama kay Liziel papuntang simbahan upang masira daw ang sumpa.

Iwan kung totoo ba iyon o, sadyang adik lang ang nagsuggest, na gano'n nga ang gawin at sinunod naman ng mga adik din.

"Patapos na kami, kaya puwede ba, relaks lang kayo. Kami tuloy ang natataranta sa inyo." ang sagot ni Sheryl.

"Basta ingat sa pagda drive." ang bilin pa nito.

"May driver po, at hindi kami kasama sa bridal car at isa pa, ang lapit lang naman, kita ko nga iyang tiyan mo na malaki."

"Ako na naman ang nakita mo. Kayo na ang may asawang active."

"Nang-inggit pa talaga. Sige lang tutal malapit na rin kami ng Edward ko."

Hindi pa nga sila tapos mag usap ni Cora ay nagulat nalang sila ni Liziel at ng isang make up artist dahil bigla nalang pumalahaw ng iyak si Bridal.

"Ano ang nangyayari d'yan ang sigaw ni Cora, na nataranta na rin dahil sa narinig na sigaw sa kabilang linya.

"Wala, itong si Bridal nagmamaktol kasi siya nalang daw ang wala pang asawa, e, malapit na daw siyang magmenopaus, wala man lang daw mangangalabit sa kanya." ang natatawang kwento ni Sheryl sa kausap na hindi rin napigilan ang mapahalakhak.

"Sige, pagtawanan niyo ako at kapag may nakita akong lalaki paglabas ko ay aayain ko agad ng kasal.

Pagkatapos ng biruan, at tawanan ay umalis na sila ng hotel room at pumunta na ng simbahan.

Habang nauna ang bridal car ay nakasunod naman sina Sheryl na naglakad lang.

"Sis, nakita mo ba si Liziel parang kinakabahan." ang wika ni Sheryl.

"Napansin mo rin pala? Akala ko, ako lang ang nakapansin." ang sagot naman ni Bridal.

Mula kasi ng may nangyaring trahedya sa pamilya nila, dahil sa kagagawan ni Cherry mae, ay lagi nalang itong nalulungkot. Kahit lahat sila ay excited sa gaganaping kasalan. Dahil sa wakas ay magaganap na ang kanyang inaasam na kasalan. Ang makasama na ang lalaking kanyang minahal at tumanggap sa kung sino siya.

Pababa na siya ng kotse ng biglang may lalaking lumapit sa kanya at lahat na nando'n ay nagulat dahil si Albert ang lumapit at alam ng lahat na nangliligaw ito sa dalaga.

"Ano ang kailangan mo?" ang nagulat na si Liziel.

"Ano ba ang kailangan mo Albert? Kita mo nga na ikakasal na siya." ang taray ni Bridal sa binata.

Biglang lingon ni Albert kay Bridal at para itong namagneto at walang salita ay ito ang nilapitan at unti unting naglalapit ang kanilang mukha.
Wala na silang pakialam sa paligid nila.

Hindi na nila napansin na sila nalang pala ang tao sa labas ng simbahan dahil ang lahat ay sumunod na sa pagpasok ng bride.

Habang kumakanta ang singer ay naglalakad sa isle na nakangiti at napakaganda nito sa kanyang suot na traje hindi mo akalain na nasa med thirties na ito.

Maging binata man na nakatayo sa harap ng altar na naghihintay sa kanyang bride to be ay napagwapo din at machong macho sa suot na barong tagalog.

Maging ang mga brides maid ang ganda sa suot na dress. Maging ang maid of honor na si Sheryl ang ganda din nito habang inaalalayan ang bride sa gown nito.

Nagsimula na ang marcha at ang huling lumakad sa aisle ay si Liziel, ang ganda talaga nito. Samantalang si Joseph ay halos ayaw alisin ang mga mata sa dalaga dahil baka may e-eksina na naman.

gusto na niyan salubungin ang dalaga para matapos kaagad ang kasal. Pero parang pinaglaruan talaga ng kapalaran dahil lumindol ng magnitude 2, mga halos dalawang minuto din tumagal. Mabuti nalang kamo at hindi nagpanic ang mga bisita.

Tumuloy na sa paglakad si Liziel papuntang altar kung saan nakatayo ang kanyang nakapagligtas mula sa makasalanang mundo.

Kahit lahat ay tumutol pati na ang kalikasan ay handa silang sumuong upang magkaroon ng katuparan ang kanilang pag iibigan.

"Akala ko, hindi na talaga matuloy ang kasalang ito." ang bulong ni Liziel sa mapapangasawa.

"Sa palagay mo kaya ay papayagan kong mangyari iyon? No way mahal." sabay halik sa kamay ng nobyo habang nakaharap sa pari na magkakasal sa kanila.

Ilang minuto din bago matapos ang sermon ng pari at sa wakas ay ipinahayag na, na sila ay mag asawa na sa hirap at sa ginhawa, sa sarap at sa sakit. Tanging si kamatayan lamang ang makakapaghiwalay sa kanila.

~~~

"Joseph...! Walang hiya ka talaga, ang sakit! Aray ko po..! Hindi ka na talaga makaulit..!" ang patuloy na sigaw ni Liziel mula sa delivery room. Ipapanganak niya ang kanilang panganay ni Joseph.

Maging si Bridal din sa kabilang hospital ay kasalukuyang nagli labor sa anak nila ni Albert. Kasi mula ng magkita silang muli ay hindi na niya pinawalan ang binata.

Si Sheryl ay patuloy parin sa pakikipaglaban sa mga karibal sa kasintahang pulis.

Pero kapag kayo talaga ang nakalaan sa isa't isa ay ang tadhana ang gagawa ng paraan upang magkatotoo ang lahat.

Namuhay silang masaya lahat, paglipas lang isang taon ay nasa delivery room ulit si Liziel sumisigaw na hindi na makakaulit si Joseph.

MAKASALANAN KA MAN (BOOK 3: ISANG DAKOT NA BIGAS) BY: SHENGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon