6 "New Barkada"

6 0 0
                                    

Alex's

"Ale isa nga pong burger. " sabi ko sa ale na tagabigay ng pagkain didto sa canteen.

"Eto po sir" sabi nya sabay abot sa akin nung burger.

"Thanks." at pumunta na ako pinakacorner area na table na makikita mo sa loob ng canteen. Dito kase wala masyadong umuupo dahil  iisa lang yung upuan.

"Hey Alex! Yow wazzup!?" bungad ni Ken sa akin papunta sa direksyon ko.

"Hey!" sagot ko habang hawak hawak ang burger. Nang makalapit na siya ay humila agad siya ng chair sa kabilang table at umupo malapit sa kin.

"Ang hirap ng math tol! Dumugo yung brain cells ko kainis!" habang kamot kamot yung ulo niya.

"Hay naku. Di ka na naman kase nakinig, puro ka kase fb." sabi ko sa kanya.

Dumaan naman yung mga lower years sa harap namin na kakapasok palang ng canteen. Tinignan ni Ken yung mga bata na parang sinasabi na 'Off Limits area ito, hindi pwedeng umupo malapit dito'. Saka naman nagets nung ibang kasama nila at lumayo sa amin.

"Ken, huwag mo naman takutin yung mga bata."

"Eh parang may balak silang agawin ang atensyo mo palayo sa akin eh. Pareho lang naman tayong gwapo ah. Di hamak na mas gwapo ako kumpara sayo. Anubang gayuma ginagamit mo at ang daming may crush sayo kahit bago ka pa dito? Mas kilala nga nila ako compare sayo eh. "sabi niya sabay tingin sa salamin ng phone niya.

"Di ko nga rin alam kung bakit pinagtitinginan ako. Hayaan mo bibigyan kita ng pang pogi points. "

"Naku! wag mong ibigay yan sakin, ibigay mo nalang yan kay pareng Dom. Kase inlababo yun kay Cleah! Total, inborn na yung pagkachik magnet ko." sabay pogi sign sa akin. Napailing nalang ako sa ginawa niya. Nang matapos ko na burger ko, may tatlong lalaki naman ang papalapit sa aming direksyon.

"Yow mga tol!" si Dom, habang hawak hawak ang isang sandwich papalapit sa amin.

"Guys pakopya naman ako ng assignment sa Science oh." si Charl naman ay may dala dalang notebook.

"Ken, umusog ka naman nang konti." sabi naman ni Tristan habang papaupo.

It's been a month since I transfered here in Samsson Academy. Alam ko naninibago parin ako at kakatapos lang ng 1st quarter exam namin. Pero I'm also glad that I found new friends here.

Si Tristan na kauupo lang sa harap ko ay aking seat mate. Kasama ang kabarkada niyang si Dominic na nasa kaliwa niya, may crush ky Cleah, na classmate namin. Si Ken naman nasa kanan ko, chikboy pero may pagkapilyo. At sa kanan naman ni Tristan si Charl, certified computer gamer, ang galing niya kase sa games pero kapag homework walang masagot.

Magkakabarkada silang apat since first year, kaya medjo nahihiya pa ako sa kanila. Napasama ako sa grupo nila dahil kay Tristan. Nakagaanan ko agad ng loob si Tristan nung nagapproach siya sakin na nanghihingi ng papel kaya binigyan ko. Pero laking gulat ko ng biglang nagpaquiz si maam at wala akong masagot, kaya kinalabit niya ako pasimpleng binigyan ng sagot. At mula nun, isinama na niya ako sa barkada niya ng ilibre ko sila ng pagkain, pasasalamat ko kay Tristan.

"Alex, iimbitahan sana kitang pumunta sa bahay nila Charl ngayong friday, after class. Okay ka naman dun diba?" biglang sambit ni Ken habang nakatingin sakin.

"Anu ba Ken?! Ikaw ba may birthday ha? Si Charl ang may birthday hindi ikaw. Dapat siya ang nagiimbita hindi ikaw." sita ni Dom kay Ken.

"Oo nga, ako yung may birthday hindi ikaw! Bahay mo ba yun? Eh hindi mo nga ako tinanong kung imbitado ka ba sa birthday ko eh." inis na sumbat ni Charl kay Ken.

My Damsel Princess (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon