5 "Manyak!"

33 1 0
                                    

Flashback....

Xyrah's POV

"Gising ka na pala...."

Mapungay na mata na kulay grey, matangus na ilong, mapupulang labi, at makinis na kutis na parang anghel. Anghel ba tong nakatitig sakin?

Wait nakatitig saken?! (blink-blink) ilang inches ang pagitan sakin na halos nararamdaman na ang hininga niya? Am I dreaming? O nagiimagine lang ako?

Tapos nagsmile yung anghel, wow ang ganda lang ng smile niya! Pero parang may mali eh....

"Hey!"

And back to reality...******

Nagaccelerate agad ang adrenaline rush ko at tinulak ko sya ng malakas.

"Ouch!" daing nya

"Sino ka?!!"

Pesteng lalaking to, kanina pa pala ako minamanyak! Akala niya siguro talagang natutulog ako noh. Bwesit toh!

'Wait! Chilax!" sabi nya habang himas himas nya yung pwet nya.

"Sino ka ha! Bakit ka nandito?!"

"Wait! Pwedeng chilax ka muna! Napadaan lang ako dito."paliwanag nya

"Talaga?!Baka kasabwat mo si Dennise at plano mo akong gahasain dito!"

"What?! Gahasain? I won't do such a thing! At sinong Dennise?"

"At nagmamaang maangan ka pa dyan na kunwari di mo kilala si Dennise, Sus! Alam ko na mga palusot niyo! Dahil nabisto eh hindi na kilala. Umamin kana, bisto ka na eh!" Etong isang toh ang tigas din ng ulo. Pukpukin ko toh ng sapatos ko eh.

"No! Im not joking! I don't really know her. I'm just new here in this school."

At nageenglish english pa! Kala mo kung sinong...(sabay tingin sa mukha nya) meztiso pala. Mukahng half to eh... Half chicken half manok! Hahaha joke lang!

Kinuha ko yung sapatos ko at pinukpok sa kanya.

"Walang hiya ka! Manyak ka! Plano mo pa akong gahasain tapos kasabwat mo pa si dennise at talagang hinaire ka para lang makaganti sakin! Mga walang puso kayo! Mga napakakitid ng utak! Mga walang hjiya! Pasalamat kayo mga mayayaman kayo at wala kayong pakialam sa magulang niyo! Manyak! Manyak" inis na sabi ko habang pinupukpok ko siya ng sapatos.

"Hey wait!Ouch! Hey!" sigaw niya habang iniilagan niya yung mga banat ko.

"Bweset! Bweset!"at mas tinodo ko pa ang mga hampas ko sa kanya. Imagine nakaupo pa kami sa sahig sa lagay na nyan. Tapos naramdaman ko nalang na medyo lumayo siya at nahuli niya ang mga kamay ko.

"I'm not manyak! I'm not Bweset! I'm not hired by what you call Dennise?! Im not walang hiya! At wala akong planong gahasain ka!" sigaw niya

At napatigil ako.

"Now do you understand me?ha?" tanong niya at tumayo.

Tumingin lang ako sa kanya. Im speechless. Napakaemotionless ng mukha niya.

"Well, sino ka? Bat ka nandito?" tanong ko ng mahinahon.

"Like I said, napadaan lang ko dito then I saw you lying there eyes closed and I thought na baka nahimatay ka or what at plano ko sanang humingi ng tulong at dalhin ka sa clinic. Pero Im just new here at hindi ko alam kung saan papuntang clinic so I stayed for a couple of minutes and check you if are you still breathing. At gising ka pala." paliwanag niya sabay kamot sa batok niya.

" Hindi mo sinagot yung tanong ko eh, anong pangalan mo?" iba kase yung sinagot eh

"I'm Zack."tipid niyang sagot sabay abot ng kamay sa akin.

"Xyrah..."sabay shakehands sa kanya

"Ahhm... Sorry,akala ko kase kasabwat ka ni Dennise at napagkamalan pa kitang manyak." Shet nahihiya ako! Bakit ba kase umiral pa pagkamaldita mo eh nagmamalasakit lang pala yung tao.

"It's okay"

Buti naman at mabait din pala ang taong toh, buti transferee eh at hindi ako kilala kase pag ibang student to malamang papabayaan lang ako dito. Dahil halos lahat kase ng students dito sa school kilala ang mga student assistants gaya ko. May iba din kaseng pareho ko na nagaassist sa mga teachers pero nasa ibang department sila nakaassign eh at hindi ko sila masyadong close.

Dahil nakatayo na si Zack at ako eh nakaupo parin kaya tatayo na ako.

Makakatayo na sana ako kaso biglang may sumakit sa bewang ko dahilan para makaupo ako ulit sa sahig.

"Aray!" sabay himas ko sa part na masakit. Bweset na katawan toh oh.

"Are you okey?" tanong ni Zack kahit halata namang hindi ako okey eh.

"Im okey!" pagsisinungaling ko. Tapos tinry ko namang tumayo ulit. Pero ang sakit eh.

"Hindi ka okey." sabi nya. Talaga namang hindi ako okey nagsinungaling lang ako.

Tapos inalalayan nya akong tumayo hanggang sa pwede na niya akong bitawan.

" Okey na pwede mo na akong bitawan" tapos inalis ko yung kamay niya sa bewang ko pero unang hakbang ko pa lang sumakit naman yung kanang tuhod ko kaya medyo na out balance ako. Buti nalang at nahawakan ako agad ni Zack kaya hindi ako tuluyang natumba. Traydor na katawan toh! Kung kailan dapat malakas ka tsaka ka naman mahina, nakakahiya tuloy.

"Buhatin nalang kita?" sabi nya sabay hawak ng mahigpit sakin.

"Wag! Mabigat ako! Hah!" At huli na ang lahat dahil nabuhat na nya ako ng parang bridal style.

"Bitawan mo ako Zack! please, ibaba mo ako!" sigaw ko sabay pumiglas sa kanya.

"Kung hindi ka titigil bibitawan talaga kita" pagbabanta niya kaya natahimik ako at hinayaan ko nalang syang buhatin ako. Tutal sya naman magsasuffer eh.

"Iguide mo nalang ako papunta sa clinic okay at wag kang malikot baka mabitiwan kita." sabi nya at nagsimula nang maglakad kaya ako behave nalang at tumingin sa dinadaanan namin.

"Lumiko ka dito" sabay turo sa kanang hallway at ginauide ko nga sya papuntang clinic buti nga eh hindi gaano kalayo yung clinic dito sa building na to at madali naming nakita.

My Damsel Princess (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon