Chapter 15:

2.5K 49 4
                                    

"Kinakabahan ka ata pare?" ang wika ni Britt sabay tapik sa kaibigan.

"Ang tagal nila kasi at baka nabisto na, kaya hindi tumuloy si Liziel." ang sagot ng binata na hindi maitago ang nerbiyos.

"Paano niyon malalaman ang plano mo, e, ang pagkakaalan niya wedding anniversary naming mag-asawa. Kaya puwede ba relaks ka lang."

"Pero talagang kinakabahan ako. Sana walang nangyaring masama sa kanya." hindi talaga maintindihan ng binata kung bakit siya kinakabahan.

Kahit nakausap na niya sina Sheryl at Bridal ay nakaramdam pa rin siya ng takot.

"Cora, hindi mo ba tinawagan si Liziel? Wala pa kasi sila?" ang tanong ni Joseph.

"Kakausap ko lang kay Bridal at papunta na sila, kaya relaks ka lang ha. Ikaw kasi masyadong atat." ang biro ni Cora.

~~~

"Bridal, puwede mo bang bilisan ang pagmamaneho? Late na po tayo." ang utos ni Sheryl.

"Kita mo na ngang matrapik, kung makapag utos ka diyan. Ikaw na lang kaya ang magdrive." ang angal ni Bridal.

"Ayaw ko nga! Baka matulad pa noong tumakas tayo sa mga demonyong iyon."

"Naalala mo pa iyon?" paano makakalimutan iyon ni Sheryl. Ang araw na iyon niya nakilala ang lalaking ang akala niya ay tunay na magmamahal sa kanya at tatanggapin kung sino talaga siya. Iyon pala ay isang panlilinlang lamang upang makuha ang kanyang tiwala.

Na pilit na niyang ibinabaon sa limot. Subalit para itong sirang plaka na paulit ulit na tumutugtog sa kanyang ala-ala.

Bigla nalang silang napahinto ng may bumanggang kotse sa kanilang likuran at alam nilang sila ang puntirya dahil kanina pa ito napapansin ni Bridal mula ng umalis sila sa Condo ng magnobyo.

"Ingat ka Bridal baka, mabangga tayo. Pilitin mo silang iwasan." ang sigaw ni Liziel na hindi maintindihan, kung bakit maynagtangkang bumangga sa kanila.

"Sheryl! Ikaw nalang ang magmaneho, palit tayo!" ang sigaw ni Bridal habang pilit na iniwas ang minamanehong kotse sa mga sinusundan.

"Ano ba ang nangyayaring ito." si Liziel na takot takot dahil alam niyang ayaw pa niyang mamatay.

"Bridal, may baril ako diyan sa bag ko, kunin mo at pamutukan sila."

"Bakit ka may baril ka Sheryl? At para saan ito?" ang di makapaniwalang sina Liziel at Bridal.

"Mamaya na kayo magtanong ang mahalaga makaligtas tayo."

Napasigaw na namn sila dahil sa sunod sunod na pagbangga sa kanilang kotse.

"Naalala mo ba iyong ginawa mo Sheryl noong tumatakas tayo? Ganon din ang gawin mo diinan mo ang busina, dahil mahirap na, di pa nga nakapagpropose si Joseph ay biyudo na." ang sigaw ni Bridal.

Napahinto sila dahil sa pagharang ng itim na van, na may sakay na mga lalaki na nakamaskara at kargado ng armas.

"Ano ang gagawin natin, ngayon?" ang natarantang sina Bridal at Liziel.

"Huminahon kayo at ako ang bahala basta Bridal iyong baril ko, hawakan mong mabuti at yumuko kayo at ako ang bahala."

"Kapag sinabi ko na putok! Gawin mo Bridal, ako bahala sa manobela, tutal nakakaagaw na tayo ng atensyon hindi na tayo, malalapitan." ang kinakabahang si Sheryl pero, pinilit niyang magpakatatag dahil siya lang ang maaasahan ng kanyang mga kaibigan at kinakailangan na makakarating si Liziel sa kanyang engagement party na kahit anong mangyari. Kaya ang ginawa niya ay sinuong ang mga lalaking papalapit sa kanila at walang alinlangang, sinagasaan ang mga ito.

At dahil sa sobrang bilis ay hindi na naharang ang kanilang sinasakyan at hindi na rin sila hinabol pero hindi napansin ni Sheryl na babangga sila sa isang, poste ng ilaw at bumaligtad ang kotse.

At kung sino man ang sakay sa kotse ay hindi mo aakalain na may mabubuhay pa dahil para itong lata ng sardinas na pinitpit.

MAKASALANAN KA MAN (BOOK 3: ISANG DAKOT NA BIGAS) BY: SHENGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon