Chapter 12:

2.7K 58 0
                                    

Pagkabukas ng pinto, isang pumpon ng mga bulaklak ang bumungad sa kanya at ang nakangiting binata.

"Ano ang ginagawa mo rito at bakit alam mo ang adris ko? Huwag mong sabihing sinusundan mo ako?"

"Hindi naman, marami akong koneksyon kaya huwag ka ng magtanong pa. Kaya puwede ba papasukin mo na ako at marami akong dala rito at nangangawit na ako." sabay kindat sa kanya nagpakilig sa kanya.

Hindi na siya nakipagtalo pa, niluwagan niya ang pinto upang makapasok ang binata habang dumirtso ito sa kusina dala ang mga pinamili nitong pagkain.

"Bakit ka pa nagpunta rito? Baka magalit ang asawa mo?"

"Koreksyon, wala pa akong asawa at wala akong ibang gustong maging asawa, kundi ikaw lang." ang wika ng binata na kahit alam ng dalaga na biro lamang ito ay pumitlag ang puao niya.

"Ano ka ba nagbibiro lang ako ay namumula ka na riyan. Baka gusto mo na totohanin nalang natin." hindi iyon tanong kundi deklarasyon.

"Iwan ko sa'yo! Diyan ka na nga at may gagawin pa ako." agad siyang lumabas ng kusina at pumasok sa kanyang kuwarto kasi naasiwa siya ang igsi kasi ng suot niyang short at naka sando lang siya at walang bra.

"Ano ka ba, bakit hindi ka kumatok?" naabutan siyang magbibihis na sana.

"Kumatok ako at hindi ka sumagot kaya ang akala ko nakatulog kana. At iniwan ako sa sala mo."

"Lumabas ka na nga doon at magbibihis pa ako!" ang kunwari ay galit upang itago ang hiyang nadarama niya at baka ano pa ang iisipin ng binata sa kanya na nakahubad pa sa harapan nito.

Subalit hindi man lang kumilos ang binata, dahil nabighani ito sa tanawing nasa kanyang harapan na kay tagal niyang pinanabikan.

Maging ang dalaga ay hindi naalis ang mga mata nito na nakatitig din sa mga mata ng mata at ano iyong nakita niya. Pananabik at hindi niya namalayan na nakalapit na pala ito sa kanya.

"Ano ang ginagawa mo." ang may nginig na tanong ni Emerald sa binata.

"Hush! I really missed you honey." ang wika ng binata sa tainga ng dalaga.

"Ano ang ginagawa mo?" ang tanong niya na walang lakas ang boses dahi sa damdamin na lumokob sa kanya.

Hindi na sila nagpigil pa ng damdamin, para silang may hinahabol at hindi na nila naisip na magsara ng pinto dahil nagmamadali silang naghahalikan at halos mapugto na ang kanilang hininga at halos lahat ng damit ng lalaki ay mapunit na sa pagmamadali ng dalawa sa sobrang pananabik sa isa't isa.

Pagkatapos ng isang nakakaliyo na kaganapan ay nagpapahinga ng sandali at humirit nanaman sila.
Nakatulog na sila at nagising sila sa doorbell.

Ang unang nagising ay ang binata at siyana ang bumangon at nagtapis lang ng tuwalya.

"Ano ang ginagawa mo rito?" ang gulat na tanong ni Albert Zobel. Ang sama ng tingin nito sa kanya dahil nakatapis lang ng tuwalya at halatang bagong gising.

Hindi pa ng tapos magsalita ang dalawa ay biglang bumungad si Emerald.

"Sino ang dumating?" si Emerald na naka roba lang at gusot ang buhok.

Lalong nanlaki ang mata ng kanyang hindi inaasahang bisita.

"Magkakilala kayo?" ang nagulat na si Albert.

"Oo at ikakasal na kami." sabay kabig sa dalaga at hinalikan sa harap mismo ng kanilang hindi inaasahang bisita.

Lalo pang nagulat si Albert dahil sa ginawa ng dalawa sa harapan niya.

Dahil napahiya siya ay umalis nalang ito na hindi na nakapagpaalam pa.

"Honey, wala na ang bisita natin." ang bulong niya sa dalaga na nakalambitin pa sa kanyang batok.

"Alam ko, kaya nga ayaw ko n tumigil eh!" ang sagot ng dalaga sa pagitan ng pakikipaglaplapan pa.

"Gusto ko 'yan. Pero talaga bang hindi mo pinapunta dito iyong mestisong bangus na iyon?" ang hindi mawala ang selos.

"Hindi nga po." Siya kumain na nga muna tayo at gutom na ako.

"Sige, iinit ko na lang muna iyong dala kong pagkain."

Doon na rin natulog ang binata at hindi naman tumanggi ang dalaga. Napagdisesyonan nila na magsasama muna sila at kung pareho na silang handa ay saka na sila mag usap tungkol sa pagpapakasal.

~~~~~

"Hija, totoo ba ang sinasabi mo na magsama na muna kayo ni Joseph? Kasi bakit hindi pa kayo magpakasal, tutal matatanda na kayo?" ang wika ng matanda.

"Lola, may mga plano pa po kami na gustong matupad at nangako naman kami na kung kami talaga darating nalang kami sa punto na magpapakasal na."

"Sige apo, kung iyan ang plano ninyo. Pero kung ano man ang plano ninyo a hinaharap ay andirito lang ako."

"Salamat po lola." at nagyakapan ang dalawa bilang basbas ang kanilang plano ni Joseph.

At ang tanging dasal niya na sana hindi magtatagal ay yayain din siyang pakasal ng binata at kapag dumating ang araw na iyon ay siya na ang pinakamaligayang araw sa buhay niya.

MAKASALANAN KA MAN (BOOK 3: ISANG DAKOT NA BIGAS) BY: SHENGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon