Chapter 16:

2.7K 49 5
                                    

Lahat ng naksaksi sa mga pangyayaring iyon ay kinilabutan, lalo pa at ng ilabas ang sakay ng kotse ay lupaypay na at naligo ng sariling.

Hindi mo na talaga aasahang may mabubuhay pa. Dahil na rin sa hitsura ng sasakyan na parang pinitpit na lata ng sardinas dahil sa malakas na pagkasalpok nito sa poste ng Meralco.

Samantalang sina Sheryl ay halos hindi makapaniwala dahil sa kanilang nasaksihan, na iyong kotse na bumundol sa kanila ay sumalpok sa poste.

Dahil ng ipaharurot ni Sheryl ang kotse ay sinundan parin sila. Mabuti nalang at naiwasan niya ng paparating sa kanila at ito ang sumalpok sa poste.

Natauhan lamang sila ng katukin sila ng pulis. Saka pa lang nahimatay ang tatlo at hindi na nila namalayan kung ano na ang sumunod na kaganapan.

Nagising nalang sila sa isang silid na puti ang pintura at amoy gamot ang hangin.

Naunang nagising si Bridal. At ng makita niya ang nasa kabilang kama na nakatalukbong ng puting kumot ay nagsisigaw na ito.

"Sheryl....! Liziel....! Bakit iniwan niyo ako, napakadaya niyo!" Bangon kayo d'yan." at umiyak na siya ng umiyak ng ikinagulat ng mga tao sa labas. At para itong mga baka na nakawala sa kural dahil biglang hugos papasok sa kwarto ng tatlong magkaibigan. Napagdisesyonan na lang kasi na h'wag na silang paghiwalayin ng isugod sila sa hospital ng mawalan sila ng malay.

"Ano ang nangyari sa apo?" ang tarantang tanong ng matanda kay Bridal na nagtatarang.

"Iniwan na po nila tayo lola at hindi ko mapatawad ang sarili ko dahil ako lang ang nabuhay." at itinuloy talaga ang pag iyak ng dalaga.

Samantalang sina Sheryl at Liziel ay nagising pala dahil sa sigaw ni Bridal at dahil magkatabi ang kama nila ay nakaisip sila ng kalukuhan.

"Bakit mo kami pinatay Bridal... Isasama ka namin..." ang sabay na panakot ng dalawa na lalong ikinaputla ni Bridal.

Samantalang sina Cora ay natatawa nalang sila dahil sa ginawang pananakot ng mga ito kay Bridal na hindi na maintindihan ang gagawin.


"Patawarin niyo ako, Liziel at Sheryl. Kaya p'wede na kayong manahimik, pangako hindi ko kayo makakalimutan, mananatili kayo sa puso ko. Kaya please lang...."
Hindi na natapos ni Bridal ang sasabihin dahil nagtawanan ang mga nasa paligid niya.

"Hahah... Bridal ano ang nangyari sa'yo? Patawarin niyo ako, hindi ko kayo malilimutan. Hahaha." ang pang aasar ni Sheryl.

"Lagi kayo dito sa puso ko. Hahaha.." ang susog din ni Liziel.

"Hindi kayo patay? Salamat naman sa Diyos. Pero bakit niyo ako niloloko."

"Ikaw kaya itong nagsisigaw. Kita mo nga ang mga tao sa paligid natin." ang wika ni Liziel.

Nang igala ni Bridal ang kanyang paningin ay napahiya ito dahil lahat ng andun ay sa kanya nakatingin. Dahil sa kahihiyang inabot ay ito naman ang nagtalukbong.

"Hoy! Ano ang ginagaw mo d'yan?" ang wika ni Sheryl na hindi mapigilan ang matawa dahil sa inasal ng kaibigan.

Pero nagpasalamat siya sa Diyos dahil nakaligtas sila sa kapahamakan, at hindi siya maaaring magkamali si Edward iyong nakita niya kaninang bumuhat sa kanya ng mawalan siya ng malay.

'Lalong gumuwapo ang gago.' ang bulong niya sa sarili at dahil bigla siyang natahimik ay sa kanya natuon ang tingin ng lahat.

Lalo pa at may pumasok na pulis sa Captain Edward Perez. Dumiretso ito sa kama ni Sheryl at hinalikan ito sa pisngi na lalong ikinanganga ni Bridal.

"Ikaw iyong lalaking nanakit sa kaibigan ko? Ang kapal ng mukha mo! Sheryl? Sampalin mo bilis! Pagkatapos ka niyang paasahin ay ito siya bigla nalang magpapakita!" hindi na napigilan ni Bridal ang sarili at nasampal niya ang binata.

"Bridal, tama na sis. Ako na ang bahala sa kanya." ang wika ni Sheryl.

Hindi natapos ang araw na hindi nagkaliwànagan ang lahat at maging ang pagtatangka sa buhay ni Liziel. Si Penelope at Cherry mae namatay ang mga ito. Dahil sa lakas na impact ng pagkakasalpok nila sa poste ng meralco.
~~~~

Pagkatapos ng mga naganap na trahedya ay napagkasunduan na ipagpaliban muna ang engagement surprise party. Pero hindi na surprisa para wala ng aberya.

Nakapagpaliwanagan narin sina Sheryl at Edward napag usapan nila na kalimutan na ang nakaraan at simulan ang lahat sa pagkakaibigan.

MAKASALANAN KA MAN (BOOK 3: ISANG DAKOT NA BIGAS) BY: SHENGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon