Chapter 3:

3.2K 73 7
                                    

Isang umaga habang binalikan ni Liziel ang mga gamit ng kinikilalang lola ay, may nakita siyang dalawang sulat ang isa para sa kanya at isa ay walang pangalan at halos hindi na natapos.

"Ito siguro ang dahilan kaya inatake si lola." ang binubuksan ang sulat. Sisimulan na sana niya itong basahin, ngunit may dumating na bisita.

"Tao po..." ang ni Joseph.

"Ikaw pala ang aga mo naman?"

"Yayain sana kita mamayang gabi, birthday ng lola ko, kaso wala akong date. Puwede ba?"

"Pero, nakakahiya baka ano ang sabihin nila, alam mo naman ang trabaho ko di ba?"

"Liziel, kaibigan kita, kaya huwag kang mag alala."

"Sige, kung mapilit ka, hindi kita tatanggihan."

"Salamat Liziel." sabay halik sa pisngi ng dalaga na ikinagulat naman ng huli.

Pagkadampi ng mga labi nito sa pisngi niya ay pakiramdam niya ay nag iba ng kulay ang mundo, iba ang halik ng binata may pag galang ito. Iba sa mga naranasan niya na halos masusuka siya kahit
hinahawakan lang siya ng mga gutom sa laman.

"Hoy! Bakit ka nakatulala riyan?" ang kaibigan niyang si Loraine na mali mali.

"Kanina ka pa riyan?"

"Oo, naman siya nga pala nasalubong ko iyong Prince charming mo sa labasan at nakangiti sa akin. Kaya ikaw huwag mo na pakawalan pa, baka maagaw ko siya sa'yo?" hirit ni Loraine.

"Sige, subukan mo lang at ibabaon kita sa pusali."

"Baon talaga? Basta ba dalaw dalawin mo ako ayos lang."

"Iwan ko sayo! Napasyal ka friend?"

"Siyempre para sabihin sa'yo na may raket ako bukas, baka gusto mong sumama."

"Anong oras ba iyan?"

"Mga 7pm, kasi birthday party iyon at kailangan ng clown, alam mo naman ang business namin."

"Sige, sasama ako kapag hindi ako tinamad."

"Sigurado ka friend ha?"

"Oo naman, ikaw pa!"

Pagkatapos ng usapan ng magkaibigan ay umalis na rin ito.

~~~~

"Ready ka na ba?" ang tanong binata habang papasok sila sa bulwagan ng isang sikat na hotel.

"Kinakabahan ako, baka may makakilala sa akin." ang sagot ng dalaga.

Pagpasok sa loob ay halos
hindi magkamayaw ang mga bisita sa pakikipag usap tungkol sa negosyo, at iyong iba ay pinag uusapan ang kabit ni kumpare at ni kumare.

Mayron pang sinusuri ang suot ni kumare kung bongga ba, at kung sino ang social climber.

Lahat ng tao nakatingin sa kanila dahil ang apo ang taga pagmana ng mga Mangkikis ay dumating at may kasamang isang napakagandang dilag.

Napakaganda kasi ni Liziel sa kanyang simple, little black dress. Sa hubog pa ng katawan at kung sino man ang makakita sa kanya ay aakalaing isa siyang super model.

"Are you okay?" ang tanong ng binata ng makita nitong uneasy ang dalaga.

"Kinakabahan ko. Baka puwede na akong umalis?"

"Don't be, please." ang bulong ng binata habang hawak ang kamay niya.

Nang maramdaman ng dalaga ang mainit na hininga ng binata na dumampi sa tainga niya ay andun na naman iyong pakiramdam na hindi niya maipaliwanag.

"Huwag mo na silang pansin, halika at lalapitan natin si lola, kanina pa iyon naghihintay sa atin."

Hindi na lang siya kumibo ng akayin siya ng binata
palapit sa birthday celebrant.

"Happy birthday lola!" sabay halik sa pisngi ng abuela.

"Salamat hijo. Siya na ba ang sinabi mong kasintahan mo? Siya ba si Penelope?"

Nang marinig ng dalaga ang pangalang binanggit ng lola ng binata ay pakiramdam niya ay tinusok ng karayom ang puso niya.

"Hindi po lola, siya si Liziel ang aking date." sabay pisil sa kanyang palad.

"Happy birthday po." ang nahihiyang bigkas niya.

"Salamat hija. Sige kumain na kayo hijo at lalapitan ko pa ang ibang bisita ko."

"Ang kanyang lola kahit sa idad na 79 ay malakas parin ito.

"Sige lola, ako na ang bahala sa sarili ko at happy birthday ulit."

Samantalang may kanina pa pala nakatingin sa direksyon nila Joseph.

"Kumare, happy birthday!" ang bati ng kanyang matalik na kaibigan si Doña Emerald.

"Salamat mare at pinaunlakan mo ang aking imbitasyon na dumalo sa aking kaarawan."

"Ano ka ba naman mare, tatanggihan ba naman kita."

Nagkuwentuhan ang dalawang matanda, at ang tungkol sa kanilang kabataan at ang saya nila akalain m
o na kung gaano nalugmok ang mga ito dahil sa isang trahedya na pilit kinalimutan ng bawat isa.

"Lola, sino po iyong kasama ni Joseph?" ang galit na tanong ni Cherry mae.

Nagulat ang dalawang matanda dahil sa inakto ng dalaga.

"Ano ka ba naman Cherry mae, hanggang dito magmamaldita ka?" ang galit na si Doña Emirald.

Parang napahiya ang dalaga at tumalikod na ito.

"Iwan ko ba sa mga magulang ng batang iyan, hindi man lang nadisiplina, kung buhay lang sana si Emerald, siguro napakabait niyang apo." ang wika ni Doña Mangkikis.

"Iyon na nga mare, lahat ng kakilala kong private investagator ay wala rin silang makuhang bakas ng babaing iyon na tumangay sa apo ko." ang maiiyak n si Doña Emirald.

"Huwag kang mag alala may awa ang Diyos at alam kong babalik siya kung saan siya nagmula at sana maayos ang buhay niya." ang pang aalo ni Doña Mangkikis.

"So..! Pinagpalit mo lang pala ako sa isang pokpok?!"
si Cherry mae, habang palapit sa dalawa.

"Cherry mae! Stop it!"

"Bakit nahihiya ka na ang isang
isang tulad mo na isang sikat na lawyer ay pumatol.sa pokpo!"

Hindi na nakatiis si Liziel sa hiya dahil pinatitinginan na sila ng ibang bisita ay kumaripas na siya ng takbo at hindi na niya tinitingnan kung sino man ang mabangga niya.

MAKASALANAN KA MAN (BOOK 3: ISANG DAKOT NA BIGAS) BY: SHENGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon