4 "Welcome back Bespren"

29 1 0
                                    

Chapter 4

Xyrah's POV

"Tok....ching...tok..." (tunog ng tinidor na tinutusoktusok sa karne.)

"Nakakawalang gana naman oh!!"

Sabi ko sabay tusok-tusok sa karne. Bat naman kase ang mahal mahal neto pero wala naman akong malasahan.

"Subukan ko nga tong isa." tas sinubo ko yung isang ulam na gulay.

"Pwew!!" sabay luwa nung pagkain.

"Ang pait!!" (Malamang mapait, kailan pa ba naging matamis ang ampalaya?!)

Che!! tumahimik ka dyan nakakawalang gana ka eh! (talking to sarili...)

Nagiging hobby ko na ang magsalita sa sarili ah... Naku masama to...

"Aray!!!"ako

"Oh! Sorry, nandyan ka pala? Akala ko walang tao eh.."tapos nilagpasan na nya ako tsaka tumawa ng malakas kasama yung mga kaibigan nya.

Bwiset na Dennise yan!!! Binangga pa talaga ako kahit nakaupo na. Grabeh!! Malabo na siguro mga mata nun kaya nangbabangga na nang taong nakaupo. Mabulag sana sya!

Mga wala talagang magawa sa buhay. Eh kung atupagin nalang kaya nila yung pag aaral kesa mambwiset ng ibang tao. Tsk,tsk,tsk. Pinagpatuloy ko na lang yung pagkain ko. Pero habang kumakain, parang kanina ko pa nafefeel na may nakatingin talaga sakin eh.

Kaya nagtingin-tingin ako sa paligid, baka sakaliy may makita akong kakilala na naghahanap sakin o di kaya stalker? Stalker?! Aish!!! Naalala ko tuloy yung nangyari kanina. Bwiset! Okay Xyrah, wag ka munang magflash back ngayon, gusto ko munang kalimutan yung mga... Ahh tama na, siguro gutom lang yan Xyrah. Kaya kumain kana okay.

Susubo na sana ako sa aking huling subo nang biglang may nakita akong pamilyar na mukha. Parang kilala ko sya ha. Pero hindi ko matandaan kung saan ko sya nakita eh. Kaya nagkibit balikat lang ako. Hindi ko naman sya kilala eh. Sinubo ko na yung huling subo at... Tada.... Tapos na akong kumain kahit walang gana. Hehe

Pero.... "Sino ka?" tanong ko sa walang hiyang babaeng bigla nalang umupo sa harap ng mesang kinakainan ko. Hindi nya ba alam na may tao na sa table nato. Pero hindi naman sa nagiging selfish ako ha pero kasi ang sama nang tingin nya sakin kala mo kakainin nya ako nang buhay. O di kaya gusto nya akong paalisin dito sa mesang to dahil pwesto nya to. Hoy babae, ako kaya nakauna dito, walang pwesto-pwesto noh.

Pero ayaw nya talaga papigil at binigyan nya pa talaga ako ng death glare. Kaya tinaasan ko sya ng kilay. Ay anu ba yan nagiging mataray na tuloy ako pero thanks kay Ally dahil tinuruan nya akong maging matapang. Kahit tinaasan ko na sya ng kilay, ginaya nya pa ako. Anu to salamin game. Kaya ayun dahil wala ni isa sa amin ang kumukurap, ilang minuto din kaming nagtitigan. At sa wakas binasag nya rin ang katahimikan, as in basag na basag.

"Nakakainis ka talaga Mae Mae!!!" sigaw niya.

Lahat ng tao sa paligid namin biglang lumingon, pati yung mga kumakain napahinto rin. Okay pinagtitinginan na kami ng mga tao rito. Kala mo parang tumigil yung oras dahil sa ginawa ng babaeng to. Nakakahiya talaga!!!

Buti nga at napansin din ng babaeng to ang ginawa nya at bilang tumayo at...

"Ano??!!!" sigaw niya sa mga taong nakatingin sa amin at nakamataray mode.

Biglang nagsibalikan sa kani kanilang ginagawa yung mga studyante at yung si kuya janitor na kanina ay naglilinis na biglang tumigil ngayon bumalik na sa ginagawa nya at sumisipol sipol pa. Aba kuya ha, nakikichismis ka pa ha.

Pero ako... 0_0 ganyan ang itsura ko sa ginawa ng babaeng to. Like hey, sinong hindi magugulat sa ginawa niya. Napakaamzona nya, at wala pa sa itsura nyang napakaamo ng mukha. Pagkatapos nun binaling nya ulit ang atensyon sakin.

"And, where are we?" kalmado niyang tanong. Sabay tingin sakin nang diretso.

Napalunok naman ako ng di oras.

"Sino ka ba?" tanong ko.

"Hindi mo ako kilala? Sa ganda kong toh di mo na ako nakilala?" tanong nya sabay beautiful eyes.

" Hindi." tipid kong tanong

" Ano! Hindi ako maganda!?" hesterical nyang sigaw

" Naku hindi! Ibig kong sabihin hindi kita makilala. Pero maganda ka." paliwanag ko sa kanya kasi halos lumuwa yung mata niya kanina sa reaction niya eh.

At ngayon naman parang kumikintab yung mga mata.

"Talaga Mae Mae!!!" tuwng tuwa nyang sagot.

Anu daw? Mae mae? Bakit nya ako tinawag na Mae Mae. Eh iisang tao lng naman ang tumatawag sakin ng Mae Mae kundi yung bestfriend ko na nasa Amerika ngayon.

Tinignan ko naman sya mula ulo hanggang paa. Talaga bang si Ally ang kaharap ko ngayon at hindi isang mestizang hilaw. Kase yung itsura niya eh medyo blond yung buhok na nakalugay lng, tapos walang eye glasses, at ang ganda ng pustura. Di naman ata ganito best friend ko eh.

"Anu Mae Mae, naalala mo naba ako?"tanong nya ng nakakaloko.

Medyo kumonot naman yung noo ko sa sinabi niya. Pero nabigla ako sa sunod niyang ginawa.

Lumapit sya sakin at tsaka may binulong sakin...

"Lee min ho, you're ultimate crush..."

Pagkasabi nya nun, nabalik lahat ng memories ko na kasama si ally habang nanunood kami ng sikat na teleserye na korean, at kada may esksena si Lee min ho ay panay ang sigaw namin sa kilig. At tanging si Ally lang ang nakakaalam tungkol sa crush kong artista. I do even have some posters of him in my room and memorabilia stuff ng BOF. Yay!! Ikaw nga talaga ang best friend ko Ally!!

"Talaga? Ikaw si Ally? Weh? Eh pangit kaya yun si Ally." sabi ko na may halong pangaasar sa tono.

And as expected sinigawan na naman niya ako with pouty face.

" Mae Mae!!! Nakakainis ka talaga kahit minsan!!!" bago pa sya magwalk out ay sinugud ko na sya ng isang malaking yakap. I do really miss this brat. Akalain mo pumunta lng ang amerika para magpaganda at pagbalik dito e di ko na makilala.

" I miss you Mae mae!!! "Sabi nya habang nakahug parin sakin

" Miss din kita Ally!!!" at para kaming mga baliw na nagtatalon talon habang magkayakap kami.

Mga ilang segundo din kaming ganun kaya sinabihan ko na sya.

"Marami pong tao dito sa canteen kung alam mo lng." bulong ko sa kanya.

" Wala akong pakialam!!" sagot nya kaya para tumigil sya...

" Chansing ka na dude, wag masyadong malapit hahalikan kita dyan." asar na bulong ko.

Kayaautomatic naman syang lumayo sakin sabay sabing "Eeww!!!, wag ka ngang ganyannakakadiri ka eh." hehe yan ang depensa ko sa kanya kapag masyado ng mahigpitang mga yakap nya na halos mawalan ka na ng hininga.


My Damsel Princess (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon